Wicked Chapter Forty

5.9K 92 12
                                    

"My Prince!"

Halos patakbong tinungo ni Stephanie ang kinatatayuan ni Prince nang makita niya ito sa lobby. Kinailangan pa ni Prince na bumalik sa academy para kausapin si Stephanie dahil hindi pa tapos ang klase nito.

Agad hinatak ni Prince si Stephanie para dalhin kung saan.

"Ah! Sandali! Nasasaktan ako! Prince!" reklamo ni Stephanie. Masyado kasing mahigpit ang hawak ni Prince sa braso niya. Kusa rin naman siya nitong binitawan nang makaliko sila sa fire exit sa dulo ng hallway.

Agad hinaplos ng nagtatakang si Stephanie ang braso niya. Nakatingin lang siya kay Prince. Nakatingin naman ito sa malayo at halos blangko ang ekspresyon. Nakapamewang ito at malalim ang bawat paghinga na tila kinakalma ang sarili. Hindi siya nagsabi ng anuman. Hinintay niya itong magsalita, bagay na nangyari din namang agad.

"Anong sinabi mo kay Cindy?" panimula ni Prince.

Asar na ngumisi si Stephanie. "So, nagsumbong na pala sa'yo yung bruha?"

Napatingin si Prince kay Stephanie. Magkakrus na ang mga braso nito ngayon. Napatingin din ito sa kanya.

"You've changed."

Muling ngumisi si Stephanie sabay iling. "Sino kayang hindi?"

"Alam ko galit ka kay Cindy. Pero hindi ka dating ganyan. Hindi ka nagsasalita ng hindi maganda sa iba—"

"Para yon sa'yo!" putol ni Stephanie sa dating nobyo. "Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kasi ayokong mag-away tayo. Kasi lagi namang ako yung kumikilos para lang mag-work yung relationship natin eh. Pag naseselos ako nananahimik na lang ako. Kahit nasasaktan ako wala kang naririnig sa'kin!"

Nagpatuloy siya. "Ewan ko ba kasi sa'yo. Eh parang baliwala lang ako eh. Ako yung girlfriend mo pero lagi lang akong pangalawa sa'yo. Lagi lang akong maghihintay sa kung kelan kita pwedeng makasama. Lagi lang akong magkakasya sa kung kelan ka lang may oras sa'kin, kung kelan hindi mo kailangang buntutan yung babaeng yon. Para 'kong tanga! Pero kahit ga'no kasakit sa'kin yun, may naririnig ka ba? Wala. Kasi ayokong magreklamo."

Napayuko na lang si Stephanie. Hindi niya napansin nang mag-akyatan ang luha sa magkabila niyang mata. Nauna nang bumagsak ang luha niya sa kanang mata. Agad ding sumunod ang luha sa kabila. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha para punasan ang mga luhang iyon. Balewala. May panibagong patak ng luha din kasing gumulong pababa sa pisngi niya.

"Ayokong isipin mong hindi kita kayang intindihin, o hindi ko kayang intindihin yung sitwasyon mo. Prince, ayokong magmukhang napaka-selfish ko. Pero hindi ko naman kasalanan na makaramdam ng ganon di ba? Hindi ko naman kasalanang masaktan ako kasi masakit naman talaga eh. Masakit yung ginagawa mo sa'kin."

"Tama na," ang tanging nasabi ni Prince. Kanina pa siyang nakalingon sa ibang direksyon. Hindi niya intensyong paiyakin si Stephanie... pero nangyari na.

Muling pinunasan ni Stephanie ang ilalim ng kanyang mga mata. "Prince... hindi ba pwedeng magsimula na lang ulit tayo? Tutal mukha namang hindi na tayo paghihiwalayin pa ni Cindy eh. Kalimutan na lang natin yung nangyari dati. Hindi naman ako galit eh. Alam ko rin naman kasing sinunod mo lang yung gusto ni Cindy kaya ka nakipaghiwalay. Pero... pero mahal mo pa rin naman—"

"Tama na!" Hindi na napigilan ni Prince ang sarili. Sabay sa pagharap niya sa dalaga ang pagtaas ng kanyang tinig.

"Pero—"

"Stephanie, hindi mo ba narinig? Sabi ko tama na. Tapos na tayo. I'm sorry. Ginusto ko lang makipag-usap sa'yo para hilingin sayong kung pwede lang wag ka nang lalapit kay Cindy. Yun lang"

"Ano?"

"Alam mo kung ga'no kahalaga sa'kin si Cindy. Ayoko lang na may gagalaw o mananakit sa kanya."

"Wow! At ako na pala ang kontrabida ngayon? Eh siya nga 'tong—"

"Pwede ba wag mo nang ibahin yung usapan?"

"At pwede bang patapusin mo 'ko sa sasabihin ko?"

Napabuntong-hininga na lang si Prince.

"Alam mo," si Stephanie, "matagal na 'kong nagdududa sa'yo eh. Pero gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi mo, na kapatid lang ang turin mo sa kanya. Once and for all, kahit ngayon lang, can you be honest to me? Mahal mo ba si Cindy?"

Naikuyom ni Prince ang kanyang kamao.

"Two nights ago, nakausap ko si Cindy," she continued to relate. "You know what she told me? Mahal mo daw siya. Prince, hindi mahirap paniwalaan yon. Now tell me, mahal mo nga ba talaga siya? Mahal mo ba si Cindy?"

Hindi pa rin makasagot si Prince, tulad ng hindi niya magawang tignan pabalik ang babaeng kanina pang nag-aabang ng sasabihin niya.

"Prince, ano ba?" sigaw na ni Stephanie. Naiinip na siya. "Ba't hindi mo sagutin ang tanong ko? Hindi mo naman siya mahal di ba? Hindi mo siya mahal! Sabihin mo naman sa'kin oh! Mali lang siya di ba? Hindi totong mahal mo siya. Hindi rin totoong hindi mo 'ko minahal o iniwan mo 'ko dahil siya ang talagang gusto mo. Linawin mo naman. Mali lang siya di ba?"

Walang ibang nagawa si Prince kung hindi ang umiling.

"W-What is that supposed to mean?"

Mahinang tumugon si Prince, "Mali ka."

"M-Mali? An-Anong mali? Pa'nong mali?"

"Mahal ko si Cindy."

Si Stephanie naman ang napailing sa pagkakataong ito. "You... you've got to be kidding me. Imposible."

Yumuko si Prince. Hindi pa rin siya makatingin sa kausap. "I'm sorry, Stephanie. Pero yun ang totoo."

Saglit na napakagat si Stephanie sa kanyang pang-ibabang labi. Marahan siyang umiling. "You're lying. You're lying, right? You... you don't love her. K-Kapatid... kapatid lang yung turin mo sa kanya di ba? Yun yung lagi mong sinasabi sa'kin dati eh. Kaya imposible. Imposibleng mahal mo siya. Di ba?"

"Yun yung totoo."

"No."

"Tanggapin mo na lang."

"No!"

Nakapikit na nasapo na lang ni Prince ang noo niya.

"Pa'no kong matatanggap yun? Ha, Prince? Bakit siya pa? Bakit si Cindy pa? Ano bang meron sa kanya? Prince hindi naman siya yung babaeng para sa'yo eh."

"Ano bang alam mo?" sagot ni Prince. Sa wakas ay tinapunan na niya ng tingin ang kausap. "Sino ka para sabihin kung sino at hindi ang para sa'kin? Sino ka para kwestyunin ang nararamdaman ko?"

"Eh Prince hindi naman kasi talaga—"

"Tama na."

"Pero Prince?"

"Stephanie?!"

Tinakpan na lang ni Stephanie ang kanyang bibig. Hindi para pigilan ang sarili niyang muling magsalita, kundi dahil pakiramdam niya, maiiyak na naman siya.

"Tanggapin mo na lang, please? At si Cindy, tigilan mo na siya. Wag mo na siyang kakausapin o lalapitan. Please lang. Dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo pag may ginawa kang hindi maganda sa babaeng mahal ko."

Tuluyan na ngang napaiyak si Stephanie. Kitang-kita iyon ni Prince pero umiwas lang siya ng tingin. Tinalikuran na niya si Stephanie. Nag-umpisa na rin siyang maglakad palayo sa dalaga.

Wala nang nagawa si Stephanie kundi ang umiyak at panoorin ang untiang paglayo sa kanya ng lalaking mahal niya.

***

Napahinto si Cindy sa paghakbang pababa ng hagdan nang matanaw niya ang isang babaeng nakaupo sa mahabang sofa sa may sala. Nakatalikod ito sa kanya pero alam na niya kung sino ito. Nagpatuloy siya sa paghakbang.

"Aya?"

Tumayo ang bisita niya at marahang pumihit paharap sa kanya. Nginitian pa siya nito. Si Aya nga ang bisitang tinutukoy ng katulong na tumawag sa kanya mula sa kwarto.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ano pa," nakangiting sagot ni Aya. "Edi binibisita ka!"

 Higit sa pagbisita, may ibang balak si Aya. Aaminin niya kay Cindy ang totoo.


The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon