Eighty Two

1.6K 75 66
                                    


An:

Marami pong salamat sa mga nangamusta at patuloy na nakakaunawa sa tagal kong magupdate. Maraming salamat din po sa patuloy na sumusubaybay at sumusuporta. Masaya po akong magbasa lagi ng mga comments nyo kahit iilan lang kada update ko. It means so much a lot to me. :) Thank you and God Bless!

•••
#ElitesPlease
••••




Hirap na hirap akong alalayan si Blaze habang papasok kami sa unit n'ya. Nakaangkla ang isang braso n'ya sa balikat ko habang nakayapos naman ang kaliwa kong kamay sa bewang n'ya para maalalayan s'ya ng maayos sa paglalakad.


It was past twelve already. Kung hindi lang talaga malakas ang kapit nitong si Blaze ay hindi na kami para papasukin pa ng guard sa main gate pa lang ng campus at ng mismong lady guard na bantay ng buong dito sa buong dorm nila.


Kung bakit ba naman kasi naisipan pang bumalik sa party ni Winter. Pero bago pa yun, he made sure kay Axle kung nakaalis na ba si Zayn bago pa man kami makabalik.


Kagaya ng inaasahan ay inulan kami ng tanong at ilan doon ay mapaghinala at mapanukso. Lalo na si Ellie. Pero ni isa ay wala akong sinagot. Si Blaze naman ay sinusulyapan lang ako saka bahagyang tatawa. Para pang nakakaloko. Kaya tuloy pakiramdam ko ay lalo lang naintriga ang mga kakilala n'ya at kaibigan namin. Namin....



“Ihagis na lang kaya kita sa kama? Napakapabigat mo. Wala naman sayong nagsabi na maglasing ka masyado.” Panenermon ko pa habang papasok na kami sa kwarto n'ya.



Tumigil s'ya at bahagyang tumayo kaya napatigil ako ng pagalakay. Namumungay ang mga mata n'yang tinignan ako.



“Oh, Misis ko..” Lasing n'yang banggit habang nakangiti at nakatitig sa akin.



Lalo akong nainis kaya imbis na alalayan pa s'ya ay patulak ko s'yang itinaboy sa kama.



“Ouch.”


Dahil sa kalasingan ay para s'yang papel na lumipad lamang sa ibabaw ng higaan n'ya. Pansamantalang nawala ang inis ko dahil doon.



“Ang wild mo naman Misis ko. Hindi pa tayo nagsisimula sinasaktan mo na agad ako.”



Halos papikit na ang mata n'ya ay nagagawa pa rin n'yang asarin ako. Akala n'ya ata natutuwa pa ako sa pinagsasasabi n'ya lalo at lasing na lasing s'ya ngayon.




“Manahimik ka Dalton kung ayaw mong lunurin kita sa bathtub mo ngayong gabi.”



Walang choice na lumapit pa rin ako sa kanya at inalis ang suot nyang sapatos. Agad ko na ring hinubad ang medyas n'ya.


Habang ginagawa ay tinignan ko pa s'ya saglit na ngayon ay tuluyan na ngayong nakapikit. Malayang nakalatag ang mga kamay at braso n'ya sa kalawakan ng kanyang kama.



Matapos tanggalin ang suot n'ya sa paa ay nagdalawang isip pa ako kung tatanggalin ko rin ang suot n'yang damit. Pero napagtantong hindi na kailangan dahil hindi naman s'ya nagsuka para palitan ko pa. Saka hindi naman n'ya ako Yaya para gawin yun. Malaki na s'ya, kaya na n'ya sarili n'ya.




“Alis na ako. Bangungutin ka sana.”




Pagkapihit ko pa lang patalikod ay muli na naman s'yang nagsalita. Akala ko nakatulog na.




ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon