Wicked Chapter Twenty-Eight

5.9K 103 4
                                    

Ibinaba ni Regina ang hawak na tasa ng mainit na tsaa sa hawak niyang platito. Dahan-dahan niyang nilingon ang dalawa.

"Nakauwi na pala kayo," nakangiti niyang wika.

"Ma! Ba't nandito kayo?"

Ibinaba naman niya ang hawak sa lamesita. "Hindi ba ako pwedeng umuwi sa sarili kong pamamahay?"

"Ma, hindi po sa ganon—"

"Andami mong sinasabi. Ni hindi mo pa nga binibigyan ng kiss ang mommy mo."

Bumuntong-hininga si Prince. Lumapit siya sa ina para lapatan ng halik ang pisngi nito pagkatapos ay naupo siya sa gitna ng mahabang sofa.

"That's for you," anang donya sabay turo sa paper bag na nasa mesa.

Kahit may ideya na si Prince sa laman ng bag ay nagtanong pa rin siya bago ito kunin. "Ano po 'to?"

"Ibinili na kita ng bagong phone nang hindi ako nahihirapang kontakin ka. May sim na rin yan. Nagawan na ng paraan para yung number mo pa rin ang magamit mo."

"Thanks ma."

Humarap si Regina sa anak. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang mukha nito. "Anong nangyari sa'yo?"

Yumuko si Prince para itago ang mukha.

"Wala po," pagsisinungaling niya.

Si Regina naman ang bumuntong-hininga. Kinuha niyang muli ang tasa, bumalik sa pagsandal sa malambot niyang upuan at humigop ng mainit na tsaa.

"Napapadalas yata ang pakikipag-away mo?"

"Po?"

Hinarap na muli ni Regina si Prince. "Yan ba ang itinuro ko sa'yo? Ang makipag-away? At magsinungaling sa'kin?"

"Ma—"

"Nanggaling ako sa academy." Humigop siyang muli mula sa tasa niya. Nakatingin sa kanya si Prince ngunit siya, sa ibang direksyon nakabaling ang mga mata.

"Kung hindi ko pa nagawan ng paraan ang kalokohan mo nung Sabado, malamang na suspended ka na ngayon."

"S-Sorry po. Hindi na muulit."

"Dapat lang. Hindi ba, Cindy?"

Napalunok na lang ang kanina pang tahimik na si Cindy nang banggitin ni Regina ang pangalan niya.

Simula nang ayawan niya ang sariling pangalan, tanging si Regina lang ang tumatawag sa kanya ng "Cindy" na hindi niya magawang sigawan. Hindi niya ito kayang sagutin. Bukod sa ito ang kumupkop sa kanya nang maulila na siya, takot siya rito. Hindi niya rin sigurado kung bakit, basta takot siya rito.

"Ma!" saway ni Prince sa sariling ina. Binalingan niya si Cindy, "Sige na, umakyat ka na."

Muling lumunok ang tahimik na dalaga saka ito marahang tumango. Pahakbang na sana siya ngunit muling nagsalita ang tunay na donya ng mansyon.

"Hindi pa kita tapos kausapin di ba?"

"Ma?" sabat ni Prince. Tumayo siya't nilapitan si Cindy. "Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo."

Ganito sila kapag nasa bahay si Regina. Ito ang reyna. Ito ang nasusunod. Nagiging parang maamong tupa naman si Cindy. Lagi lang siyang tahimik at nakatungo. Nakikinig siya kay Prince. Hindi niya ito inuutusan o sinigawan. Ang tanging hindi nagbabago ay ang pag-aalaga ng lalaki sa kanya.

Humakbang na si Cindy paakyat ng hagdan. Magtutuluy-tuloy sana siya kung hindi lang muling nagsalita si Regina.

"This is the last time you're dragging my son to trouble, are we clear?"

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon