Thirty Eight

2.3K 93 13
                                    


Chemistry

-

Nanatili lang akong nakatitig sa sarili kong mukha sa salamin habang nagsusuklay. Nagmumuni ng kung ano ano. Masyado na akong nalulunod sa pagiisip ng mga problema ko.

"Hanggang kailan Bes?"

Inagaw sa'kin ni Ellie ang suklay na hawak ko at sya ang nagpatuloy ng ginagawa ko. Marahan nyang sinusuklay ang buhok ko habang nakatayo sya sa likuran ko. Nakatingin sya sa repleksyon ko sa salamin at ganun rin naman ako sa kanya.

Masyadong seryoso ang expression ng mukha nya habang tinititigan ako sa salamin. Hindi ako sanay at parang gusto kong mailang.

Ito kasi ang pinakaunaunahang pagkakataon na inilantad ko sa kanya ang mukha sa likod ng aking maskara. Kaibigan ko sya at nasabi ko na rin sa kanya via email ang halos lahat ng sikereto ko, kaya wala naman sigurong masama kung pati ito, ipakita ko.

Kung si Blaze nga nakita na ilang beses eh.

"Hanggang kailan mo balak dalhin lahat?"

"Hanggang kaya ko pa."

Muli nya akong pinakatitigan sa salamin pero iniwas ko lang ang tingin ko at inabala ang kamay kong ayusin ang damit na isinusukat ko.

"Alam mo Bes, bukod tangi ka talaga sa lahat ng nakilala ko. You deserve to shine, pero mas pinipili mong magtago. Napapaisip na tuloy ako kung matapang ka ba talaga." pilit syang natawa ng bahagya. Tumigil sa pagsusuklay ng buhay ko at muli akong tinignan.

"Ang seryoso mo masyado, hindi ako sanay." natatawa kong sabi sa kanya. Pero seryoso pa rin syang nakatingin sa'kin.

Ano ba naman 'to. Ang bigat ng usapan namin at hindi ako sanay na ganito nya ko kausapin ngayon.

"You're right Bes, your pain is too hard to bear kaya sana pala hindi na lang kita pinilit." malungkot na dagdag nya.

Saglit akong muling tumingin sa kanya sa salamin at hinarap na sya.

"Huwag mo nga 'kong kaaawan El." seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga mata nya.

Itinaas nya ang kanyang isang kamay at inayos muli ang buhok ko.

Kaunti na lang talaga paninindigan na ako ng balahibo sa kinikilos nya. Hindi bagay sa kanya ang masyadong seryoso at masyadong nagpapakasweet na kaibigan.

Hinawakan nya ang balikat ko at muling iniharap sa salamin. Hinawi nya ang buhok sa batok ko at matagal na tumitig doon.

"Ilan Bes?" she asked, referring for what she is seeing.


"Di ba sinabi-"

"Just answer me Bes." saad nito, pagpapatigil sa sinasabi ko. Masyadong seryoso.

Alam na nagsisinungaling ako.

"Four."

"What the hell." she murmured.

Himala, hindi 'aykenat' at 'kenatbi' ang sinabi nya. Patunay nga na seryoso talaga sya ngayon.

ELITESWhere stories live. Discover now