The Wicked Cinderella

37.8K 565 116
                                    

Thank you to all the people who are adding this story to theie reading lists. Sana po ay masuportahan ninyo ang kwentong ito hanggang dulo.

Comments are very much appreciated :)

——-

THE WICKED CINDERELLA

Maaga pa, wala pa siyang klase. Balita niya ay may book fair daw sa Basic Education Department kaya naisipan niya munang mamasyal sa kabilang building.

Pasayaw-sayaw ang maikli niyang buhok sa kanyang bawat hakbang. Sa taas na 5'3" ay nagsusuot pa rin siya ng matataas na sapatos. Idagdag pang payat ang kanyang pangangatawan, lalo siyang nagmumukhang matangkad. 

Nakangiti siya, bagay na bihirang mamasdan ng karamihan. Mas madalas pang makita ang isa sa mga perpekto niyang kilay na nakaere. Nakataas ang noo niya tulad ng palagi, lalo tuloy nagiging kapansin-pansin ang tangos ng kanyang ilong, pati ang nakakulot niyang pilikmatang lalong pinahahaba ng makapal na mascara. Bukod doon ay wala nang kolorete ang mapupungay niyang mga mata. 

Maganda ang araw pati na ang mood niya. Hanggang sa marating niya ang covered gym kung saan nagaganap ang eksibit ng magagandang libro at pag-uusap ng tatlong batang estudyante tungkol sa isang tanyag na fairytale. Hawak pa ng isa sa kanila ang aklat nito.

"When I grow up, I wanna be like Cinderella."

"Me? I want to meet my own Prince Charming."

"Aww, me too!"

"Me three!" At nagtawanan ng tatlo.

Napangiti siya. Ngiting dulot ng pagkauyam. Sa isip-isip niya, pesteng mga fairytale. Wala talagang alam kundi ang magpaasa. Leche.

"Now I'm excited to grow up and meet my Prince Charming!"

Pilit siyang ngumiti saka naglakad palapit sa tatlo.

"Kids," agaw niya sa atensyon ng mga ito. Bahagya pa siyang yumuko para lang mapantayan ang taas ng tatlong batang ngayon ay nakatigin sa kanya. "Do you really want to meet Prince Charming?"

"Yes! Yes!" masiglang sagot nila.

"And get married with him someday?"

"Yes!" sagot pa rin nila.

"Even if Prince Charming is such a rude guy?"

Nagkatinginan ang tatlong bata.

"That's not true," sabi ng isa.

"Yeah that's true," pilit niya.

"Yes, in Shrek!" sagot naman ng isa pa, dahilan para magtawanang muli ang tatlo.

Pilit niyang pinanatili ang kanyang tipid na ngiti. "It's true. Cinderella's Prince Charming is such a rude guy."

"No, princes are supposed to be well-mannered."

"The Prince fell in love with Cinderella during the ball, am I right?" malayong tugon niya.

Tumango ang tatlong bata.

"But when he saw her wearing old clothes, he failed to recognize her, didn't he?"

"Yes." Halata niya ang pagtamlay ng tinig ng tatlo.

"Can you call that love, little girls? If you like someone, even if he is wearing different clothes, or he's on different hair styles or hair color, you're supposed to recognize him, don't you?"

Hindi na sila nakasagot pa.

"Prince Charming was a man who married Cinderella just because she was stunning and beautiful. When they grow old, she'll have white hairs and wrinkles, she won't be beautiful anymore. And Prince Charming's gonna leave her."

Sumimangot ang tatlo, dahilan para lihim siyang mapangiti.

"That's not true. It is said in the story that they lived happily ever after!" pilit ng isa.

"But sweetie that is nothing but a fairy tale. It is something that did not happen and will never happen. It is just a work of fiction. They are not true, so as Prince Charming's love for Cinderella."

Tuluyang napaiyak ang isa sa tatlong musmos. "I hate Prince Charming!"

Ibinato ng bata ang hawak na libro saka tumakbo pabalik sa kanilang classroom. Sumunod namang agad ang dalawa nitong kasama.

Ngumiti na lang siya at pinulot ang naiwang libro saka ito ibinalik sa pinakamalapit na shelf.

"Shin!"

Agad napalingon ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaking tumawag sa kanya.

"Andito ka lang pala. Ito na yung pinapakuha mo," wika ng binata sabay lahad ng isang clear book sa kanya. Matangkad rin ito, mas matangkad sa kanya. Katamtaman ang pangangatawan at katiwa-tiwala ang maamong mukha.

Tumingin ang babae sa suot niyang relo. Malapit na pala ang una niyang asignatura sa araw na iyon. Doon niya ipapasa ang clear book na pinaglalagyan ng kanyang proyekto.

"Pasalamat ka't umabot ka. Kukunin mo lang yung gamit ko, inabot ka pa ng s'yam-s'yam!" Iyon lang at nilayasan na niya ang lalaki.

Hindi na nagsalita pa ang binata, pinanood niya lang ang paglayo ng bruha. Pasunod na sana siya rito nang mahagip ng kanyang paningin ang librong naligaw sa estante ng mga nagkakapalang pang-akademikong aklat—ang libro ng kwento ni Cinderella.

Sa orihinal na kwento, si Cinderella ay isang babaeng busilak ang puso na nagdusa sa pang-aapi ng kanyang madrasta at dalawang nitong anak; ngunit sa huli ay namuhay nang masaya kasama ang isang prinsipe.

Nakatagpo man siya ng isang mayamang prinsipe, ang babaeng iyon ay si Cindy, mas kilala bilang Shin, at hindi si Cinderella.

At ang binata'y si Prince, ang lalaking pinaka kinasusuklaman niya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon