Wicked Chapter One

25.7K 355 108
                                    

"Good morning!" nakangiting bati ni Prince nang dumating si Cindy sa komedor para mag-almusal. Bitbit niya pa ang malaking platong pinaglalagyan ng mga tinapay na agad niyang ipinatong sa mesa para maalalayang maupo ang dalaga.

Umikot ang mga mata ng dalaga. "What's good in the morning kung yang mukha mo ang unang-una kong makikita?"

Pinagkibit-balikat na lang ni Prince ang sinabi ni Cindy. Lagi naman kasing ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Dumiretso na lang siya sa pwesto niyang katapat ng malditang dalaga.

"Ano 'to?" tanong ni Cindy, halata sa boses ang pagkaasar. Tinutukoy niya ang isang slice ng tasty bread na naroon sa dulo ng kanyang tinidor. "Hindi ba sinabi ko sa'yo kahapon na pancake ang gusto kong almusal?"

Sa halip sumagot ay nagpalaman na lang si Prince ng sariling tinapay. Tama man on mali ang ihanda ng mga katulong, hindi nawawalan ng reklamo si Cindy. Sanay na si Prince. Parang parte na nga ng araw-araw niya ang nakasigaw na boses ni Cindy.

"Ano ba yang mga katulong mo? Manang-mana lang sa kabobohan mo." Padabog niyang binitawan ang hawak na kubyertos sa babasaging plato.

"Sorry," pagpapakumbaba ng binata kahit wala naman siyang kasalanan.

"Sorry? Sorry na naman? Ba't kasi hindi mo gamitin yang utak mo nang may magawa kang tama? Nakakabwisit ka talaga kahit kailan!" Tumayo na si Cindy at umalis na lang sa harap ng hapag-kainan. "Umagang-umaga sinisira mo ang mood ko!"

Napabuntong-hininga na lang si Prince sa nangyari.

Matagal na panahon na rin. Sampung taon na ang nakalilipas mula nang maulilang lubos si Cindy dahil sa isang aksidenteng isinisisi niya kay Prince. Labis-labis ang pagkamuhi niya sa binata. Kaya si Prince, pilit na pinagbabayaran ang bunga ng aksidenteng iyon.

Noon pa man ay lagi na siyang gumagawa ng paraan para lang magkaayos silang dalawa. Kahit mukha na siyang tanga, patuloy ang pagpapaalipi't pagpapakumbaba niya, umaasang sa ganitong paraan ay mapatawad siya ng dalagang matagal na panahon nang nagpabulag sa galit sa kanya.


Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kinukunsinti ni Prince ang hindi magandang gawi ni Cindy...

"Tumabi ka."

"Enough," mahinang sagot ni Prince sa galit na utos ng bruhang kontrabida. Puno ng pakiusap ang mga mata niya.

"Sabi ko, 'TABI!'"

Isang normal na araw sa college cafeteria. Normal na sa mga tao roon ang makitang pagtripan ni Cindy at mga barkada niya ang sinumang gustuhin nila.

Tatlong dalagang puro anak-mayaman at sunod sa luho, sina Aya, Courtney at Elise. Para lang silang female version ng piksyonal na F4. Lahat ng gusto nilang gawin ay pwede. Nagagawa rin iyon ni Cindy dahil sa impluwensya ng ina ni Prince na isa sa mga bigating board member ng kolehiyo. Alam ng lahat na inampon si Cindy ng pamilya ni Prince, hindi lang nila sigurado kung bakit.

At kailanma'y walang nagtangkang mangialam sa trip ng grupo nila—liban sa araw na ito.

"Cindy—"

"Shin," pagtatama niya sa binata.

Ayaw na ayaw niyang magpatawag sa kanyang pangalan, masyado kasing nakakabit ang Cindy sa Cinderella na pinaghahambingan sa kanya ng marami. Hindi naman sa ayaw niyang maihambing kay Cinderella, ayaw niya lang na iugnay siya ng mga tao kay Prince bilang kanyang prinsipe. Lecheng buhay naman kasi, bakit Cindy at Prince pa ang mga pangalan nila?

"Please," sambit ng binata. Nakatayo lang siya sa harap ng bruha habang isang takot na babae ang nagtatago sa kanyang likuran. Si Stephanie, ang kasintahan niya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon