Wicked Chapter Nine

9.5K 172 25
                                    

Prince, trying to deny what he heard, stammered to make her repeat what she said. "H-Ha?"

Cindy finally raised her gaze, looked up at the sky and smirked in bitterness. Ibinalik niya ang tingin kay Prince maya-maya saka muling nagsalita, "Gusto mo bang ulitin ko?"

Hindi sumagot ang binata. Namamangha siya sa kakaibang ikinikilos ni Cindy. Hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip na baka isa na naman ito sa di-kaaya-ayang laro ng dalaga.

Though she turned away, Prince noticed how she forced herself to smile again. "Gusto mo bang ulitin ko dahil hindi mo narinig o… dahil hindi ka naniniwalang lumabas ang salitang yun sa bibig ko?"

"Cindy…"

Muli niyang hinarap ang binata. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at tila pagkadismaya sa reaksyon nito.

"Ganun ba 'ko kasama para sa'yo, Prince? Sa tingin mo ba talaga wala nang natitirang kahit konting kabutihan dito sa puso ko? Na napakaimposibleng kahit isang beses lang sa buhay ko, magpakumbaba ako sa'yo't humingi ng tawad?"

Lalong natahimik si Prince nang mag-umpisang mangilid ang luha sa mga mata ni Cindy. Kung ganoon, tama pala ang narinig niya, nag-sorry ito kanina. Hindi nagtagal at umagos pababa ang luha ni Cindy. Ito siguro ang natutunan niya sa drama club kung saan dati siyang nagpalista bilang miyembro. Yumuko si Cindy para lamang itago ang kanyang mukha. Gayun ma'y halata pa rin na umiiyak siya.

Agad dinukot ni Prince ang panyo sa kanyang bulsa. Lumapit siya kay Cindy, iniabot rito ang hawak na panyo sabay sabing, "Sorry."

Hindi niya sigurado kung bakit ngunit pakiramdam niya, kailangan niyang humingi ng tawad sa dalaga. Pakiramdam niya, siya itong may kasalanan dito, na siya ang dahilan kung bakit umiiyak ito ngayon.

Hinarap naman ni Cindy si Prince, ngunit sa halip na abutin ang panyong inaalok nito, bigla niyang niyakap si Prince, dahilan upang lalo itong matigilan. Habang tumatagal ay lalong humihigpit ang yakap niya sa nalilito pa ring binata.

Tila si Prince ang higit na nahihirapan habang naririnig niya ang pagtangis ng pinakaiingatan niyang prinsesa. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, dahan-dahang umangat ang mga kamay ni Prince upang gantihan ang yakap ng babae. Umaasa siyang sa ganoong paraan, mapatatahan niya ito.

Masyado na siyang nadadala sa pag-arte ng magandang bruha. Nawala na sa isipan niyang baka nga isa lamang patibong ang lahat… patibong na hindi para sa kanya kundi sa kasintahan niyang nakikita pala sila.

Oo. Naroon si Stephanie. Narinig niya kasi ang pag-uusap ng dalawang babae sa wash room kanina. Kesyo nakita raw nila si Prince at Cindy na magkasama't magkahawak pa ng kamay. Kesyo kahina-hinala raw ang kilos ng dalawa, lalo na si Prince. Paano kasi'y sa halip na pumunta sa sariling departamento,  sinamahan ni Prince ang bruha patungo sa likod ng building nito.

Bukod sa pareho ang building nila ni Cindy, nasa first floor lang noon si Stephanie kaya madali para sa kanya ang tumakbo patungo sa lugar na nabanggit ng dalawa. Ang hindi niya alam, pakana rin ng grupo ni Cindy ang mga narinig niya.

"Oh, look who's here! Nagulat ka ba?"

Napalingon si Stephanie sa bandang likuran niya, naroon na ang tatlo pang reyna ng kolehiyo.

Habang panay ang pag-iling, nagpatuloy si Elise na siyang unang nagparinig kay Stephanie. "Grabe 'no? Sabi na nga ba eh. Matagal ko na ring pinaghihinalaan yang dalawang yan eh. Tsk, tsk, tsk."

Agad na umakyat ang mga luha ni Stephanie sa gilid ng kanyang mga mata. Ayaw niyang maniwala. Pero sa totoo lang, ito rin naman ang matagal na niyang pinaniniwalaan—na may gusto si Prince kay Cindy.  Maraming tanong ang agad na naglalaro sa kanyang isipan.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon