Wicked Chapter Five

10.2K 216 61
                                    

"Sa ayaw mo't sa gusto, iiwan ka rin niya!"

Mahina lang ang pagkakasabi ni Cindy niyon, sapat lamang upang makarating sa pandinig ni Stephanie na agad ring umikot para muling makaharap ang bruhang dalaga. It was too late when she realized turning to face her again was a big mistake.

Agad kasing sinalubong ng marahas na palad ni Cindy ang kaliwang pisngi niya. Sa sobrang lakas nito, halos mawalan siya ng balanse.

"That's for calling me bitch when it was my favorite nickname for you, BITCH."

Tinanggal na ni Stephanie ang kamay niyang awtomatikong napahawak sa kanyang pisngi. Hinarap niya ulit si Cindy... ngunit sinalubong na naman siya ng babae ng isa na namang sampal.

Nagsimula nang umiling ang mga tao sa paligid. Patay kang bata ka!

"And that's for hitting my face using your dirty slut hand, bitch."

Malalim ang bawat paghinga ni Stephanie. Nanginginig siya sa sobrang galit, Sa pangalawang pagkakataon ay ininda niya ang paghapdi ng kanyang pisngi, hinarap na naman niya si Cindy.

"Woah!" gayon na lamang ang pagkamangha ng mga manonood nang sa ikatlong beses ay sampalin ni Cindy si Stephanie. Sa sobrang lakas niyon ay tuluyan nang bumagsak sa sahig ang kawawang babae. Pati ang strap ng makulay niyang backpack ay natanggal sa pagkakasabit sa kanyang mga balikat.

Right then, her face literally bore the marks of the violence she suffered from Cindy's hands.

"Wow! That was a show!" Si Aya ang unang nakapagsalita. Napangiti pa siya saka tumingin sa kaibigan.

Habang nakanganga'y napailing na lang si Elise. Hindi siya nakapagsalita. Namaywang naman si Courtney at nagtanong, "E yung isang 'yon para saan?" Tinutukoy niya ang huling sampal na ibinigay ni Cindy kay Stephanie, may masabi lang.

"Oh that?" napatingin si Cindy sandali kay Courtney. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa babaeng bagsak pa rin sa paanan niya. "Para saan nga ba?" She went down on one knee and grabbed a handful of Stephanie's now messy hair. "Ikaw, alam mo ba kung para saan yon?"

Hindi sumagot si Stephanie. Nakahawak lang siya sa kamay ni Cindy na noo'y marahas ang pagkakasabunot sa kanyang buhok. Hirap man siya'y pinantayan niya ang nakamamatay na titig nito.

Ngumiti lang si Cindy. "That's for messing up with my favorite toy."

"Ano?"

"Stefania dear—"

"Una sa lahat," putol niya sa sasabihin ni Cindy. "Stephanie ang—ahh!"

"Shut up!" Si Cindy naman ang pumutol sa sinasabi ni Stephanie. Hinigpitan pa niyang lalo ang hawak sa buhok nito. "If you don't want me to make your life a living hell, leave that frog prince alone." She pulled her hair harder and the latter could only gasp in pain. "Do you get me, bitch?"

Napapikit na si Stephanie sa sakit. Pinipigilan lang niya ang sarili ngunit pakiramdam niya'y malapit na siyang sumuko. Gusto na lamang niyang umiyak sa nangyayari.

Dahil hindi sumagot si Stephanie, hinila na naman ni Cindy ang buhok ng kawawa niyang biktima. Talagang hindi niya ito binibitawan. "Answer me, bitch!"

The brave lady opened her eyes and met with Cindy's glare. Ginantihan niya ang masamang tingin nito sabay sabing, "Hinding-hindi ko iiwan si Pr—ahh!" napasigaw na naman siya nang sa wakas ay bitawan na ni Cindy ang buhok niya. Ang kaso, kasabay nito'y marahas siyang itinulak ni Cindy, dahilan para tuluyan siyang mapadapa.

The wicked Cinderella stood up and used her hand to finger-comb her short hair.

"Done?" Aya asked. "May paglalaruan pa tayong iba dun sa kabilang department."

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon