Wicked Chapter Ten

9.3K 141 18
                                    

"And where the hell have you been?" salubong ni Courtney kay Aya nang dumating ito sa classroom nila. Dumiretso ito ng upo sa sariling silya saka may hinagilap sa bag na inulila niya roon kanina. Break time noon at nasa labas ang karamihan sa klase, maging ang kanilang propesor.

"Oo nga," si Elise. "Saka nagsalamin ka na ba? Para kang ni-rape!"

Tumawa si Courtney, "Ang sabihin mo, baka meron na naman siyang ni-rape!" Nag-apir pa sila ni Elise.

Umiling na lang si Aya. Inilabas niya ang kamay mula sa bag, hawak na niya ang kaha niya ng sigarilyo at isang mamahaling lighter na kakatwa ang hitsura. Agad hinithit ni Aya ang dulo ng nasindihan na niyang sigarilyo. Mabango ang usok nitong agad niyang ibinuga.

"Hey, where's Shin?" tanong niya maya-maya.

Si Elise ang sumagot, "Hinahanap ka."

"What the hell?" Agad napatingin ang tatlo sa direksyon ng narinig nilang nagsalita. Hindi pa man nila ito nakikita, sigurado na silang si Cindy iyon.

Umisa pa si Aya sa kanyang sigarilyo bago tumayo para batiin ang kaibigan, "Hi Shin!"

Habang magka-krus ang dalawang braso, umikot ang mga mata ni Cindy nang makipagbeso siya kay Aya. "Sa'n ka ba nanggaling?"

Sinuklay na ni Aya ang buhok niya gamit ang kanyang libreng kamay bago pa man iyon pansinin ni Cindy. "Chillax! Na-miss mo naman agad ako?"

Pinaningkitan lang ni Cindy ng mga mata si Aya. "Kelan ka humiwalay sa'min? And seriously, may hinatak ka na naman bang lalaki sa kung saan?"

Aya could only smile. Kung alam mo lang! "How d'you know?"

Cindy took the black cigarette in between Aya's fingers and used its unlightened end to push the latter's lips. "Kung hindi ka nakipaglandian kanina, pa'nong mabubura yung lipstick mo? Sa tissue?"

Aya smirked and took her cigarette back. "Fine. So what?" bumalik na siya sa kanyang upuan. "I think isang lucky charm yung binigay mong lipgloss sa'kin last time. I love it!"

Umupo na rin si Cindy. Doon siya sa kanan ni Aya, "Lucky charm? Pwede ba?"

"Oo nga!" singit ni Courtney. "Kung lucky charm yun, since pareho lang yun ng brand na gamit ni Cindy, bakit siya parang hindi naman lucky?"

"What the hell?" muling sambit ni Cindy na noo'y umere na naman ang isang kilay. "Parang hindi ko ata gusto ang tabas ng dila mo, Courtney!"

Courtney forced herself to smile. She mustered, "Just saying... w-wala kasi si Zach dito. Baka lang malungkot ka."

"I don't have to be, pauwi na rin naman si Zach eh. He said he'll be here on Saturday."

Hindi na nagsalita pa si Courtney. Alam niyang magtatalo lang sila ni Cindy kapag may sinabi pa siyang kung ano laban kay Zach. Hindi niya rin maintindihan ang kaibigan niya, alam naman ng lahat na isang playboy ang Zach na 'yon pero sige pa rin si Cindy sa kanya.

Matapos makinig sa katahimikan ng tatlo, itinapon ni Aya ang nakasindi pa rin niyang sigarilyo palabas ng bintanang katabi lang niya. Umehem pa siya pagkatapos saka tinawag ang kaibigan.

"Shin..." She sounded so serious that the three could only stare at her in silence.

She continued, "Wag kang magagalit ha, pero, are you sure of Zach? Pa'no kung..."

Si Cindy ang nagtuloy sa sinasabi ni Aya, "Saktan ako ni Zach?"

Hindi sumagot si Aya ngunit halata sa ekspresyon niyang "oo" ang salitang naglalaro sa isip niya. Pareho lang sila ni Zach na mapaglaro kaya alam na alam niya ang korte ng bituka nito.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon