Wicked Chapter Eighteen

7.3K 117 17
                                    

Sa kabila ng malakas na tugtuging bumubuhay sa gabi at dugo ng mga pares na sumasayaw sa malawak na entablado, rinig ni Cindy ang bawat pagtapik ng mataas niyang takong sa sahig. Huminto lamang ang nililikha niyang ingay nang mahinto rin siya sa paghakbang. Sabay sa pagkunot ng kanyang noo ay paghigpit ng hawak niya sa mumunti niyang bag.

Bagaman ramdam niya ang tila biglaang panunuyo ng kanyang lalamunan, pinilit niyang magsalita. "Z-Zach?"

Kahit na sa isang madilim na sulok niya iniwan ang kasintahan, kitang-kita niya ang malikot na labi nitong pinagpapakasasaan ng ibang babae. Sandaling-sandali lang siya sa banyo. Inayos niya lang ang sarili niya. Muli niyang pinintahan ang labi niya lalo't katatapos niya lang makipaghalikan sa lalaki. Ngunit sa pagbalik niya, iba na ang kapareha nito.

Dahan-dahang naghiwalay ang labi ni Zach at ng babaeng kahalikan niya. Dahan-dahan din ang naging pagharap niya kay Cindy. Blangko ang kanyang ekspresyon. Hindi rin siya nagsabi ng anuman.

Napailing na lang si Cindy. Tunay ngang si Zach ang lalaking nakita niya.

Hirap at nauutal siyang nagwika, "H-How could you? You're... you're cheating on me?"

Sa halip sumagot ay yumuko si Zach palapit sa tenga ng babae. Tila ba may kung ano siyang ibinulong rito para umalis ito sandali at iwan sila.

Gusto man ni Cindy, hindi na niya nagawang hablutin ang makapal na buhok ng babae. Titig na titig siya kay Zach. Puno ng pagtataka ang mga mata niya. Panay tanong ang tumatakbo sa kanyang isip.

Nang hindi pa rin magsalita ang binata, bumulong si Cindy. "Answer me."

Zach smirked. He anticipated Cindy's brow to ascend that instant. "You really want me to say it straight to your face? Yeah, I'm fuckin' cheating on-"

Hindi na nagawang ituloy ni Zach ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Cindy. Lubhang napakalutong ng sampal na iyon na nagawa niyong makuha ang atensyon ng mga tao sa di kalayuan.

Ramdam na ramdam ni Cindy ang mga pares ng matang biglang dumapo sa direksyon nila. Iyon ang dahilan kung bakit kahit humahapdi ang mga mata niya, pinilit niya ang sariling huwag umiyak.

Ako si Cindy Aynera. Malupit. Ako ang nagpapaiyak sa iba. Walang pwedeng magpaiyak sa'kin... kahit si Zach pa. At lalong hindi ako iiyak kung may ibang makakakita.

Higit sa isiping iyon, ayaw ni Cindy na umiyak sa takot na mag-iba na naman ang tingin sa kanya ng iba. Isa pa rin siya sa mga reyna ng kolehiyo. Hindi siya makapapayag na bumaba ang tingin sa kanya ng mga tao. Ayaw niyang bumaba sa trono. Lalong ayaw niyang umiyak at kaawaan dahil sa naloko siya ng lalaking mahal na mahal niya.

Every college student in the academe knew that Zach was Cindy's first boyfriend. Alam din nilang sa dinami-rami ng nagtangkang manligaw sa mapagmataas na babae, tanging si Zach lang ang pinansin ni Cindy. Hindi lingid sa karamihan kung paanong umaamo si Cindy pagdating kay Zach. Iniisip nga ng marami na kung hindi lang rin siraulo si Zach, marahil ay ito ang siyang makapagpapatino sa babae.

Ngunit mukhang malabo nang mangyari ang ganoon.

"You... bastard!" she spat in gritted teeth. Labis noon ang panginginig ng mga kamay niya. Galit na galit ang mga mata niyang kanina pang pinipigilan ang pag-akyat ng kanyang mga luha.

Hindi ka iiyak. Hindi ka iiyak, ang paulit-ulit niyang paalala sa sarili.

Nang hindi na niya masiguro kung hanggang gaano pa niya katagal mapipigilan ang sarili, naisipan na niyang umalis. Ngunit bago iyon, habang titig na titig pa rin sa animo'y patay-malisyang binata, sinipa ni Cindy si Zach sa binti.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon