Wicked Chapter Twenty-Four

6.1K 99 26
                                    

"Knock-knock?" sabi ni Aya kasabay ng dalawang beses niyang pagkatok sa pinto ng kwarto ni Prince. Agad na bumukas ang pinto.

"Aya!" gulat na sabi ni Prince.

"Hi!" kaswal namang sagot ng babae.

"Anong—"

Hindi nagawang tapusin ni Prince ang sasabihin niya nang itulak siya ni Aya pabalik sa loob ng kwarto nang makapasok rin ito.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Prince. Sinundan niya lang ng tingin si Aya na noo'y dumiretso paupo sa dulo ng kanyang kama. Namaywang lang siya. Ni hindi niya inabala ang sariling isara ang pinto sa likuran niya.

"I wonder kung ilang babae na ang humiga sa kama mo."

Buntong-hininga lang ang sagot ni Prince.

Tumawa si Aya, "I was just kidding! Alam ko namang kakalbuhin ni Shin ang babaeng dadalhin mo rito eh!"

Lumingon si Prince sa ibang direksyon. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Hmm..." sandaling humuni ang babae na tila nag-iisip ng dahilan. "Wala naman. Gusto ko lang makibalita. Totoo bang wala na kayo ni Stephanie?"

Hindi pa rin tumitingin sa usiserang babae, sumagot si Prince, "E ano naman sa'yo?"

"I was actually expecting either a yes or a no."

"Lumabas ka na," malayong tugon ni Prince.

"Siguro hindi totoo yung sinabi mo 'no? Pag nalaman yan ni Shin—"

"It's true," biglang sagot ni Prince. "Wala na kami ni Stephanie."

Nagkatitigan sila noon.

"Happy?"

Gumuhit ang ngiti sa isang gilid ng labi ni Aya. "Oh really? But what took you so long to tell me the truth?"

Muling bumuntong-hininga si Prince. "Pumunta ka ba rito para lang i-confirm yun?"

Lalong napangiti si Aya. Tumayo siya't naglakad palapit sa binata.

"Of course! Kasi kung single ka na," pinuluputan ni Aya ang leeg ni Prince, "akin ka na!"

Lumingong muli si Prince sa ibang direksyon. Kasabay nito ay inalis niya ang mga brasong nakasabit sa batok niya.

"Playing hard to get, huh?"

Ibinalik na ni Prince ang tingin kay Aya. "Wala 'kong oras makipaglaro sa'yo."

"Ouch!" heto na naman siya sa pag-arte. "How could you be so heartless? Akala ko ba may usapan na tayo kagabi? After Stephanie, You'll play boyfriend to me!"

"Wala 'kong maalalang pumayag ako sa gusto mo."

She hissed. "Jerk!"

"Lumabas ka na, please?"

Aya rolled her eyes and took a step pass Prince. "But what if I don't want to?"

Tulad ng kanyang inasahan, pumihit si Prince paharap sa kanya. Doon niya kinuha ang pagkakataong angklahan na naman ang batok ng matangkad na binata.

Huli na para makaiwas si Prince sa muling pagnanakaw ng halik ng makulit na babae.

Hindi na nagpadala si Prince. Hindi na niya nalalanghap ang matamis na amoy ng lipgloss ni Cindy sa labi ni Aya. Tama. Nagpapadala siya noon dahil lang sa maliit na bagay na iyon. Noong mga panahong iyon, habang kahalikan niya si Aya, si Cindy at tanging si Cindy lang ang laman ng isip niya.

Kabisadong-kabisado na kasi niya si Cindy. Alam niya ang amoy ng shampoo nito, conditioner, sabon, lotion, pabango. Pati ang matamis na amoy ng bagay na ipinapahid nito sa labi, nakatatak na sa utak niya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon