Wicked Chapter Forty-Six

5.6K 101 6
                                    

"Hello?" bungad ni Cindy sa kausap niya sa kabilang linya. Nakarehistro ang pangalan nito sa cellphone niya kaya alam niya kung sino ang tumawag, si Aya.

"Yo! You're home?"

"Hm. Ano bang kailangan mo?"

"Ouch, parang ayaw mo 'kong makausap ah? Anyway, itatanong ko lang kung nahanap mo na yung journal."

"Ah... oo nga pala. Tungkol dun..." Hinubad ni Cindy ang suot niyang salamin. Isinara na rin niya ang binabasa niyang libro. Inipit niya ang cellphone sa pagitan ng kaliwa niyang tenga at balikat. Sinimulan niyang hanapin sa mesa ang journal ni Aya.

"Ah... ano bang itsura non? Nawala kasi sa isip kong hanapin eh."

"It..sura?" Sandaling nag-isip si Aya. "Well... hindi kasi ako ang bumili nun kaya hindi ko na maalala yung design. Isa pa two weeks ko na yung hindi nakikita. Hindi ko kabisado eh. Hanapin mo na lang. May pangalan naman yun eh. So pag nakita mo, malalaman mo agad na akin yun."

Muling tumango si Cindy. "Okay sige, hahanapin ko. Uh, tatawagan na lang kita pag nakita ko na."

"Sure. I sure hope you'd do that."

Nang mga sandaling iyon ay may nakitang ring notebook si Cindy. Mas maliit iyon sa karaniwang sukat ng ibang notebook. Itsurang luma pero mukha namang naaalagaan. Kulay pula at itim iyon na may simpleng bulaklaking disenyo. Hindi niya sigurado kung iyon ang pinapahanap ni Aya. Hindi na rin niya nakumpirma iyon sa babae lalo't naputol na ang tawag.

Ibinaba na niya ang hawak na cellphone sa mesa nang mapagtuunan niya ng pansin ang bagay na kanyang sinusuri. Para kumpirmahin kung kanino nga ang notebook, naisipan niyang buksan iyon at basahin.

Lingid sa kaalaman ni Cindy, hindi kay Aya ang journal na pinahahanap nito, kundi sa kanya. At iyon mismo ang kwadernong hawak niya. Kaiba sa ibang talaarawan, isang beses lang sa isang taon kung sulatan iyon ni Cindy. At wala iyong ibang laman kundi ang galit na nadarama niya para sa taong dahilan ng kamatayan ng mga magulang niya.

Tok! Tok! Tok!

Hindi naituloy ni Cindy ang pagbuklat sa hawak niyang journal nang may marinig siyang katok sa pinto.

"Sandali lang," aniya pa bago niyang ibinaba ang hawak sa mesa para pagbuksan ang kumatok. "O! Prince!"

Si Prince nga ang nakita niya sa likod ng pinto. Nakangiti ito sa kanya at may dalang tray ng pagkain. "Para sa'yo."

Napangiti na lang din si Cindy. "Pauso ka ah? Ano 'to, dinner in bed?"

"Hindi ka pa naman nakahiga ah?" Hindi pa man siya pormal na pinapapasok ni Cindy ay humakbang na si Prince papasok sa loob ng silid. Dumiretso siya sa study table nito. Doon niya ipinatong ang dala niyang tray.

"Kumain ka na. Ako nagluto niyan."

"Ikaw! Kakaiba ka manligaw ah? Gagawin mo 'kong tamad?"

Ngumiti lang ulit si Prince. "Hindi sa ganon. Naisip ko lang na mag-akyat na ng pagkain mo. Aminin mo, wala kang balak kumain 'no?"

"Ha?"

"Late na. Hindi ka pa naghahapunan."

Napatingin si Cindy sa relong nakasabit sa dingding. "Oo nga 'no? Past 8 na pala? Hindi ko namalayan."

Naglakad si Prince papunta sa kama ni Cindy para maupo. "Siguro talagang ayaw mo kay Mommy."

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Ayaw mong andito siya. Ayaw mo rin siyang kasabay kumain. Hindi mo na siya maalala pero siguro yung isip mo umiiwas pa rin sa kanya."

Tumango si Cindy bago naglakad pasunod kay Prince. "Ako ba ang may ayaw sa kanya o siya ang may ayaw sa'kin?"

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon