Last Wicked Chapter

12.6K 172 40
                                    

Nagmamadaling tinahak ni Aya ang direksyon papuntang Emergency Room para samahan si Cindy. Ngunit pagdating niya, tanging si Prince na lang ang naabutan niya. Nakaupo ito sa labas ng silid; nakatungo, nakapikit at magkasaklob ang mga palad, animo'y kundi nagdarasal ay natutulog nang nakaupo.

Ngunit gising ito. Katunayan ay agad nitong naramdaman ang presensya ng isang bisita.

"Where's Shin?" bungad ni Aya nang mapaharap si Prince sa kanya.

Bumalik si Prince sa pagyuko. "Kaaalis lang. Nagkasali kayo."

"Ah," tango ng dalaga. "I see. Anyway, how's your mom?"

"Okay na siya."

"Well, that's good. Pumunta lang ako para samahan si Shin. But since nakaalis na siya—"

"Aya," putol ni Prince sa sinasabi ni Aya. "Can we talk?" Sandaling huminto si Prince upang harapin ang kausap. "Please?"

Sa unang pagkakataon ay nakadama si Aya nang pagkailang sa titig ng binata kaya't naiiwas niya ang tingin dito. "Tungkol saan?"

Nahihiya, muli siyang yumuko. "Kay Cindy."

"What about her?" tanong ng nakahalukipkip nang si Aya. Nakayuko lang siya. Hindi niya pa rin magawang ibalik ang tingin sa kausap.

"Alam ko marami ka nang alam sa kanya. Pero ipapaalala ko pa rin. Si Cindy, ayaw na ayaw niya ng pinya. Hindi rin siya mahilig sa pizza. Baked mac, yun ang paborito niya."

Hindi man maintindihan ni Aya ang pinagsasasabi ni Prince, nanatili siyang tahimik para pakinggan ito.

Nagpatuloy ang binata, "Pero ayaw niya ng spaghetti. Siguro alam mo na lahat ng yon. Ah, eto ewan kung alam mo, pero hindi siya natutulog nang hindi umiinom ng gatas. Hindi niya gusto yung lasa ng fresh milk. Ah hindi, sabi niya wala daw lasa ang fresh milk kaya gabi-gabi ko siyang pinagtitimpla ng Bear Brand. Yun yung gusto niya eh, matamis kasi. Pero sa umaga, kape ang iniinom niya, yung maraming milo.

"Hirap siyang bumangon sa umaga kaya madalas ako pa ang gumigising sa kanya. Sa gabi naman dapat before 9 makainom na siya ng gatas kasi pag lumagpas ng alas nuebe, dun na siya nahihirapang makatulog. Ayaw din niyang nagpapatay ng ilaw, takot sa dilim yun eh. Pero pag sinasabi ko yun, lagi niyang dinadahilang malabo lang ang mata niya kaya hirap siyang makakita sa dilim. Ah, ano pa ba?

"Ah, ayaw niya ng seafoods. Tamad kasi yun maghimay eh. Pero pag kakainin na lang, tulad ng shrimp tempura o kaya tortang alimasag, yun kinakain niya. Ayaw niya rin ng isda lalo na ng bangus. Tapos..."

"Why are you telling me all these?" putol ni Aya sa sinasabi ni Prince. Kasabay rin niyon ang pag-angat niya ng tingin sa kausap.

Pilit na ngumiti si Prince. Nakayuko pa rin, gamit ang kaliwang kamay, pasimple niyang pinunasan ang kanyang pisngi. Hindi lang nahalata sa boses niya pero umiiyak na pala siya.

Aniya, "Sinasabi ko 'to dahil sa'yo ko lang pwedeng ipagbilin si Cindy."

"Ipagbilin?" nalilitong ulit ni Aya. "What do you mean?"

"I'm leaving."

***

Mugto man ang mga mata, taas-noong tinahak ni Stephanie ang daan papuntang cafeteria. Tanghali na noon kaya naniniwala siyang doon niya makikita ang taong hinahanap niya. Hindi na niya nagawang pasukan ang una niyang klase para sa araw na iyon. Galing kasi siya sa ospital para dalawin si Regina at makita si Prince.

"Nagdesisyon? Tungkol saan?"

Kanina pang naglalaro sa isip niya ang isa sa mga napag-usapan nila ni Prince.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon