Five

3.8K 131 51
                                    


E

DITED VERSION

°°°°

#ElitesCaptain



SABADO ng umaga. Ibigsabahin ay walang pasok. Unli tulog, unli babad sa social media at unli kain kapag nagutom. Tinatamad pa akong bumangon dahil wala rin naman akong matinong makakain na umagahan kung hindi ang walang kamatayang 'hotdog' ni Kurt. Ugh.



Kung bakit ba kasi idinadamay nya ako sa pagpapakamatay nya. Imagine, kung hindi pritong hotdog, minsan binating itlog na may hotdog. Magluto man sya ng ibang putahe, mas lamang parin ang hotdog sa sangkap. Grabe, nakakasuka at nakakasawa na.



"Candid, bangon na. Sabay na tayong kumain." bungad agad nya ng sumulpot sya sa nakabukas na pintuan ng kwarto ko.

Agad akong tumagilid habang nakahiga pa rin at tinalikuran sya. Ibinalot ko lang ang sarili ko sa kumot dahil tinatamad pa talaga akong bumaba ng bahay. Hindi naman worth it babain yung breakfast na inihanda nya.





Though I appreciate his efforts. But no thanks.




"Ayaw. Tinatamad pa akong bumangon." I lazily replied. "Saka kung hotdog na naman yun Kurt, thanks na lang."


"Sige.'Di ikaw ang bahala magluto ng makakain mo." he retorted. "Basta kapag sasama ka, maligo ka kaagad habang kumakain pa ako."


"Next time." tipid na sagot ko.



"Kailan na naman? Paulit ulit na yang next time mo Alessia. Hindi naman mangyareyare." reklamo pa nya at tuluyang ng pumasok sa loob ng kwarto.



Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa bandang paanan ko.




No choice ako kung hindi ang bumalikwas sa pagbangon saka umayos ng upo. Kapag kasi tinawag nya na ako sa second name ko, alam kong may seryoso syang sasabihin. Ganun ang pagpapahiwatig nya na hindi ito ang oras ng baliwan at kulitan na usapan. It's a serious matter na kailangang pagusapan ng maayos.



"Hindi pa ako ready Kurt." I mumbled, silently gripping my hand tight.



Agad kong tiniklop ang aking mga tuhod at niyakap ng mahigpit ang mga binti ko. Mariin kong ipinatong ang baba ko sa tuhod ko habang nakatungo. Ramdam ko kasi ang mainam na paninitig ni Kurt pero pilit kong iniiwasang salubungin ito.



"He also needs you. It's almost a year and yet hindi mo pa rin sya pinupuntahan man lang."halata sa boses nya ang bahagyang pagkainis.


"There is always a room for what we called 'right timing' Kurt. Sa ngayon hindi ko pa kaya. Hindi ko pa tanggap." I quoted.


"He badly needed your presence too. Hindi lang kami ni Mama." he insisted but I quickly jerk my head.


"Hindi ko na kailangang ulit ulitin Kurt. You know my reasons."


He breathe deeply. Rinig na rinig ko yun pero hindi ko pa rin sya nagawang tignan. Natatakot akong tignan sya sa mata dahil baka mapasuko nya akong sumama sa kanya.



ELITESWhere stories live. Discover now