Wicked Chapter Twenty-One

7.8K 187 8
                                    

dedicated to the person behind the username "thisismichii" (fan ka po ba ni michi ng slamdunk? joke)

Thanks po sa power vote ^_^

K, may gusto pa sana akong ichika pero next time na siguro. May AN pa sa baba eh hahah

--------

"Kailangan niya 'ko," ang tatlong salitang muling nagpatigil sa paghakbang ni Prince. "Kailangan ako ni Zach."

Parang nagpantig ang tenga ni Prince sa narinig. Mabilis siyang pumihit paharap kay Cindy. Sing bilis ito ng pagtulak niya sa dalaga pasandal sa mababang kotse.

"Hindi ka pupunta sa kanya." Tila may halong pagbabanta ang tono ni Prince. Bumalik na naman ang galit na kanina'y namayani sa kanya.  "Naiintindihan mo?"

Marahang umiling lang si Cindy bilang sagot.

Hindi makapaniwala si Prince. Humigpit ang hawak niya sa mga balikat ni Cindy. Nasigawan na niya ang tila nababaliw nang dalaga.

"Cindy, ano ba? Ano bang nangyayari sa'yo? Baliw ka na ba talaga? Ano bang pinakain sa'yo ng hayop na yon at nagkakaganyan ka? Pag hindi ka pa tumigil, sinasabi ko sa'yo, mapapatay ko na talaga ang gagong yon!"

"Prince..." tuluyan nang kumawala ang luha mula sa kaliwang mata ni Cindy.

Unti-unting dumulas pababa ang mga kamay ni Prince mula sa mga balikat ni Cindy. Gusto niyang abutin ang pisngi ng dalaga at punasan ang luha nito. Ngunit hindi niya manlang sinubukan. Sa halip ay ikinuyom niya ang kamao saka sumuntok.

Napapikit na lang si Cindy. Tumama ang suntok ni Prince sa bintana ng kotseng kinasasandalan niya. Basag ang salamin nito.

Hindi pa rin ibinababa ni Prince ang ngayo’y nagdurugo na niyang kamao. Halos mahagip nito ang mukha ng kanyang prinsesa. Nakayuko siya. Bahagyang nakabukas ang kanyang bibig. Doon nagmumula ang mainit na hiningang humahaplos sa noo ng dalagang dahan-dahang nagdilat ng mata sa kabila ng takot na biglang sumaklob rito.

Ibinaba na ni Prince ang kanyang kamao. Tinignan niya sa mata si Cindy.

"Dito ka lang," aniya. "Babalik din ako agad."

Hindi na nakasagot si Cindy. Tinalikuran na kasi siya ni Prince. Naglakad na ito palayo.

***

Pagkauwing-pagkauwi ng dalawa, dumiretso si Cindy sa kanyang silid. Sinundan siya ni Prince hanggang sa loob. Ito pa nga ang nagbukas ng ilaw dahil wala yatang balak si Cindy na paliwanagin ang madilim niyang kwarto.

"Lumabas ka na," anang dalaga. Dumiretso siya ng upo sa kanyang kama. Ipinatong niya ang kanang hita sa kaliwa niyang binti, hinubad ang mataas niyang sapatos at minasahe ang kanyang paa.

Hindi umalis si Prince sa kwarto. Nakatayo lang siya't nakaharap sa nakayukong dalaga.

Nag-angat ng tingin si Cindy sa binata. "Ano pa? Sabi ko 'labas' di ba?"

"I'm sorry," ang malayong sagot ni Prince. "Kasalanan ko. Kung palagi lang sana 'kong nasa tabi mo—"

"Tama na," putol ni Cindy sa sinasabi ni Prince. Hinubad na niya ang isa pang sapatos saka siya tumayo at dumiretso sa kanyang aparador. "Lumabas ka na, magbibihis ako."

Sa halip na sumunod ay muli lang nagpakumbaba ang binata. "Sorry talaga. Sorry kung nagkulang ako. Hayaan mo, pangako ko sa'yo babawi ako."

Nakatalikod noon si Cindy kay Prince kaya hindi napansin ng huli ang maliit na ngiting umusbong mula sa mga labi ng dalaga. Ang ngiting iyon ay dala ng tila unti-unting pagbabalik ng "tunay" na Prince.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon