Wicked Chapter Six

10.4K 193 29
                                    

"Ano, you wanna try it? Tatawagan ko si Prince at papupuntahin dito. Tignan natin kung sino sa'ting dalawa ang pipiliin niya."

"Sige. Gawin mo kung gusto mong mapahiya."

Hindi na napigilan pa ni Cindy ang pagkuyom ng kanyang mga kamao. Swerte nga lang na walang nakapansin noon dahil naitago na niya ang mga kamay niya sa loob magkabilang bulsa ng bughaw niyang blazer, kasama iyon sa uniporme ng mga tulad niyang BSBA students.

"Fine, let's do it." Kasabay ng paglabas ng mga salitang iyon sa kanyang bibig ay inilabas rin niya ang kanan niyang kamay mula sa kanyang mababang bulsa. Hawak na niya ang cellphone niya. "Tatawagan ko si Prince at papupuntahin dito ora mismo."

"Hindi na kailangan. Andito na 'ko." Nalipat ang liwanag ng imaginary spotlight at ang tingin ng lahat sa kinatatayuan ng taong narinig nilang nagsalita—si Prince. Nakatayo siya sa likuran nina Aya na noo'y hindi na nagawang sundan si Cindy palapit kay Stephanie.

Cindy pivoted on her heels to face Prince. She flashed her usual, plastic smile at him and said, "Wow! Nandito ka na pala! I must admit, you're timing's perfect! Hindi na pala kita kailangang tawagan."

Naglakad si Prince palapit kay Cindy. Malamig ang tono niya nang sumagot siya, "Nasa'yo pa yung phone ko di ba? Pa'no mo 'kong tatawagan?"

She kept her fake smile. Her brow ascended. "Oh, I forgot!"

Magkaharap na noon si Prince at Cindy ngunit binawi ng una ang kanyang tingin. He did this to focus his eyes on the poor lady behind the cruel woman in front of him.

Nagtama ang mga mata nila ng nobya niyang agad na yumuko sa sobrang hiya sa kanya.

Muling humakbang si Prince. Nilagpasan niya si Cindy at nilapitan si Stephanie. Hindi niya sinasadya ngunit nasagi niya ang balikat ni Cindy, dahilan upang bahagyang mapaatras ang babae.

"Okay ka lang? Sinaktan ka ba nila? Ano bang nangyari?"

Agad na nagpantig ang tenga ni Cindy sa mga tanong na isinalubong ni Prince kay Stephanie. Mukhang hindi na niya kailangang papiliin si Prince. Siya lang din ang mapapahiya.

"I'm okay," mahinang sagot ni Stephanie.

Halos nakayakap na noon si Prince kay Stephanie nang muli niyang lingunin si Cindy, "Shin, ano na naman ba 'to?"

Umikot ang bruha paharap sa lalaki. "Ba't di mo tanungin yang girlfriend mo? She started this mess after all."

"Cindy," matigas na pilit ng binata.

"Tumama ka na nga kanina, minali mo na naman. My name's Shin, stupid." Kaysa sa pagtawag ni Prince sa kanya sa pangalan, higit na apektado si Cindy sa pagiging masyadong malapit ng binata kay Stephanie. Hindi niya talaga gusto ang ganito.

Bumuntong-hininga lang si Prince saka binalingang muli ang kasintahan niya, "Tara na."

"You're leaving? And with her?" tumaas na ang boses ni Cindy. "Don't tell me you're picking her stupid side again?"

He looked her straight in the eyes and answered, "What if I do?"

Behind her closed lips that formed a grim line, her teeth tensed. "Sige! Magsama kayo! I really don't understand how a frog and a bitch could get along very well." Those were her last words before turning her back on the couple and walking her way out of everybody's eyes. Syempre, sinundan lang siya ng tatlo niyang kasama.

*** 

Sa halip na pumasok, tumama lang sa gilid ng ring ang bolang ihinagis ni Prince.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon