Wicked Chapter Twenty-Two

7.2K 135 17
                                    

Tahimik ang dining area nang dumating doon si Cindy. Nakahanda na ang almusal pero wala si Prince. Naisip niyang baka ipinagtitimpla pa siya nito ng maiinom doon sa kusina pero nang maupo siya, napansin niyang may nakahain na roong tasa ng mainit na tsokolate. Noon lang din niya napansing iisa lang ang plato sa mesa, para lang sa kanya.

"Prince!" Tawag niya matapos lumingon sa direksyon ng kusina. Nang hindi lumitaw ang binata ay tumawag ulit siya, "Prince?"

Sa pangalawang sigaw niya, may lumabas na mula sa kusina. Hindi iyon si Prince kundi isa sa mga katulong.

"Ma'am?" anito.

Tumaas lang ang kilay ni Cindy. "Ambisyosa lang, manang? Kelan ka pa naging si Prince?"

"E ma'am, wala po si sir Prince. Pagkatapos niya pong ihanda yung almusal n'yo umalis na siya. Pinagbilinan na lang niya kaming kung may iba pa kayong iutos, kami na muna ang gumawa."

"And where the hell did he go?" Nakataas pa rin ang kilay na tanong ng bruha.

"Ay ma'am, wala pong nabanggit eh. Sabi niya lang po pag nagtanong kayo, sabihin kong may nilakad lang siyang importante."

Naipikit na lang ni Cindy ang mga mata niya sa asar. So, may mas importante pa kesa sa'kin?

"Ah, ma'am," anang may edad na katulong, "may ipag-uutos po ba kayo?"

"Wala. Just leave me alone," sagot niya pero nauna pa siyang tumayo at umalis sa dining area. Nawalan na siya ng gana. Parang hindi siya makakain ng almusal kapag wala si Prince sa malapit. Nasanay na kasi siya.

Dang! Gugutumin nanaman ako ng palakamg 'yon. How hateful! Sa isip-isip niya.

***

"My Prince?" mahinang tawag ni Stephanie sa kasintahan niyang nakaupo sa tapat niya. Nagkakape sila sa hardin ng bahay ng dalaga.

Kabababa lang noon ni Stephanie ng hawak niyang tasa. Kaunti na lang at mauubos na niya ang laman nito, samantalang si Prince, ni hindi pa yata nahihipo ang hawakan ng sariling tasa.

"May problema ba? Kanina ka pang walang imik ah?"

Bumuntong-hininga lang si Prince at bahagyang umiling. Hindi niya kasi alam kung paano niyang sasabihin kay Stephanie ang gusto niya—ang makipagkalas na rito.

Napabuntong-hininga na lang din si Stephanie. "Si Cindy na naman?"

Napatingin na lang si Prince kay Stephanie. Hindi siya umimik kaya inakala ng dalagang tama ang hinala nito.

Hinawakan ni Stephanie ang kamay ni Prince. "Okay, I'll try to understand you this time. Alam ko nag-aalala ka sa kanya pero ngayong nandito ka, pwedeng wag mo muna siyang isipin?"

"Ha?" nagtatakang sagot ni Prince. "Anong sinasabi mo?"

"You once told me that you treat Cindy as your... sister, right?"

Hindi man maintindihan ni Prince ang gustong tumbukin ng kasintahan, tumango siya bilang sagot.

"Narinig ko yung nangyari. Alam mo, kahit hindi kami okay ni Cindy, I feel sorry for her. Everyone knows that she really loves Zach—"

Agad naikuyom ni Prince ang sariling kamao nang makarating sa pandinig niya ang ngalan ng gagong nagpaiyak sa kanyang prinsesa.

Kalat na kalat na sa buong college department ang naganap sa nakalipas na gabi. Paano ba namang hindi eh ihininto ang party nang malaman ng administration na isa sa mga eatudyante nila ang nakahandusay sa harap ng event center dahil sa isa pang estudyante.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon