Wicked Chapter Twenty

6.9K 115 12
                                    

"Ang gagong 'yon!"

Saglit na nagpasalin-salin ang tingin ni Cindy sa binatang katabi at sa manloloko niyang ex.

Humakbang na si Prince para sugurin si Zach ngunit agad siyang inawat ni Cindy.

"No!" ika ng dalaga saka siya pumunta sa harap ni Prince upang harangan ang daan nito. "Don't!" 

Please. Iyon na lang ang kulang. Higit sa nag-uutos, rinig ni Prince ang pakikiusap sa tono ng babae.

Talagang nakakapanibago. Pakiramdam ni Prince, hindi si Cindy ang kaharap niya.

Lalong sumidhi ang pagnanais ni Prince na lumpuhin si Zach. Hindi niya matanggap na ganun-ganon na lang ay bababa si Cindy sa trono nito—sa tronong matagal niyang binuo upang protektahan ito.

Alam niya sa sarili niyang kasalanan niya rin kung bakit baluktot ang pag-uugali ngayon ni Cindy. Kinukunsinti niya ito sa halos lahat ng bagay. Ibinibigay niya ang anumang naisin nito. Sinusunod niya ang bawat utos nito, tama man iyon o mali.

Kung lumaki mang mayabang at mapagmataas si Cindy, kasalanan niya iyon. Ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan. Kung iyon ang magpapasaya sa kanyang iniingatang prinsesa, walang problema. Kahit siguro ang pumatay ay kaya niyang gawin para sa dalagang minsan na niyang pinaiyak at pinilit na mapatahan.

Walang anumang sinasabi, pinatabi ni Prince si Cindy na para ba siyang humahawi lang ng kurtina. Iwinaksi niya ang tingin sa nagmamakaawang mga mata ng dalaga.

"Wag kang makikialam."

Naisara na lang ni Cindy ang kamay niya. Tulad ng kay Prince ang nararamdaman niya. Naninibago rin siya sa ikinikilos nito. Hindi lang iyon dahil sa hindi nito pagsunod sa bawat utos niya. Natatakot siya sa mga mata nito. Alam niyang hindi matatapos ang gabi na walang nangyayaring gulo.

Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Prince. Naglalakihan ang mga hakbang ng lalaki. Saglit lang at natunton ni Prince ang kinatatayuan ni Zach. Mukhang naramdaman ni Zach ang taong palapit sa kanya kaya nilingon niya ito.

Napatakip na lang ng sariling bibig si Cindy nang sa sandaling umikot si Zach, sinalubong ito ng saradong kamao ni Prince.

Hindi alam ni Cindy kung sisigaw ba siya, lalapit o mananatili na lang siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung saan na napunta ang cellphone ni Zach. Ang sigurado niya lang ay nabitawan na iyon ng binatang ngayon ay kinakapa ang nasapak na panga.

"Tangna! Ano bang—" hindi naituloy ni Zach ang sasabihin niya nang sa pangalawang pagkakataon ay suntukin siya ni Prince.

"Tang ina talaga! Problema mo?!" galit na sigaw ni Zach. Poporma na sana siya para gumanti pero sinuntok lang ulit siya ni Prince.

Sunud-sunod ang suntok na itinapon niya kay Zach. Sinuntok niya ito sa mukha, sa dibdib, sa sikmura. Wala siyang pakialam kung saan tumama ang kamao niya. Nang ito naman ang sumugod ay tinadyakan na rin niya ang loko.

Hindi pa siya nakuntento nang bumagsak ito. Kinwelyohan niya ang una at pilit na ibinangon.

Maga na ang kaliwang bahagi ng mukha ni Zach. Putok ang isang gilid ng labi niya at may dugong nagpapapula sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

"Ano? Suko ka na?" tanong ni Prince sabay suntok na naman dito. Bumagsak lang ulit si Zach. "Tayo!" utos niya sabay sipa sa tagiliran nito.

Nang hindi makatayo si Zach ay sinipa na naman niya ito. Paulit-ulit. Kung saan-saan tumatama ang sipa niya. Wala namang magawa si Zach kundi ang sanggain ang ilan sa mga sipa't tadyak ni Prince gamit ang mga braso niya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon