Wicked Chapter Forty-Eight

6.1K 117 5
                                    

Kanina pang nakatayo si Aya sa tabi ng bukas na bintana ng sariling kwarto. Cream ang kulay ng frame ng bintanang salamin, isang makintab at kulay ginto naman ang tela ng nakatali nitong kurtina. Kulay krema rin ang buong silid. Karamihan sa mga kasangkapan at palamuti roon ay naglalaro lang sa kulay puti, cream, beige at gold, tulad na lang ng chandelier na nakasabit mula sa mataas na kisame.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kita niya ang saradong gate ng kanilang malaking mansyon. Nakatanaw siya sa labas, animong may inaabangang kung ano o sino. Tahimik ang gabi. Tahimik ang paligid, maging si Cindy.

Ilang minuto na ring tapos magsalita si Aya ngunit walang anumang naging sagot ang kanyang bisita. Nakaupo lang ito sa tuktok ng malaking kama. Nakayakap ito sa sarili, nakayuko at nakapatong ang noo sa parehong ibabaw ng nakatuping mga tuhod.

Hinarap ni Aya si Cindy. "Have you not anything to say?"

Nakayuko pa rin, umiling lang si Cindy.

"You sure?" pilit ni Aya. "No words, no questions, no anything?"

Umiling lang ulit si Cindy.

Bumuntong-hininga si Aya saka naglakad palapit sa kama. "You'd better say a word. Wag mong sarilihin kung nasasaktan ka. I must be rude to say all those things but I'm still your best friend so I'll hear you out."

Narinig na lang ni Aya ang pagsinghot ni Cindy, palatandaang tahimik itong umiiyak ngayon.

"Pag nagsalita ba 'ko, mababawasan ba yung nararamdaman kong sakit?"

Ngayon ay sigurado na si Aya, bakas na bakas sa tono ni Cindy na umiiyak nga ito.

"Pag nagreklamo ba 'ko, o pag umiyak ba 'ko, o pag pinagsigawan ko ba yung nararamdaman ko, may magbabago ba? Wala na rin naman di ba? Aya... ba't ganon? Ang sakit lang eh. Hindi ko... hindi ko matanggap. Aya... malinaw naman eh. Aksidente lang ang lahat. Sa'yo na rin nanggaling. Alam ko sa sarili kong hindi niya ginusto yung nangyari. Na walang may gusto nung nangyari. Pero ba't gano'n? Hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Naiinis ako kay Prince. Nagagalit ako sa kanya... sa nalaman ko. At higit sa lahat... nasasaktan ako." Lalong napayuko si Cindy. Lalo rin siyang napakayap sa sarili.

"Nasasaktan ka, dahil sa pagkamatay ng parents mo? O dahil sa kinalaman ni Prince?" tanong ni Aya. "Shin, do you love him?"

Tumango si Cindy. "At alam kong noon ko pa siya mahal. Kahit wala akong maalala. Alam ko. Alam kong mahal ko siya. Kahit kasalanan niyang mag-isa na lang ako, minahal ko siya. Mahal ko siya."

Dahan-dahang ibinagsak ni Aya ang sarili paupo sa kanyang kama. Nakatingin siya sa kawalan at nakatalikod sa kaibigan niyang tila wala ring balak na mag-angat ng mukha sa kanya.

"Then that must be it. Nasasaktan ka hindi dahil sa pagkamatay ng parents mo. Nasasaktan ka kasi siya yung dahilan."

Mahinang sumagot si Cindy, "Hindi ko alam, Aya. Hindi ko alam."

Tumunog na naman ang cellphone ni Cindy. Nakapirmi lang iyon sa tabi niya. Iyon na ang pangatlong beses mula nang dumating siya sa mansyon.

"Ba't hindi mo patayin yung phone kung ayaw mong sagutin? Para hindi ka na niya magulo." mungkahi ni Aya. Hindi nila kailangang tignan ang screen para malaman kung sino ang tumatawag. Si Prince lang naman ang mangungulit. "Nonetheless, he must be worried."

"Sinungaling siya," matamlay na tugon ni Cindy. "Hindi ko na alam ang totoo. Pa'no kung pati yung pag-aalala niya para sa'kin, kasinungalingan lang din pala? At yung sabi niyang mahal niya 'ko, yung sabi niyang aalagaan niya 'ko. Hindi ko alam."

"Hindi ko rin alam. But who knows, baka nga mahal ka lang talaga niya kaya ginawa niya yon. I mean, we often do selfish things just so we don't lose what's important to us, don't we?"

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon