Wicked Chapter Forty-Four

5.5K 106 9
                                    

No way! Seryoso? Walang comment sa last chapter? Feel na feel ko yung sagutan nung dalawa eh... haba ng hair ni Prince devah? lol

Anyway dito sana mag comment *ehem, ehem* sana lang talaga.... kinikilig ako ehh wahahah... nakakakilig pag may ibang nababasted. si otor bitter XD

*ehem* comment *ehem*

May isa pa pala kong sasabihin. Ang totoo isang Linggo na akong walang naisusulat na kahit ano. Pero astig di ba, may update hahaha kasi ang totoo, hanggang chapter 45 meron na ko. sana masulat ko na ang mga nalalabing chapter. Sana sapian na ako ni Cindy (actually medyo nagbalik ang orig na Cindy sa chapter na to ehh hahah) o kung sino man, matapos ko lang to. Gusto ko talagang matapos na to by December. Kahit mag update pa ko ng twice a week, keribells lang pag okay na lahat ng chapters. Sana talaga.. sana.... sana.... may mag comment (whoo! segwey pa more!)


Wicked Chapter Forty-Four


"H-Ha?"

Agad kumunot ang noo ni Prince. Malinaw sa kanya kung ano ang narinig niya pero hindi niya iyon magawang paniwalaan.

"Ano yun?"

Muling lumunok si Cindy.

"Gusto kita," aniya saka lakas-loob na nag-angat ng tingin sa binata. "Prince gusto kita, mahal kita!"

"Anong... sinasabi mo?" hindi pa rin makapaniwalang tugon ng binata.

Napayakap si Cindy sa mga dala niyang libro. Gusto niyang yumuko dahil sa reaksyon ni Prince ngunit pinilit niyang hindi gawin.

"Mahal kita," ulit niya.

Namaywang si Prince sa kaliwa. Naihilamos niya naman ang kanang kamay sa buo niyang mukha. Huminto iyon sa kanyang bibig. Lumingon siya sa ibang direksyon na tila ba ayaw niyang tignan ang dalaga sa kanyang harapan.

Ibinaba na ni Prince ang kanyang mga kamay. "Hindi mo dapat sinasabi yan," aniyang hindi pa rin tinatapunan ng tingin si Cindy. Sa halip ay tinalikuran niya ito para muling maglakad.

Bumuntong-hininga si Cindy. "Kung ayaw mo sa'kin, sabihin mo nang diretso!"

Napahinto si Prince sa paglalakad. Naunahan tuloy siya ni Cindy papunta sa kotse. Bubuksan na sana nito ang pinto pero naka-lock pa ito.

"Kainis!" ani Cindy sabay sipa sa gulong. Nakay Prince ang susi kaya kinailangan niya pa itong hintayin.

Narinig na niya nang alisin ni Prince ang lock ng pinto gamit ang dala nitong susi. Lumapit si Prince para buksan ang pinto sa passenger seat pero naglakad si Cindy papunta sa likuran. Binuksan niya ang pinto sa backseat at doon siya pumwesto.

Umiling na lang si Prince. Isinara niya ang pinto sa passenger seat at umikot papunta sa sarili niyang pwesto. Balik na naman siya sa pagiging driver ng galit niyang prinsesa.

Maikli lang ang biyahe ngunit naging napakahaba niyon para sa kanilang dalawa. Buong oras kasi'y pareho silang walang imik. Pero nang makauwi sila...

"Cindy!" habol ni Prince sa nagmamadali't halatang umiiwas na babae. "Cindy!" muli niyang tawag. "Cindy ano ba?"

Upang pigilan ang dalaga sa patuloy na paghakbang, hinawakan na siya ni Prince sa braso, dahilan para mapilitan din siyang mapaharap rito.

"Ano ba?" sigaw ni Cindy sabay bawi ng kanyang sarili.

"Ayan ka na naman eh," umpisa ni Prince. "Kanina pa kitang tinatawag ayaw mo 'kong pansinin."

"Sorry ka, di ko naririnig," palusot ng dalaga.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon