Wicked Chapter Twenty-Six

5.9K 101 12
                                    

"I'm really getting bored!" - Cindy.

"Ako din." - Courtney.

"Wanna grab some frappe or something?" suggested Elise.

"Wait," ani Cindy sabay dukot ng phone niya sa bulsa ng blazer niya. "Tatawagan ko lang si Aya."

"Hey, here she is!" sabi ni Elise. Siya kasi ang unang nakakita sa kaibigan nilang kahahakbang lang papasok sa bakanteng classroom.

"Where the hell have you been?" salubong ni Cindy.

"I thought break na si Stephanie at Prince?" malayong tugon ng babae. Nakahalukipkip na siya nang sabihin niya iyon.

Agad kumunot ang noo ni Cindy. "Oo. Wala na sila."

"Talaga?" sabat naman ni Courtney sabay harap kay Cindy. "Edi pareho na kayong single?"

Muling binalingan ni Cindy si Courtney, "Pa'no mo gustong mamatay? Nang masimulan ko na."

"Ang pikon mo!"

"Court, can you just shut up?" Aya butted in, turning back to Cindy eventually. "As I was saying, I don't think they really broke up."

Cindy chuckled in disbelief. "What are you saying?"

"That Prince is lying!"

"No, imposible. Sinabi ko na sa'yo, hindi siya magsisinungaling sa'kin. He won't even have the stupid guts to try!"

Still with her arms crossed just under her chest, Aya narrated, "Oh well, then guess what! Nakita ko lang naman silang magkasama kanina. Magka-holding hands pa!"

"What?! Hey are you sure? I mean, are you sure na silang dalawa yun?"

"Of course! Hindi ako magkakamali. 20:20 vision ko, 'no!"

Tumayo na si Cindy, animong handang-handa na siyang sugurin ang dalawa. "Sa'n mo sila nakita?"

"On my way here. Well I just happend to pass by the gym. And sakto, I saw him coming out from the gym. And to my surprise, kasama niya si Stephanie. He was holding her hand and they were in a hurry. I don't have any idea of where they were heading if you'd ask me that."

Naikuyom ni Cindy ang mga kamao. Mahigpit niyang naikagat ang mga ngipin sa inis. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Prince ang lokohin siya. Tumayo siya't humakbang palabas ng silid ng walang anumang sinasabi. Hindi man niya alam kung saan niya mahahagilap ang itinuturin niyang sinungaling na binata, nagdire-diretso pa rin siya ng lakad.

***

"Bruha talaga siya."

"Wicked Cinderella nga di ba?"

"Pinagulpi niya pa yung Zach kay Prince Charming."

"Ang sama niya. Pati si Prince dinadamay niya."

"Di ka pa nasanay!"

Posturang-postura si Cindy at taas-noong maglakad na tulad ng palagi. Sumasayaw pa ang maikli niyang buhok sa kanyang bawat hakbang.

Bawat taong pasalubong sa kanya ay agad humihinto at binibigyan siya ng daan. Maging iyong mga nauuna sa kanya, oras na mapansin siya ay hihinto rin at tatabi muna.

Sanay na sanay na si Cindy sa ganito. Siyempre, isa siya sa mga reyna ng kolehiyo. Ang nagbago lang ay ang mga bulung-bulungan patungkol sa kanya.

Rinig na rinig niya ang pag-uusap ng ibang estudyante, karamiha'y mga babae, sa tuwing nakakalagpas na siya sa mga ito.

Naiinis na naman siya. Ngunit nagkibit-balikat muna siya. Kahit gusto niyang turuan ng leksyon ang mga bastos na taong nag-uusap sa likod niya, mas gusto niyang mahanap at maturuan ng leksyon si Prince.

Malapit na siyang lumiko sa isang kanto nang makarinig siya ng boses ng dalawang babaeng nag-uusap. Naglalakad ang mga ito pasalubong sa kanya. Masyado silang abala sa pag-uusap para mapansin si Cindy.

"Kawawa naman si Prince Charming. Buti may umawat dun sa may saklay."

"Oo nga eh."

"Sino daw yung lalaki? Ba't niya sinugod si Prince Charming?"

"Ewan lang. Pero yun yata yung Zach eh, yung pinabugbog ni Wicked Cinderella."

Sa halip lumiko, sinalubong ni Cindy ang dalawang babae.

"Ah, baka nga! Boyfriend niya yung Zach di ba? Ay ex na pala."

"Oo. Balita ko—"

"Balita ko may dalawang kuto akong gustong tirisin!"

Napatigil ang dalawa sa pag-uusap nang may mataray na babaeng sumabat sa kanila.

"M-Miss Shin!" nauutal na sabi ng isa sa kanila.

"Ano yung pinag-uusapan ninyo?"

"P-Po?"

"Were you talking about that frog?"

"F-Frog?"

"Yes! That Frog Prince."

"A-Ah... si Prince Char... este si Prince po ba?"

"Hindi mo ba kayang masalita ng ayos? Huhugutin ko yang dila mo eh!"

"S-Sorry po talaga Miss Shin!" Yumuko ang babae at nagtakip ng ulo.

Sa asar ni Cindy sa pagiging matatakutin ng bulol na babae, binalingan niya ang kasama nitong kanina pang tahimik.

"Anong pinag-uusapan n'yo? At asan si Prince?"

Napalunok ang babae. Hindi siya pwedeng magkamali kundi baka siya naman ang pag-initan ng bruhang Cinderella.

"Sa... sa clinic. Nasa clinic na po yata si P-Prince. Dinala na siya dun nung girlfriend niya."

"Girlfriend?" Tumaas ang kilay ni Cindy. "Kasama niya yung girlfriend niya?"

"O-Opo. Eh napaaway kasi siya eh—"

Hindi na pinakinggan pa ni Cindy ang pagpapatuloy ng kausap niya. Basta itinulak niya ang mga ito sa isang tabi para bigyang daan ang sarili. Dumiretso na siya ng lakad papunta sa clinic.

Nang makarating siya sa clinic, nakita niya ngang magkasama si Prince at Stephanie. Magkadikit pa ang mga labi ng dalawa.

Napalunok na lang siya. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao para pigilan ang panginginig ng mga ito. Ngayong nakumpirma na niyang nagsisinungaling si Prince sa kanya, lalong kumulo ang dugo niya.

-----

PS.

I posted something entitled MY WORKS

Baka lang gusto niyong tignan. :) Salamat sa papatol hahaha



The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon