Wicked Chapter Seventeen

7.5K 106 12
                                    

Sa halip na sa isang puting kabayo, lulan ng isang magarang sasakyan, dumating ang makisig na prinsipe. Sandali niyang ipinarada ang minamanehong kotse sa espasyong nakita niya. Halos magsumigaw ang kaputian ng kasuotan niya. Plantsadong-plantsado ang damit niyang sa unang tingin pa lang ay halata nang gawa sa de-kalidad na tela.

Sa halip na dumiretso sa pagtitipon, pagkababang-pagkababa niya sa sasakyan ay naglakad siya ng kaunti upang pagbuksan ang bruhang nakapwesto sa likuran. Inilahad pa ng prinsipe ang kamay upang alalayan ang bruhang sa pakiwari ng lahat ay ginamitan siya ng kung anong salamangka upang paamuhin.

Hindi pinansin ng bruha ang kamay ng prinsipe. Mas ninais pa nitong bumabang mag-isa. Ni hindi ito nagsabi ng anuman matapos bumaba sa magarang sasakyan. Sa halip ay itinulak niya ang prinsipe upang bigyang-daan ang sarili. Nauna siyang naglakad patungo sa pinaggaganapan ng pagtitipon.

"Wow, you've got a new car?"

Natigilan ang prinsipe-si Prince sa pagmamasid sa palayong bruha nang marinig niya ang tinig ng isa pang binibini.

Halos tahimik ang pagsara ng pinto ng kotse ni Aya. Hindi mawala ang ngiti niya habang pinagmamasdan ang magarang sasakyang dala ni Prince. Lumapit pa siya't hinaplos ito.

"My gosh, how posh! Kailan 'to binili?" tanong niya sabay tingin sa binata. "Hindi ko 'to nakita the last time na pumunta 'ko sa inyo ah?"

"Kay mommy yan," sagot ni Prince. "Hiniram ko lang."

"I see. Pero... asan ang date mo?" Hindi pa man nakakasagot si Prince, agad nang pinuluputan ni Aya ang batok ng binata. "Kung wala, gusto mo ako na lang?"

Pasimpleng lumingon si Prince sa ibang direksyon upang mag-iwas ng tingin. Gayunman ay hinayaan niya ang mga brasong nakasabit sa batok niya. "Pwede ba?"

"Oo, lahat pwede!" biro ng pasaway na dalaga.

Ibinalik tuloy ni Prince ang tingin sa kanya. "Aya, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo, nasa loob lang si Stephanie."

"Wow, Aya," wika ng dalagang tila manghang-mangha sa pagtawag ng lalaki sa pangalan niya. "Don't you think that's so much better than calling me 'Miss'?"

"Ano bang gusto mo?" tanong ng lalaki.

"Ikaw sana," diretsong sagot ng dalaga. "Kaso may girlfriend ka na. Honestly hindi naman ako yung tipo ng babaeng nang-aagaw ng pag-aari na ng iba. Kaya, siguro mas okay kung hihintayin ko na lang kayong mag-break ng gf mo. You know what? I really have this feeling that a couple's gonna split tonight!"

Muling nag-iwas ng tingin si Prince. Pasimple na rin niyang kinalas ang mga brasong nakasampay sa kanyang batok.

Hinayaan lang ni Aya si Prince, gayunman ay ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaro niya rito. "Basta may reservations na 'ko sa'yo ah? For now, enjoy the party!"

Matapos wakasan ang sinasabi, bahagya siyang tumingkayad upang abutin ang labi ni Prince. Gusto niya lang bigyan ng mabilisang halik ang binata kaya agad rin niya itong tinalikuran. Hindi niya inasahan ang magiging ganti nito.

Pagtalikod na pagtalikod niya, hinawakan siya sa pulso ni Prince, inikot paharap rito at sinalubong ng isang mainit na halik. Agad ikinulong ni Prince ang dalaga sa bisig niya. Ang isa naman niyang kamay ay umakyat sa batok nito.

Doon mismo, sa gitna ng isang pampublikong lugar na pinagliliwanag pa ng maraming poste ng ilaw, pinagsaluhan nila ang isa na namang matamis na kasalanan. Wala iyon sa isip ni Prince. Wala siyang pakialam.

Si Aya ang unang huminto sa sesyon nila. Nakangiti siya kahit noong mamasdan niya ang pagyuko ng binatang tila pinagsisisihan ang nagawa. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Prince upang paharapin ito sa kanya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon