Wicked Chapter Nineteen

7.1K 127 13
                                    

dedicated to Ms. AlyBernardo

Salamat sa vote :)

------------------------------

Agad na inilayo ni Cindy ang kaliwa niyang paa nang subukan itong abutin ni Prince. Hinding-hindi niya hahayaan ang binatang suotan siya ng sapatos.

Hindi nagsalita si Prince. Sinubukan niya lang ulit na abutin ang maputing paa ni Cindy na noo'y narumhan na dahil sa kawalan ng sapin. Hindi diretso ang tayo niya lalo't ang isa niyang paa ay may suot na sapatos na mataas pa ang takong.

"Sabing itigil mo yan eh!" sigaw ni Cindy. Galit na hinubad na rin niya ang isa pang sapatos. Tapos ay ihinagis niya ito sa kung saan.

Tumingala si Prince sa nagmamaktol na babae. "Cindy, ano ba?"

"Don't call me Cindy! Hindi ako si Cindy. Lalong hindi ako si Cinderella!"

Tumayo na si Prince. Dahil wala nang suot na takong si Cindy, kinailangan na ulit niyang tingalain ang binata.

"Sino bang may sabi sa'yong ikaw si Cinderella?"

Hindi sumagot si Cindy. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa ibang direksyon. Sinubukan na lang niyang kalmahin ang sarili. Mabagal ang ritmo ng kanyang paghinga.

Naglakad si Prince papunta sa kung saan ibinato ni Cindy ang isa pa nitong sapatos. Agad siyang bumalik sa pagluhod sa harap ni Cindy pagkatapos.

"Akin na yung paa mo," aniya.

"Ibaba mo yang sapatos. Ako na ang magsusuot."

"Madumi yung paa mo. Pupunasan ko na muna. Mamaya pasukin pa ng bato yung sapatos mo eh."

"Wala ka nang pake don! Basta ibaba mo yang mga sapatos!"

Bumuntong-hininga si Prince at tumingala kay Cindy. "Ikakamatay mo ba pag sinuutan kita ng sapatos?"

"Pa'no pag sabihin kong oo?"

Yumuko si Prince at muling bumuntong-hininga.

"Ang tigas ng ulo mo," bulong niyang nakaabot naman sa pandinig ni Cindy.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Sabi ko, akin na yang paa mo."

Hindi lang pansin ni Cindy pero nahinto na pala siya sa pag-iyak. Nawala na rin sa isipan niya ang tungkol kay Zach at sa kataksilang ginawa nito. Sa wakas ay sinunod na niya ang gusto ni Prince. Itinaas niya ang kanan niyang paa.

Maingat na hinawakan ni Prince ang paa ni Cindy matapos ibaba ang mga sapatos. Namulsa siya para sa kanyang panyo. Pinunasan niya ang talampakan nito. Tiniyak niyang naalis na niya ang anumang kumapit sa ilalim ng paa ng dalaga. Pagkatapos ay dahan-dahan niya iyong isinuot sa isa sa mga sapatos.

"Yung kabila," aniya at itinaas na ni Cindy ang kaliwa niyang paa.

Dahil nakatayo na lang siya sa iisang paa at nakatakong pa, muntik nang mawalan ng balanse si Cindy. Mabuti at naalalayan siya ni Prince.

"Kumapit ka kasi sa balikat ko," suhestiyon ng lalaki.

Tahimik na sumunod na lang si Cindy kahit pa nga ba hirap din siya dahil sa nakayuko ang binata at nakaluhod sa isang tuhod para pagsilbihan siya.

Inulit ni Prince sa kaliwang paa ng dalaga ang ginawa niya sa kanan nito kanina. Nakayuko lang noon si Cindy at tahimik na nanonood sa ginagawa niya. Hindi tiyak ni Cindy kung ano ang dapat niyang maramdaman. Labis-labis ang pag-iingat na ginagawa ni Prince.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon