Wicked Chapter Eight

10.2K 172 33
                                    

"Bakit siya pa, Prince? Ba't hindi na lang ako?"

"Ano bang—"

Hindi nagawang ituloy ni Prince ang sasabihin niya nang gumapang pababa sa kanyang dibdib ang kamay ni Cindy. Yumuko ito saka isinandal ang noo sa kanya.

"Do you love her that much? Mas pipiliin mo pa siya?" She looked up to him. He swallowed hard when her warm palm touched his left cheek. She added, "Ayaw mo ba sa'kin?"

Napanganga na lang si Prince. Hindi niya alam kung nasa totoong mundo pa ba siya o hindi na. Baka naman nananaginip lang siya. Baka nagha-hallucinate na siya. Gusto man niya ang nangyayari, alam niyang walang posibilidad na maganap ang ganito sa totoong buhay.

"C-Cindy," nauutal na aniya. Mas ikinabigla niya nang sa halip kagalitan siya ng dalaga sa muli niyang pagtawag rito sa tunay nitong pangalan, ngumiti ito sa kanya.

Pumirmi ang mga kamay ni Cindy sa magkabilang balikat ng nalilito pa ring binata. Pagkatapos ay gumapang ang mga ito upang kapitan ang kanyang batok, dahilan upang muli siyang mapalunok.

"Prince," ang mahinang tawag ni Cindy. Napakalambing ng kanyang tinig. Tila isa nga lamang itong panaginip. Pero anong gagawin niya para magising? At mas pipiliin nga ba niya ang gumising?

Hinatak ni Cindy ang ulo ni Prince hanggang sa magtama ang kanilang mga noo. Muli niyang tinawag ang binata, "Prince…"

Astounded, he could only say her name, "Cindy…"

"Iwan mo na siya, Prince."

Hindi na bago sa kanya ang gayong utos. Ilang beses na nga ba siyang nakipaghiwalay sa kasintahan niya para lamang sundin ang kagustuhan ng bruhang Cinderella ng tila isinumpang buhay niya? How many times had he sacrificed his love life just to please this ever-unsatisfied brat?

Maraming beses na.

Ang hindi niya lang inasahan ay ang sunod na hiniling nito:

"Ako na lang ang mahalin mo."

Mula sa pagkakasandal ng ulo ni Cindy sa kanyang noo, tumingala ito sabay tulak sa kanya pasandal sa pader. Nasangga pa ng ulo niya ang bahagi ng frame ng malaking painting na replika ng The Last Supper na nakasabit malapit sa kanya.

Tila nagkaroon naman ng sariling buhay ang kanyang mga mata nang magkusa ang mga itong magsara. Naganap iyon nang unti-unting ubusin ni Cindy ang espasyo sa pagitan ng kanilang mukha. Nakapikit na rin noon ang malditang dalagang sa ngayo'y masasabing nasapian ng espiritu ng kabutihan. Ihinanda na lamang niya ang sarili sa posibleng paglalapat ng mga labi nila.

PAK!

Ngunit sa halip na madama ang labi ni Cindy, ang magkakadikit nitong mga daliri ang dumampi sa kanyang pisngi. Hindi kalakasan ang sampal na ibinigay ng malupit na babae sa binata, sapat lang para gisingin ito mula sa isang imposibleng pangarap.

Hindi rin naman talaga hilig ni Cindy ang pisikalin si Prince. She didn't even want to have the least physical contact with him. She felt better abusing him verbally.

Dumistansya na si Cindy kay Prince. "Ang utu-uto mo talaga, 'no?

Napayuko na lamang si Prince. Tama. Imposible talaga ang bagay na inasahan niya.

"Iba ka rin eh. Sa lahat yata ng palaka, ikaw yung malandi't ambisyoso!"

Lalong napayuko si Prince. Napahiya na naman siya. Lalo't higit, hinayaan niya ang sariling mauto at magmukha na namang katawa-tawa sa harap ng bruhang dalaga.

"Aba, nakaka two points ka na sa'kin ha, Cindy!"

"What?!" asar na baling ng nakahalukipkip nang dalaga sa babaeng narinig niyang tumawag sa ngalan niya. Si Aya iyon, hawak pa ang malapad nitong iPhone. Sa paniwala niya, kumukuha iyon ng video.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon