Wicked Chapter Three

12.4K 252 131
                                    

Kalalabas lang ni Cindy ng sarili niyang silid. Bababa sana siya sa may kusina upang makainom ng tubig nang masagi ng kanyang paningin ang bukas na pinto ng kwarto ni Prince.

"That frog," she whispered to herself as her left eyebrow go up. Sa halip bumaba ay doon siya sa kwarto ni Prince dumiretso. Pwede niya nga namang iutos na lang sa binata ang pagkuha ng maiinom niya kaya't bakit pa siyang magpapakapagod bumaba?

"Hoy!" pahambog na entrada niya matapos itulak ang pinto upang bumukas ito nang husto. Ngunit sa kanyang pagkadismaya, wala roon si Prince. Sa halip, ang tanging naabutan niya ay ang tunog nang tunog na cellphone nitong nakahimlay sa dulo ng maayos na kama.

Naglakad muli si Cindy, nilapitan niya ang maingay na handset para tignan.

Lalo lang siyang nadismaya noong makita niya ang pangalang rumehistro sa malapad na screen ng malapad ring gadget—Stephanie.

"Tss," aniya sabay taas ng kilay. Pinabayaan niya ang cellphone na mag-ring nang mag-ring hanggang sa kusang maputol ang tawag at rumehistro sa screen ang salitang 1 missed call.

Asar na bumuntong-hininga si Cindy at tumalikod na upang lumabas sa tahimik na silid ng lalaking pinakasusuklaman niya. Ang kaso ay muling tumunog ang cellphone ni Prince. Muli niya rin iyong nilingon.

"Ikaw na namang malandi ka?" aniya matapos kunin ang gadget mula sa kama. Her proud brow ascended another time as a sincere grin appeared on her face, she just thought of an evil plan.

She spoke as if speaking to the inanimate object in her hand. "Ano kayang mararamdaman mo kapag ni-reject ko ang tawag mo?" After those words that ended in another evil grin, her excited, wicked thumb eagerly hit the reject button.

Pagkatapos niyon ay basta na lamang niyang ibinagsak ang cellphone pabalik sa kama. Tinalikuran na niya iyon sa ikalawang pagkakataon. Ngunit sa pagtalikod niya, narinig na naman niya ang ingay na nagmumula rito. Kaiba nga lang sa kanina, isang text ang dahilan ng pagtunog ng cellphone ni Prince.

She had her arms crossed over her flat abdomen when she turned to look at his phone. Tumaas na naman ang kilay niya.

"Bitch," she thought to herself. "Annoying bitch!" she added before grabbing the phone another time.

"Cindy?" biglang napalingon si Cindy nang may tumawag sa pangalan niya.

Dumiretso ang tingin niya sa bukas na pinto. Isang pekeng ngiti ang ipinambati niya kay Prince.

"May kailangan ka ba? Ba't ka nandito?" tanong ni Prince hanggang sa mapansin niya ang kanyang cellphone sa kamay ni Cindy. "Bakit hawak mo yang phone ko?"

"Ito ba?" painosenteng tinignan ni Cindy ang hawak niya. "Confiscated 'to. Grounded ka."

"Ano?"

"Bingi lang? Sabi 'ko confiscated 'to at grounded ka. Kung may kailangan kang kontakin, gamitin mo yung landline sa baba. Parusa mo 'to sa pakikialam sa'min kanina," paliwanag niya, tinutukoy pa rin ang insidente sa cafeteria. Pagkatapos ay naglakad na siya palapit sa pinto-palapit kay Prince.

Halos lagpasan na nga niya ito. Ngunit napahinto siya nang hawakan siya ni Prince sa braso, bagay na labis niyang ikinainis.

"Don't you dare touch me!" Kasabay ng mga salitang iyon ang agad niyang pagbawi sa kanyang braso.

Inilahad ni Prince ang kanyang kamay sa harap ni Cindy sabay sabing, "I need my phone, give it back now."

"Wala 'kong pake," sagot niya sabay sampal sa kamay ng binata upang bumaba na ito. "Nagbago na isip ko, bawal ka na ring gumamit ng landline."

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon