Wicked Chapter Thirty

6.5K 158 36
                                    

Binuksan ni Prince ang pinto ng bahay. Binuksan niya rin ang ilaw sa first floor. Kasama na niya si Cindy na noo'y nakaakbay sa kanya. Hindi na kasi nito madala ang sariling bigat. Lasing na lasing ito nang sunduin niya sa isang bar, natutulog na! Mabuti at nasagot ng isang waiter ang tawag niya at nasabi nito kung nasaan ang dalaga.

"Ibili mo nga 'ko ng beer," utos ng lasing na si Cindy.

"Hindi pwede, lasing ka na."

"Sige na! Ah, alam ko na! Di ba may mga alak dun sa mini bar n'yo?

"Kay mommy yun. Bawal galawin."

"Ipuslit mo nga 'ko ng isa."

"Hindi nga pwede."

"Damot! Isa lang naman eh! Sige na!"

"Wag ka ngang maingay! Magising pa si mommy niyan eh!" mahinang saway ni Prince.

Huminto ng lakad si Cindy. Tatakpan niya sana ang sariling bibig gamit ang kanyang hintuturo ngunit sa kalasingan niya ay sa ilong niya ito tumama. "Shigi na, quiet na 'ko. Penge na'ng alak."

"Hindi, lasing ka na."

"Lashing-lashing ka dyan!" sigaw na naman ni Cindy. "Baket? Nu bang alam mo? Nalashing ka na ba? Ha? Ha? Ha?" Pinagtutulak niya pa ang ulo ni Prince gamit ang hintuturo niya.

Hinawi na ni Prince ang kamay ni Cindy. Amoy na amoy niya alak sa hininga ng maingay na babae.

"Sukahan kita dyan eh!"

"Ano ba, ang kulit mo! Maglakad ka na nga!"

Humakbang na si Prince kaya nadala na si Cindy. Napalingon ito sa mahabang sofa sa gitna ng sala.

"Sha'n tayo pupunta?"

"Edi sa kwarto mo."

"Kwarto? Dito na lang ako!" sabay bitaw niya kay Prince. Nagpagewang-gewang siya papunta sa mahabang sofa. Nang marating niya iyon ay padapa niyang ibinagsak ang sarili. "Dito na lang ako matutulog."

Agad na sinundan ni Prince si Cindy. "Hindi pwede, baka lamigin ka rito."

"Edi ikuha mo 'kong kumot!"

"Hindi ka pa rin pwede dyan! Dun ka na sa kwarto mo." Hinatak na ni Prince si Cindy patayo. Iniakbay niyang muli ito sa kanya.

"Sige na kasi!"

"Hindi nga pwede!"

"Puro ka naman hindi pwede eh!"

"Wag na ngang matigas ang ulo! Lalamukin ka rito, sige ka!"

"Edi bantayan mo 'ko at hulihin mo lahat ng lamok sa paligid! Tas kainin mo tutal palaka ka naman eh!"

Hindi na sumagot si Prince. Bumuntong-hininga na lang siya at umiling. Inalalayan niya ito hanggang sa ibaba ng hagdan.

"O, dahan-dahan. Paakyat na tayo."

Sa halip humakbang ay tumingala si Cindy.

"Ay, ang taas naman. Wala ba tayong elevator? Pagod na 'kong maglakad."

"Sige, bubuhatin na lang kita." Yumuko na nga si Prince at akmang bubuhatin ang dalaga ngunit agad siya nitong itinulak.

"Ah! Tumigil ka nga! Kadiri ka!" Pinili na lang ni Cindy na kumapit sa handle ng hagdan at mag-isang umakyat.

Kahit lasing siya ay nasa ala-ala niya pa rin ang naganap noong Sabado ng gabi—sinuutan siya nito ng sapatos na para siyang si Cinderella. Ngayon naman ay gusto siya nitong buhatin paakyat ng hagdan at papasok ng kwarto. Ano sila, bagong kasal?

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon