Wicked Chapter Thirteen

7.6K 130 11
                                    

Kanina pang palakad-lakad si Cindy sa harap ng kwarto niya. Nakahalukipkip siya noon habang hawak ang malapad niyang cellphone sa isang kamay. Habang tumatagal ay lalo siyang naiinip. Pahigpit rin nang pahigpit ang hawak niya sa cellphone, kulang na lang ay madurog ang kawawang kagamitan sa nanggigigil niyang kamay.

Pasado alas-diyes na ngunit ni anino ni Prince, hindi pa umuuwi. While walking back and forth, she made mental notes regarding his punishment. And just now, she had thought of giving him a curfew. Wala nga namang matinong alipin ang pinaghihintay ng ganito ang kanyang amo.

Sa bawat paglipas ng sandali ay nadaragdagan ang galit na nadarama ni Cindy. Parami rin nang parami ang naiisip niya: parehong ukol sa dapat na maging parusa ng binata at maging sa maaaring dahilan kung bakit hindi pa rin ito umuuwi-si Stephanie.

Huminto siya sa paglalakad at tinignan ang cellphone niya, baka nga naman nag-text na si Prince at hindi niya lang napansin. Pero wala. Sabagay, paano nga naman siyang iti-text ng isang taong wala namang cellphone? Ngayon tuloy ay pinagagalitan niya ang sarili dahil sa halip isauli ay itinapon niya ang cellphone ni Prince.

Pero pwede naman siyang tumawag through payphone di ba? I know he memorized my number! Sa isip-isip ni Cindy.

"Ugh!" Now she could only roll her eyes under her glasses. Gabi na kasi kaya hinubad na niya ang pares ng contact lense na halos buong araw niyang suot.

Bumalik na lang si Cindy sa paglakad-lakad. Napahinto lang siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sa gulat nga ay halos mabitawan niya ito.

"Nasa'n ka?" aniya pagkalapag na pagkalapag ng telepono sa kaliwa niyang tenga. Hindi niya inabala ang sariling alamin sa screen kung sino nga ang tumatawag, she simply slid her thumb over the phone's smooth screen and assumed it was Prince.

"Sa puso mo!" ang malandi't di-inaasahang tugon na nakuha ni Cindy. She knew right then that it was Zach. "Ikaw naman, miss na miss mo na talaga 'ko, 'no?"

Cindy felt pretty upset it wasn't Prince. She pressed her eyelids down for a few seconds, dragged a long stream of air from her lungs to breathe it out, hopefully, with all her frustrations, and responded, "I'm busy right now,"

"Ha?"

"Sabi ko, busy ako. Wag ka na munang tatawag."

"Pero-"

Hindi na hinintay ni Cindy ang sasabihin ni Zach. Agad niyang pinutol ang tawag saka bumalik sa paghalukipkip at paglalakad.

"Umuwi ka na," aniya sa mahinang tinig. Halata ang panggigigil niya dahil sa higpit ng pagkagat ng mga ngipin niya kahit pa noong magsalita siya. "Umuwi ka na, bwisit ka. Patay ka talaga sa'kin pagdating mo!"

Napahinto si Cindy sa paglalakad nang maramdaman niya ang ilaw sa bandang kaliwa niya. Bumaba ang tingin niya sa malaking bintana sa unang palapag ng mansyon. Mula sa kanyang kinatatayuan, kita niya ang kabuuan ng malawak na sala. Alam niyang galing ang ilaw na tumatagos sa bintana sa sasakyan ni Prince. Kabisado na kasi niya ang tunog ng makina nito.

Sabay sa pagkamatay ng ilaw mula sa kotse ay ang pagsalin ng tingin ni Cindy mula sa bintana patungo sa pintong talaga namang pinakatitigan niya. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang binatang kanina pa niyang hinihintay. Patay na ang ilaw sa sala, ngunit ang ilaw sa ikalawang palapag ay bukas pa at iyon ang agad napansin ni Prince pagpasok niya.

Nakasukbit pa rin ang bag niya sa magkabila niyang balikat. Nakahawak siya roon nang mag-angat siya ng paningin. Ang galit na mga mata ni Cindy ang agad niyang nakita.

Titig na titig sa kanya si Cindy. Halata niya ang galit nito. Hindi ito umiimik. Nakatupi lamang ang mga braso ng dalaga sa harap nito at masama ang tinging iginagawad sa kanya.

Naglakad si Prince patungo sa hagdan at paakyat doon. "Shin! Gabi na. Ba't gising ka pa? Hinihintay mo ba 'ko?"

Oo. Kanina pa. Iyon ang sagot na naglalaro sa isip ni Cindy. Ngunit kailanman, hinding-hindi niya iyon aaminin. Hinintay niyang makalapit si Prince sa kanya saka siya mataray na sumagot: "Ang kapal mo! Sino ka naman para hintayin ko?"

Hindi nakasagot si Prince. Alam niyang walang dahilan para abangan ng bruha ang pag-uwi niya. Inisip na lamang niyang ibahin ang usapan. "Pasensya na, kailangan ko kasing bantayan si Stephanie sa ospital eh."

"What do I care? Tinanong ba kita? Ba't ba ang dami mong sinasabi? At kung kausapin mo 'ko parang okay tayo. Ni hindi ka pa nga nagso-sorry sa ginawa mo sa'kin kanina!"

"Pag nag-sorry ba 'ko, tatanggapin mo?" ang mabilis na tugon ni Prince. Dala ng pagod, hindi na nagawang salain ni Prince ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya sinadyang sabihin iyon lalo't alam niya naman ang sagot. Lalo't higit, alam niyang ikagagalit ni Cindy ang tanong na ibinato niya rito.

Pansin niya ang lalong pagtalim ng tingin sa kanya ng bruha. Hindi na ito nakasagot. Tinalikuran na lamang siya nito sabay lakad papasok sa sariling kwarto.

Pinanood lang ni Prince ang ginawa ni Cindy. Nang tuluyan itong maglaho sa paningin niya, sinapo niya ang noo sabay sabi sa sarili, "Ano bang ginawa mo? Ang tanga mo talaga!"

Naglakad na rin si Prince. Sa halip na dumiretso sa sariling silid, bumaba siya ng hagdan. Ibinaba lang niya ang dalang bag sa isa sa mga upuan sa malawak na sala tapos ay dumiretso siya sa kusina.

Pumunta siya roon para magtimpla ng gatas. Ito ang huling bagay na ginagawa niya para kay Cindy sa araw-araw. Hindi kasi nakakatulog ang dalaga hangga't hindi nakakainom ng mainit na gatas. Iniisip niyang ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayo'y gising pa rin ito gayong palagi itong maagang matulog.

Pagkatimpla ng gatas, umakyat na muli si Prince para ihatid ang mainit na inuming ginawa niya para sa magandang mangkukulam.

"Cindy?" tawag niya matapos makatlong beses na kumatok sa pintuan nito. Nang wala siyang nakuhang tugon, muli siyang kumatok. Inulit niya rin ang pagtawag sa ngalan ng babae. Wala pa rin. Kumatok ulit siya. Pero hindi pa rin siya sinasagot ng dalaga.

"Shin, pinagtimpla kita ng gatas," aniya saka kumatok sa pang-apat na pagkakataon. Bumuntong-hininga si Prince dahil hindi pa rin siya pinapansin ni Cindy. "Papasok na 'ko diyan," dagdag niya saka nga binuksan ang pinto papasok sa kwarto ng dalaga.

Agad na hinanap ng mga mata ni Prince si Cindy. Natagpuan niya itong nakahimlay sa kama. Tulog na pala ang bruhang Cinderella.

Naglakad si Prince palapit kay Cindy. Ipinatong niya ang dalang baso sa mesa sa tabi ng kama. Naupo naman siya sa gilid ng kama.

Napabuntong-hininga na lang siya. "Kung pagod ka na, hindi mo na 'ko dapat na hinintay pa."

Pagkuwa'y natawa na lang siya sa nawika niya. Sa isip-isip niya, para nga namang hinihintay talaga siya ng bruha. Inayos niya ang pagkakakumot ni Cindy. Hinaplos pa niya ang buhok nito saka siya yumuko para lapatan ng isang magaang halik ang noo nito.

Alam niyang kung gising lang si Cindy, hindi pa man nakalalapit ang labi niya, bubulyawan na siya nito. Kaya nga kinuha niya ang pagkakataong tulog ito.

"Good night," wika niya. Tumayo na siya't kinuha ang gatas na ipinatong niya sa katabing mesa kanina. Lumabas na siya sa kwarto ni Cindy. Gabi na, kailangan na rin niyang magpahinga.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon