Wicked Chapter Seven

9.8K 188 29
                                    

"Ma'am Shin, wala na pong cream puffs sa ref."

"What?" tinaasan lang ni Cindy ng kilay ang katulong nang sabihin nitong ubos na ang paborito niyang miryenda. "Problema ko pa ba yun? Edi lumabas ka't ibili mo 'ko!"

Pagabi na't gutom na siya. Pero ang alipin niya, wala pa sa bahay, hindi tuloy siya makapaghapunan.

"Pero ma'am hindi ko pa po kasi tapos yung plantsahin ko—"

"So uunahin mo yung plantsahin mo at hahayaan mo 'kong magutom ganon?"

"Shin, ang puso mo!" while busy buffing her long, colorless nails, Courtney stopped her. She was on the other end of the sofa where Cindy was as well seated. "Kung nagugutom ka, magpaluto ka na lang sa katulong."

"Court, alam mo namang gawain din ni Prince pati ang ipagluto siya di ba?" sabat ni Aya matapos ilagay ang mga letra niya sa board. Naglalaro kasi silang apat ng scrabble.

"Edi magpa-deliver ka muna!" mungkahi ni Courtney.

"Pero cream puffs ang gusto ko!" Cindy insisted.

"Edi i-text mo muna si Prince," si Aya ulit. "Siguro naman pauwi na 'yon. Sabihin mo pasalubungan ka niya ng cream puffs. Idamay niya na rin ako. Gusto ko ng donut eh."

Shin rolled her eyes and went back to the maid, "Osya, sya! Umalis ka na't wala ka namang silbi!" Tulad ng parati ay itinaboy niya ang katulong na para lang siyang nagpapaalis ng langaw.

Tahimik namang umalis ang katulong para makabalik sa pamamalantsa.

Kinuha ni Cindy ang cellphone niyang nasa ibabaw ng mesa. She's really craving for her favorite cream puffs. After finding Prince's number in her crowded phonebook, she pressed the call button. But unfortunately for her, she can't connect to him.

"The hell! Naka-off ang phone niya?" Cindy complained.

"Hey, speaking of!" Aya answered, "Di ba wala kay Prince yung phone niya ngayon?"

"Holy shit!" she exclaimed, sounding as disappointed as she was. Nasapo pa niya ang kanyang noo. "Right! I'm doomed! Argh! Asan ba kasi ang palakang 'yon? Hindi ko siya mapakinabangan pag wala siya sa tabi ko. Bwisit! Malaman-laman ko lang talagang magkasama na naman sila ng Stefaniang yon, ibibigti ko silang pareho!"

Natawa na lang ang tatlo.

Napangiti si Courtney nang matapos ang kanina pang tahimik na si Elise. Siya na ang sunod na titira. Agad siyang nakakita ng magandang salita. Isa-isa niyang inilagay ang lima sa pitong tiles na meron siya. She fashioned them before the letters U and S which were previously placed there by one of them, She purposely read her word aloud, "Jealous!"

Lalong natawa ang tatlo.

"It's your turn, Shin!"

Cindy rolled her eyes the second time. "Ayoko nang maglaro!"

"You're such a sore loser!" Courtney said with narrowed eyes. Though she knew Cindy wouldn't like it, she made it a habit to tease her.

"Hoy, Mary Courtney Abenojar, ayan ka na naman ha?"

"What?" patay-malisyang tugon niya. "Ano bang ginawa ko?"

Inirapan lang ni Cindy ang babaeng matapos bumunot ng limang bagong tiles ay bumalik na sa pagpapakintab ng kanyang kuko.

"Hey, he's here!" si Elise ang unang nakapansin sa presensya ng kararating lang na si Prince.

Sinalubong naman ni Cindy ng tanong ang binata, "At sa'n ka galing?"

"Ah.. kasi," he started. "Um-attend ako ng practice ng basketball team."

"Yun naman pala eh!" sabat ni Elise. She was arranging the tiles in her rack, hoping to create a word that will give her a high score on her next turn. "She wasn't with the female dog."

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon