Kabanata 11

229 81 20
                                    

Kabanata 11

Piano

Bigla ko nga palang naalala na nahimatay ako sa harap niya nang magpunta ako sa Jardin de Maria para mamitas ng bulaklak ng heranyo pero ang ikinagulat ko ay sa panaginip ko, may lalaking nag-abot sa'kin ng punpon ng rosas at hindi heranyo. Taliwas iyon sa reyalidad dahil sa aking panaginip ay isang piraso ng heranyo ang inihandog ng binata sa'kin.

"Ano nga palang nangyari sa'kin sa Jardin de Maria?" Narito pa rin kami sa ilalim ng malaking puno ng mangga habang nilalasasap ang ganda ng raw paradise.

Nilingon niya ako at sa pagkakataong iyon ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Halu-halo--- pag-aalala o pagkalito. Hindi ko masabi. 

"Anong Hardin ni Maria? May ganoon bang lugar?"

Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko.

"Anong hindi mo alam?... Kasama... kita ro'n." Nabalot ng pagkalito ang boses ko. Kung kanina'y siguradong-sigurado ako pero ngayon parang nagkaroon pa ng isang mas malaking palaisipan sa utak ko.

He laughed under his breath. "Baka namamalik-mata ka lang? O baka kamukha ko lang iyon."

O baka kamukha ko lang iyon.

O baka kamukha ko lang iyon.

Nagpintig ang tenga ko at paulit-ulit ang mga katagang iyon sa utak ko na parang sirang plaka.

"Binigyan mo pa nga ako ng mga rosas no'n. Baka hindi mo lang natatandaan?" tarantang sabi ko. Kasi parang imposible, parang it's either him or nothing. Minumulto na ba ako? Huh?

He became giddy. Kiniliti niya ang kaliwang balakang ko na ikinabalikwas ko ng kaunti. "Uyy! May lalaki ka na ba bukod sa'kin?" ngingiti-ngiti niyang lahad.

At para bang mas tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Was he serious? Paano niya nasasabi ang ganiyang mga bagay nang hindi nakakadama ng awkwardness o pagka-ilang? Para bang wala lang sa kaniya yung sinabi niyang 'May lalaki ka na ba bukod sa'kin?'. Pero sa bagay, ako lang naman itong naglalagay ng malisya sa lahat ng small gestures na ginagawa niya sa'kin.

Siya, kaibigan lang naman ang turing niya... kaibigan. 

"Tulala ka ah." 

"W-wala. May iniisip lang." I reiterated.

"Pero seryoso, Is there a guy hitting on you?" mas naging seryoso na ngayon ang boses niya mula sa pangungutyang tono.

"Kalimutan na natin 'yon. Not a big deal. Baka binebentahan lang ako ng bulaklak no'n hehe." I tried to laugh. God knows I tried pero palpak ako. Nananantiya pa rin ang mga mata niya pero hindi na lang siya nagsalita. He wasn't convinced but he chose to remain silent.

Ilang oras na rin ang nagdaan matapos ang mahabang kuwentuhan namin ay hindi na namin namamalayang magta-time na pala!

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. "Apollo, magta-time na pala. Gotta go na."

"Diba sabi ko sa'yo na lahat ay may hangganan." nakatitig lang siya. As if his eyes deriving my soul. Nagtagisan lang kami ng mga titig sa isa't isa.

He boisterously laughed. "Hahaha! Masiyadong serious yung mukha mo, kung nakita mo lang."

Natawa na lang din ako't napailing. "Sira ka," sabay hampas sa balikat niya.

"Aww,"

"Tara na nga." 

Nag-presinta na rin siya na ihatid ako sa classroom namin kahit pa nagpumilit akong 'wag na. He was just persistent kaya wala na akong nagawa, tsaka gusto ko rin! Ngunit sa kalagitnaan nang paglalakad namin ay may mga kumpulang lalaki ang tumatawag sa pangalan niya.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now