Wicked Chapter Forty-Three

5.3K 125 14
                                    

Woah! Ano naman kaya ang excuse ko ngayon at ngayon lang ako nag update? Ahh, ngayong week lang kasi ako nakapag enrol. Di nga, seryoso. Anyways, regarding sa sinabi ko last time. Okay na. Na edit ko na si Cinderella. Walang matatanggal na chapter. Mga walang kwentang eksena lang. Though hindi ko pa siya naeedit online.

Speaking of chapters, since ang balak ko ay hanggang chapter 50 lang ito, isisiksik ko na lahat ng pwede kong isiksik sa kada chapter. Sana wag kayong antukin o mabore. Please? Bali mahaba-haba ang mga susunod na chapter. Di ko pa sigurado kung may epilogue pa after ng chapter 50. Depende.

And...  YEAH! MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG BUMUBUO/ BUMUO NG 5K+ READS NI CINDY!

Wicked Chapter Forty-Three

Matipid na ngumiti ang babaeng ngayo'y nakatayo sa harap niya.

"Nakakatuwa naman at naaalala mo pa ang pangalan ko," mahinag anito. Kasing tamlay ng dating ng dalaga ang paraan nito ng pagsasalita. "Pwede ka bang makausap... tungkol kay Prince."

"Kung gagawa ka na naman ng kwento, pasensya na pero wala akong balak makinig sa'yo. Alam ko na ang totoo, break na kayo. Ayaw na sa'yo ni Prince kaya tantanan mo na siya, pwede?"

Hahakbang na sana si Cindy para lagpasan ang kanyang bwisita pero humakbang rin ito at nakipagpatintero sa kanya.

"Cindy, hindi mo naiintindihan!"

"Cindy? Alam mo... bukod kay Prince, ikaw lang ang narinig kong tumawag sa'kin ng ganyan. At hindi ko yun gusto. Mas okay sa'kin na si Prince lang ang tumatawag sa'kin sa totoo kong pangalan. Yung iba, they should settle with 'Shin'."

"Fine, Shin," suko ni Stephanie. "Pero pakinggan mo naman sana 'ko please? Oo, nagsinungaling ako sa'yo the last time. Hindi totoong boyfriend ko pa rin si Prince. Pero kaka-break lang namin. Halos isang linggo pa lang. At mahal na mahal ko pa rin siya. Kaya Cindy—ibig kong sabihin, Shin..."

Halos mabitawan ni Cindy ang tatlong maninipis na librong yakap niya nang biglang hawakan ni Stephanie ang isa sa dalawang kamay niya.

"Tulungan mo naman ako."

"A-Ano?"

"Tulungan mo 'ko please?" Titig na titig si Stephanie sa mga mata ni Cindy nang sabihin niya iyon. "Kausapin mo si Prince. Sabihin mo balikan niya 'ko."

Kapit sa patalim. Desperado na si Stephanie. Gusto niya talagang muling makuha si Prince. At tanging si Cindy lang ang nakikita niyang makakatulong sa kanya.

"Alam mo, makikinig yun sa'yo. Pag sinabi mong makipagbalikan siya sa'kin, makikinig yun. Kaya please, kausapin mo siya. Nagkaron lang naman kami ng konting away nung nakaraan eh. Shin, mahal na mahal ko si Prince. Hindi ko kayang mawala siya. Kaya please, nagmamakaawa ako sa'yo, tulungan mo 'ko."

Yumuko si Cindy at binawi ang kamay niya. Bumalik siya sa pag-akap sa kanyang mga libro. "Sorry."

"Sorry?"

"Hindi kita matutulungan sa gusto mo."

"Pero bakit hindi? Dahil ba nagsinungaling ako sa'yo? Sinabi ko lang naman yun kasi naniniwala pa rin akong maaayos namin—"

"Wala nang maaayos, Stephanie."

Saglit na natigilan si Stephanie.

"Hindi na kayo magkakabalikan pa ni Prince."

"Ano bang sinasabi mo? Bakit parang siguradong-sigurado ka?"

"Dahil... dahil... hindi ako papayag. Hindi ako papayag na mapasa'yo ulit si Prince."

The Wicked CinderellaWhere stories live. Discover now