Eighty

1.7K 73 33
                                    

••••
#Pahinga



“So, can you tell us kung bakit ganito na lang ang kagustuhan mong sumali sa contest na gaganapin sa Christmas Party? Sa pagkakaalam ko hindi mo naman tipo na sumasali sa ganun lalo at sa magtatanggal ka ulit sa harap ng maraming tao.” Tanong agad ni Axle matapos ko silang tanungin para sa isang pabor.


Tumungo ako saglit at napakagat labi bago sumagot. Tapos na ako sa pagkain habang sila namang apat ay hindi pa. Kinapalan ko na lang talaga ang mukha kong sumabay sa kanilang apat.


Yung grand prize kasi..” hindi ako sigurado kung nahihiya ba akong aminin o nagaalangan lang talaga ako. “yun yung habol ko. Malaki ang matutulong non sa'min para makahanap ng apartment na malilipatan.”



Sabay sabay silang muling napatingin sa'kin maliban kay Blaze na napansin kong natigilan sa pagkuha ng pagkain sa pinggan gamit ang kutsara n'ya. Pero nanatiling nasa pinggan n'ya ang tingin n'ya.



Ayun naman pala eh! Call ako dyan. Willing to help ako. Ikaw pa ba, malakas ka sa'kin.” nakangising sagot agad ni Axle sa'kin na bahagya ko ng ikinapanatag.


Naiilang akong tumingin kay Trust at Dwayne. Tipid at alanganin akong ngumiti kahit hindi nila nakikita.



“Wala namang problema sa'kin. Kung makakatulong kami, malaking bagay yun.” Dwayne genuinely smiled at me. Habang si Trust naman ay tumango rin sa'kin saka ngumiti na may pagangat pa ng baso nyang naglalaman ng juice.

Unti unti ay tumingin ako kay Blaze at ganoon rin sila Dwayne, Axle at Trust. Tila inaabangan nila ang sasabihin ni Blaze.



Huwag nyong hintayin ang sagot ko. Busy akong tao.” Malamig na sabi nito.



Bumagsak ang ekpresyon ng mukha ko dahil doon. Diretso n'yang inubos ang natitirang inumin sa baso saka mabilis na tumayo. Wala man lang itong sabi sabi na umalis at humakbang na palayo.


Bahagyang bumigat ang loob ko. Ang akala ko ba s'ya itong pinakaunang taong nagtitiwala sa'kin at tutulong sa'kin tungkol dito? S'ya pa nga itong todo tulak sa'kin na sumali sa contest noong nagdadalawang isip ko. Bakit biglang nagbago?



Blaze! Sandali!”



Patakbo ko s'yang hinabol dahil sa bilis n'yang maglakad. Mukhang wala s'yang balak na tumigil kahit naririnig naman n'ya ang pagtawag ko kaya wala akong choice kung hindi mabilis na hawakan ag braso n'ya para tumigil s'ya sa paglakad.



Iritado ang mukha n'ya ng harapin ako kaya agad ko ring binitawan ang braso n'ya.




Busy ako. Hindi pa ba malinaw yun sa'yo?”


ELITESWhere stories live. Discover now