Four

4K 147 18
                                    

EDITED VERSION

°°°



#ElitesMissSomething

Kahit malakas ang aircon, sobra pa ring tumagaktak ang pawis ko. Hindi naman mainit pero lalo lang akong napapagod dahil sa inis na nararamdaman ko.

Sige, punas lang Candid.

Punas hanggang mangintab na ang buong glass wall na 'to. Punas pa hanggang sa kaya na nilang manalamin dito. Baka kasi hindi sila marunong manalamin kaya puro kakulangan at mali sa itsura ng iba ang lagi nilang napupuna. Baka gusto nilang gawin itong salamin dahil hindi pa sila kuntento sa mga salamin nila sa unit nila.


"Look who's here." Lumingon ako sa likuran ko ng may biglang magsalita.

Candid, there you are again.

Rinig na rinig sa buong lobby ang pagtunog ng takong ng sapatos nya. Sa tatlong babaeng kasama nya, bukod tanging yung tunog ng paglalakad nya ang nakakairita.

"Enjoying your part time job freak?" Nakataas na kilay nitong sambit ng tuluyang tumigil sa paghakbang sa harap ko.

Freak? How I hate her endearment for me, masyadong sweet.

Pinili ko na lang na huwag magsalita at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. She's not even worth my time. Bibigyan ko lang sya ng satisfaction kapag pinansin at pinatulan ko sya. And it will never happen, not now and forever.

"The next time you mess up with my King, hindi lang ito ang mangyayari sa'yo. I'm watching you freak girl. So you must be careful." Mapagbantang sabi ni Yuri bago pa man ako tuluyang linagpasan.


King nya? Pakialam ko ba naman sa King nya na kapitan ng mga unggoy? Bagay sila magsama sa kagubatan, tutal mukha naman s'yang gorilla. Masyado s'yang clingy eh sa hari nyang kalahi n'ya eh.

Sumunod naman sa kanya ang dalawang babaeng kasama nya. Pero sa pagkakaalam ko, apat sila. Dalawa lang ata ang bumuntot sa kanya?

"What's your name?"

Muli akong lumingon sa likuran ko. Naiwan pala ang isang babaeng may pagkaboyish ang hair style. Sobrang ikli ng gupit nito na bumagay naman sa maganda n'yang mukha.

"Candid." I casually response.

"Sham." She smiled genuinely, without bothering for a shake hands.

Kahit na nagtataka kung bakit s'ya nagsasayang ng oras sa'king magpaliwanag ay tipid na tumango lang ako.

Tinignan ko ang logo na nasa kaliwa n'yang dibdib. 'E.'


Dalawa lang ang Elite na babaeng kaklase ko. At isa na nga doon ang Yuri na yun. Kaya siguradong taga ibang section s'ya.


"See you around Candid." Tuluyan na rin syang naglakad paalis na nagpahabol pa ng matamis na ngiti sa'kin.

Habang tinititigan ko sya, napapaisip ako kung lesbian ba sya dahil sa gupit nya. But looking at her while walking, alam kong hindi. Hindi lang talaga siguro sya girly.

ELITESWhere stories live. Discover now