Wicked Chapter Thirty-Two

5.8K 113 16
                                    

Author's Note number 1:

So... yung entry na mababasa rito ay hindi ang original entry na gusto kong ipost. Bali yun ang same entry na naibaon ko sa limot at hindi na naipost noong mga panahong dapat ay unang lalabas ang tungkol sa diary ni Prince. Bali dapat mauunang mabunyag yung tungkol sa diary bago yung feelings ni Prince.

Ahh medyo korni at madrama masyado yung entry. Ang pambabae ng dating kaya pinalitan ko na lang. So... here's a peek of his diary!

 

---

Wicked Chapter Thirty-Two 

Cindy,

Ba't kasama mo na naman yung lalaking yon? At talagang dinala mo pa siya sa pamamahay ko. Hayup na yon, talagang dito pa ginustong gumawa ng katarantaduhan. Kung hindi pa 'ko dumating baka kung ano nang nagawa sa'yo nung gagong yun. Ba't mo ba kasi siya dinala-dala rito? Nakakapang-init ng ulo!

"Wow ha! Awayin talaga 'ko sa entry niya?" kumento ni Cindy sa nabasa. Kailan lang nang maisulat ang entry na iyon, iyon ay noong mahuli ni Prince si Zach na pilit na hinahalikan si Cindy. Noong nakaraang Biyernes lang nangyari iyon, isang araw bago maghiwalay ang dalawa.

Hindi iyon ang unang entry sa diary ni Prince. Basta lang kasing nagbuklat ng pahina si Cindy at saktong doon siya napapunta.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa:

Badtrip. At ano bang klaseng boyfriend siya? Ni hindi niya alam na ayaw mo sa pinya? Sabi naman kasi sa'yo hindi siya ang lalaking para sa'yo eh. Bakit ba kasi ayaw mong makinig? Ang tigas talaga ng ulo mo!

"Ha! Buti alam mo! Asa ka talagang makikinig ako sa'yo!"

Palibhasa kasi nasanay ka nang palagi kang nasusunod. Ngayon pinagsisisihan kong sobra kitang kinukunsinti sa maraming bagay.

"Aba gagong 'to! Sino ba may sabi sa'yong kunsintihin mo 'ko?"

 At talagang nag-away na naman tayo nang dahil sa kanya. Ano ba kasing meron sa lalaking yon at hindi mo siya maiwan-iwan? Sayang. Ready naman akong makipag-break kay Stephanie anytime eh. Kaso hindi ka pumayag na makipag-break din kay Zach.

"Aba gago talaga!" kumento na naman ni Cindy. "Kunwari pa siyang ayaw makipag-break sa asong yon tapos hinihintay niya pala 'kong makipaghiwalay kay Zach? Kaya pala pagkatapos ng break up namin ni Zach eh pumayag agad siyang iwan na yung babaeng yon. Psh, ginawa pa 'kong dahilan! Siraulo talaga!"

Hindi mapigilan ni Cindy ang magkumento sa nababasa niya. Hanggang sa mag-iba ang pakiramdam niya dahil sa damdaming nakapaloob sa mga sumunod na linya. Masyado kasi iyong seryoso. Sobrang seryoso, mabigat, nakakahawa.

Cindy, hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Ayoko talaga sa lahat yung nag-aaway tayo eh. Kelan mo ba talaga 'ko mapapatawad sa nagawa ko? Bakit hindi mo maintindihang hindi ko yon sinasadya? Na aksidente lang ang lahat?

Hindi pa talaga tapos ang entry na yon pero hindi na itinuloy ni Cindy ang pagbabasa. Isinara niya ang notebook at humiga sa kama niya kung saan rin siya nakaupo.

"Psh! Ang drama, parang tanga. Kalalaking tao, may diary! Bakla yata yung palakang yun eh! Baklang casanovang palaka!"

Bumalik siya sa pag-upo. Tinignan niya ulit ang notebook. Itinaas niya ang tingin sa puting kisame at binuklat-buklat ang mga pahina niyon na para lang siyang naglalaro. Napahinto lang siya sa ginagawa nang may bigla siyang naalala.

"Nung nag-break kaya kami ni Zach... ano kayang sinulat niya rito? Tsk! Mamaya pinagtawanan na 'ko nung gagong yun! Ilang beses niya pa naman akong sinabihang lolokohin lang ako ni Zach... at tama siya."

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon