Wicked Chapter Fourteen

7.4K 139 15
                                    

"Cindy?"

Hindi pinansin ni Cindy ang mga katok at pagtawag na nagmumula sa labas ng kanyang pinto. Nakatagilid lang siya sa kama at halos nakayakap sa gamit na unan.

Muli niyang narinig ang katok ni Prince. "Gising ka na ba? Handa na yung almusal mo. Kumain ka na."

Ngunit tulad ng kanina, hindi sumagot si Cindy. Nanatili lang siya sa tinatamad niyang pwesto. Nakatulala siya sa kung saan tumama ang nananamlay niyang mga mata.

"Cindy, ano ba? Tulog ka pa ba? Pag hindi ka sumagot papasok na 'ko dyan sa loob."

Hindi nga nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Prince.

"Gising ka na pala, ba't hindi ka sumasagot?"

Hindi pa rin siya pinansin ni Cindy. Nagtaka tuloy si Prince.

"Cindy, bakit, may problema ba? May sakit ka ba?"

Sa wakas ay sinulyapan na ni Cindy ang nag-aalalang binata. Nilingon niya ito gamit lang ang matalim niyang mga mata. "Pake mo ba?"

Lalong lumapit si Prince kay Cindy. "Ano nga, may masakit ba sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Kakapain na sana ni Prince ang noo ng dalaga, ngunit sinampal lang nito ang kamay niya. "Wag mo nga 'kong hahawakan!"

Bumuntong-hininga si Prince. Tinatarayan na naman siya nito. Mukhang wala naman itong sakit, baka mas malala lang ang sumpong kesa sa normal.

"Bumangon ka na. Baka ma-late ka sa klase mo."

"Ayoko," ang mahinang tugon ni Cindy. Ibinalik niya ang tingin sa bagay na tinititigan niya kanina. "Wala 'kong lakas bumangon. Hindi kasi ako nakapaghapunan kagabi dahil naglakwatsa ang magaling kong cook."

"Dapat nagpa-deliver ka na lang."

Biglang napabangon si Cindy mula sa malambot niyang kama. Hindi niya inakalang gayon ang magiging tugon sa kanya ng binata.

"Anong klaseng sagot yan, ha?"

"Walang mali sa sinabi ko," malamig niyang wika.

Naikuyom ni Cindy ang kanyang mga kamao, dahilan para malukot ang makapal na kumot sa ilalim ng kanyang mga palad. Hindi sasapat ang kumot na iyon para pawiin ang panlalamig ng binata sa kanya nitong mga nakaraan.

Nagbago na talaga si Prince.

"Mag-sorry ka," she ordered him in her ever authoritative voice.

Hindi tinablan si Prince sa pagtataas ng boses ng maangas na babae. Hindi rin siya nagsabi ng anuman. Basta nanatili lang siyang nakatayo sa harap nito, tahimik at titig na titig sa pares ng nag-aalab nitong mga mata.

Agad dinampot ni Cindy ang isa sa dalawang unan sa likuran niya saka ito ibinato sa binatang kaharap. Tinanggap iyon ni Prince, ni hindi niya inisip ang umiwas.

"Ang sabi ko mag-sorry ka di ba? Ano, tatayo ka na lang diyan?"

"Bakit pa, hindi mo rin tatanggapin ang sorry ko di ba?"

"Anong sabi mo?"

"Totoo naman eh. Ilang sorry na ba ang sinabi ko, Cindy? Ilan don ang tinanggap mo, wala di ba?"

"Kailan ko pa naging trabaho ang bilangin ang kapalpakan mo? At bakit ba ang dami mong sinasabi? Kagabi ka pa ah? Magso-sorry ka lang, hindi mo pa magawa? Yan ba ang tinuturo sa'yo ng girlfriend mo, ang maging maarte?"

"Wag mong idamay dito si Stephanie."

Lalong natigilan si Cindy nang marinig niya ang pagbabago sa tono ni Prince. Talaga ngang nag-iba na ang binata.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon