Wicked Chapter Thirty-Three

6.5K 146 22
                                    

Loooooong chapter.

After this, everything will change. :)

Comments? Just leave it below. Thanks! 

-----

Wicked Chapter Thirty-Three

Sa ibabaw ng ibang libro. Sa tabi ng mga libro. Sa loob ng drawer. Sa ibabaw ng upuan. Sa ilalim ng mesa. Sa ibabaw ng kama. Sa ilalim ng kama. Sa ilalim ng kumot. Sa ilalim ng unan. Sa loob ng back pack. Sa loob ng cabinet. Sa tabi ng study lamp. Sa ibabaw ng bedside table. Sa ilalim nito. Sa may basurahan. Sa banyo.

Halos baliktarin na ni Prince ang sarili niyang kwarto ngunit hindi niya pa rin mahanap ang notebook niyang sa pagkakatanda niya ay iniwan niya lang sa tabi ng cellphone niya.

Nasapo na lang ni Prince ang noo dahil sa pagkadismaya.

"Hindi ko naman dinala yun eh. Sa'n na napunta?" tanong niya sa sarili. Bumalik siya sa paghahanap. Isa-isa niyang tinanggal ang mga libro sa maliit niyang shelf. Sinuri niya ang bawat isa roon. Wala pa rin.

Napatingin na lang siya sa may pintuan nang bigla iyong bumukas. Iniluwa niyon si Cindy. Nakatago ang mga kamay nito sa likuran at hindi makatingin sa kanya.

"O-Oh, Cindy! Bakit? May kailangan ka ba ulit?"

Umiling si Cindy saka nilingon ang binata. Ipinatong na nito ang mga librong hawak sa mesa.

"Mukhang busy ka ah, anong ginagawa mo?"

"Ah... wala. May hinahanap lang ako."

Patay-malisyang tumango si Cindy. Hindi pa siya tuluyang pumapasok sa silid. Nakatayo lang siya sa ilalim ng bukas na pinto.

"Ah. Ano ba yung hinahanap mo? Tulungan na kita!"

"H-Ha?" agad kinabakasan ng kaba ang boses ni Prince. "H-Hindi na. Okay lang."

"Bakit ayaw mong tulungan kita? Ano ba yung hinahanap mo? Isang bagay na ayaw mong makita ko? Top secret ba yon?"

Napalunok na lang si Prince. "Hindi sa ganon. Wala yon. Notebook lang naman yun eh. Pinaglalagyan ng notes ko. Mag... magre-review kasi sana ako," pagsisinungaling niya. "Nag-text kasi sa'kin yung isa kong classmate. May quiz daw kami bukas."

"Ah." Tumangong muli ang dalaga. "So notebook mo sa school yung nawawala?"

Si Prince naman ang tumango. "O-Oo. Ganun na nga."

"Hindi ito?"

Kayuyuko lang ni Prince noon ngunit agad niyang naibalik ang tingin sa babae nang tukuyin nito ang isang bagay na kanina pa nitong hawak at itinatago lang sa likuran.

Nanlaki na lang ang mata ni Prince nang makilala niya ang kwadernong nasa kamay ng dalaga.

"B-Bakit... nasa'yo yan?"

Hindi sumagot si Cindy. Nakapako na sa ibang lugar ang tingin niya. Halata sa kanyang saradong bibig na mahigpit niyang ikinakagat ang kanyang mga ngipin.

Lumapit si Prince sa dalaga upang bawiin ang kwaderno ngunit agad na iginalaw ni Cindy ang kamay niya para ipakita sa binatang wala siyang balak isauli ang hawak niya. Tinignan niya nang masama ang lalaki.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya habang ikinukumpas ang hawak niya sa pagitan ng mga mukha nila. "Anong kalokohan 'to?"

Napalunok na muli si Prince. "B-Binasa mo?"

"Wag mo 'kong tanungin, sumagot ka!"

"Cindy—"

"Sabing sumagot ka eh!"

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon