Wicked Chapter Twenty-Seven

7.1K 123 29
                                    

Dedicated to AsiAphrodite03 :) Kinilig ako sa comments niya eh. Ito lang ang kaya kong ibigay in return. Salamat talaga! :)

---

Ngayong iniisip ko, parang napakawalang kwenta ng kwentong nagawa ko. Nung una feeling ko ang brilliant ko sa idea ko pero lately, pag nagba-back read ako, nari-realize kong mukha pala itong basura... ang dami kasing "filler chapters" o yung mga tipo ng chapter na wala namang kwenta pero pinost ko pa. Humaba tuloy nang husto. Sa tingin ko nga malabong mapagkasya ko ito sa 50 chapters. Baka umabot ng 60 or 70... ang haba 'no? but anyway, right now, ginagawa ko ang best ko (sa lagay na ito) para mapagtino ang mga nalalabing chapters. 

Syangaps, kahit basura na ang tingin ko sa kwentong ito ni Cinderella, may mga eksena at chapters pa rin akong gusto.. tulad ng isang 'to. Yung first part di ko masyadong bet (pero sinulat ko pa rin... kelangan lang) pero yung banda sa part ng pagdating ni Cindy hanggang sa dulo, feel na feel ko talaga hahahah.

Masasabi kong isa ito sa mga favorite chapters ko. At dahil dyan, sana ambunan n'yo naman ng onting feedback ang kwentong 'to, pwede ba? Nagmamakaawa na ako sa lagay na 'to, patulan n'yo naman!

---

Wicked Chapter Twenty-Seven

"Tama na! Please! Stop it! Ano ba? Tumigil na kayo!"

Panay sigaw ang kayang gawin ni Stephanie. Gusto niyang awatin ang dalawang binata pero hindi niya magawa. Natatakot siyang maipit sa sapakan ng dalawa.

Pasuntok na sana si Prince kay Zach pero ginamit nito ang saklay panghampas sa tagiliran niya. Sinunod-sunod ni Zach ang paghampas ng saklay niya kay Prince hanggang bumagsak ito. Hindi naman makatayo si Prince lalo noong sipa-sipain na siya ni Zach.

"Tama na! Ano ba? Tama na!" ang patuloy na sigaw ni Stephanie. Ni hindi niya maisipang lumapit at itulak ang may pilay na lalaki.

"Tama na!" pakiusap pa niya. "Tumigil ka na! Tigilan mo na si Prince!"

Naiiyak na noon si Stephanie. Wala siyang magawa kundi ang panoorin ang bawat pagtadyak ng nakasaklay na si Zach sa lalaking mahal niya.

Mabuti at may dalawang lalaking dumating. Mga team mates ni Prince ang mga yon. Nakita sila ni Stephanie at agad siyang sumigaw ng tulong. Nagulat ang dalawa sa nakita. Tumakbo sila palapit para awatin si Zach at ilayo kay Prince.

"Pare, tama na!" sabi ng isa.

"Tang ina! Bitawan n'yo 'ko!" palag ni Zach.

"Gago 'to ah! Tama na sabi eh!"

"Prince!" sigaw na naman ni Stephanie. Agad niyang nilapitan si Prince. Tinulungan niya itong makabangon.

Putok ang kaliwang sulok ng pang-ibabang labi ni Prince. Agad ding lumitaw ang maliit na pasa malapit sa isa niyang kilay.

"Puta! Sabing bitawan n'yo ko eh!" patuloy na pagpupumiglas ni Zach.

"Ano ba!" sigaw ni Stephanie sa dalawa. "Dalhin n'yo na nga yan! Ilayo n'yo siya kay Prince! Mamaya kung ano pang gawin n'yan eh!"

Agad namang sumunod ang dalawa. Pilit nilang kinaladkad ang pipilay-pilay maglakad na si Zach. Naiwan na lang doon si Prince at Stephanie, pati ang saklay ni Zach na nabitawan niya kanina noong may umawat sa kanya.

"My Prince, okay ka lang? Kaya mong tumayo?"

Hindi sumagot si Prince. Itinulak niya pa nga si Stephanie palayo sa kanya at pinilit tumayo mag-isa. Ang kaso ay kumirot ang tagiliran niya. Tinamaan iyon ng saklay ni Zach. Dalawang beses din siyang nasipa ng binata sa parteng iyon. Halos bumagsak si Prince. Mabuti at naalalayan siya ni Stephanie.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon