Wicked Chapter Forty-Two

6K 105 6
                                    

LONG NOTE. BASAHIN. ANG HINDI MAGBASA, PANGET!!! Hindi lang yan basta naka-capslock, naka bold at may tatlong exclamation point pa para super duper intense lol

So.... gusto ko kasi talaga 'tong paabutin lang ng 50 chapters kasi ang dami di ba?? Kaloka lang. Nakakalula kayang magbasa ng mahaba =______=

So ayoko na siyang maging mas mahaba pa dun. Actually nung nag back read ako, na-realize kong sinabi ko palang around 40 chapters lang si Cinderella pero sa ngayon ay may 40+ chapters na siya... (haist)

Bali itong chapter na 'to... andami ko na ring naging edit dito... puro filler kasi yung scene... feeling ko puro pa rin siya fillers T_T pero sana pagtyagaan na ninyo... kalawang ako lately eh... ilang linggo na rin kaming hindi nagdi-date ni laptop... after kasi ng liar game, kimi ni todoke naman ang pinapanood ko lol

Anyways, salamat ulit sa mga PATULOY na nagbabasa ng kwentong ito... salamat sa pagtyatyaga ninyo. Sisikapin kong matapos ito by December kasi gusto ko ng bagong story sa New Year ^_^

Salamat din sa mga may tyagang magbasa ng walang kwenta, walang kabuluhan at pampaubos lang ng oras na AN... Sa mga readers ko... hindi ko man alam ang eksaktong bilang ninyo.... MAHAL KO KAYO!!! <3 capslock para intense XD

PS. Nakukulangan ako sa sinulat ko... feeling ko andaming butas... parang kulang sa transition... :/ Anong masasabi ninyo? Oops... di n'yo pa pala nababasa lol

-----

Wicked Chapter Forty-Two

"So, pinagpalit mo na pala kami?" Natigilan si Cindy sa paghakbang nang salubungin siya ng mga salitang iyon pagpasok niya sa una niyang klase.

"Aya," ika ni Cindy. Sino pa nga ba ang sasalubong ng ganoon sa kanya. Nakatayo ito malapit sa bukas na bintana habang naninigarilyo. Naroon na rin sina Elise at Courtney. Magkatabi naman silang nakaupo sa pwestong gusto nila. Bukod sa kanila ay wala pang ibang tao sa silid.

"Miss Aya," wika naman ng dalawang kasama ni Cindy, sina Donna at Tanya, mga kaklase niyang nagpakilala sa kanya kanina sa lobby.

Matapos tignan ang suot niyang wrist watch, matamang tinapunan ng tingin ni Aya ang dalawa. "Maaga pa. Mag-ikut-ikot muna kayo kung saan."

"O-Opo," sabay na anila bago umalis. Si Cindy naman ay nanatiling nakatayo sa ilalim ng pintuan.

"Oh my gosh! Nag-chap na yung tip ng nail polish ko!" ika ni Courtney. Kapwa sila ni Elise na walang pakialam sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa pa nilang kaibigan.

"Duh! Magpa-manicure ka na ulit!" sagot ni Elise habang kinakapa ang makapal niyang buhok. "Ako naman I need a hair treatment. Parang ang dry ng hair ko lately eh."

"Yeah! At ang dull na ng kulay ng buhok mo."

"Napansin mo rin? Tara sa salon?"

"Sure!"

Sabay na hinablot ng dalawa ang mga bag nilang nakapatong sa ibang upuan.

"Ay, sama ka?" tanong ni Courtney.

Tipid na nginitian ni Aya ang dalawa. "Mauna na kayo. Mag-uusap muna kami ni Shin."

"Okay. Let's go Elle!"

"Gosh, ikaw lang kaya hinihintay ko!"

Tumayo na ang dalawa at naglakad papunta sa pinto, sa direksyon ni Cindy.

"Bye Shin!" ika nila matapos makaharap si Cindy. Yumuko lang naman si Cindy bilang sagot lalo't hindi pa siya pamilyar sa dalawang iyon.

Siguro nga, iba na ang mga kaibigan niya. Iba na ang mundo niya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon