Wicked Chapter Forty-Seven

5.1K 103 3
                                    

Pasensya na po kung ngayon lang ang update... busy lang po talaga this past few weeks. 

Wicked Chapter Forty-Seven

If only I am living a normal life, I would be celebrating today. Today's my 16th birthday after all. Yeah, 16 years old na ako ngayon. At siyam na taon nang patay ang mga magulang ko.

Thanks to that no-good Prince, nine years na akong ulila sa magulang.

Kitang-kita ni Cindy kung paanong manginig ang sarili niyang mga kamay. Hindi niya magawang paniwalaan ang kababasa niya lang. Ayon sa petsang nakalagay sa tuktok ng nakabuklat na pahina, dalawang taon na ang sulat na iyon. Sulat. Tila isa iyong liham na hindi nakalagay kung para kanino. Ang malinaw lang ay sulat-kamay niya ang binabasa. Ibig sabihin, siya mismo, isinisisi kay Prince ang kamatayan ng kanyang mga magulang.

"He's the reason why your parents died."

Napalunok na lang si Cindy. Napailing. Nakagat pa niya ang kanyang pang-ibabang labi. Gustuhin man niya'y hindi niya maialis ang mga mata sa bagay na hawak niya. Tila tanging iyon lang ang nakikita niya ngayon... kahit ayaw niya.

"Matagal nang patay ang mga magulang ko. Imposibleng kasalanan mo yun. Wala... wala ka namang ginawa di ba? Wala ka namang kinalaman sa pagkamatay nila di ba? Kasi hindi rin naman totoo yung ibinibintang sa'yo ni Aya."

"Hindi yon totoo."

Napailing na lang si Cindy nang sumaglit sa isipan niya ang bagay na sinabi sa kanya ni Aya noong araw na bisitahin siya nito. Maging ang katanungang binitawan niya sa binata at ang tila nag-aalangang pagtugon nito.

"H-Hindi, imposible. Imposible talaga."

Ibinalik niya ang tingin sa hawak na journal. Pero agad niya ring inangat ang tingin sa puting kisameng lalong pinaaaliwalas ng bukas na ilaw. Maliwanag ang buo niyang paligid, taliwas sa kanyang nararamdaman.

Hindi na niya kayang magbasa. Ayaw niyang may iba pang mabasa. Ibinaba niya ang notebook sa mesa. As is. Ni hindi niya iyon naisipang isara. Yumuko siya't sandaling sinabunutan ang sarili.

"Ano ba yon? Akin ba yon? Sulat ko nga ba yon? Ba't ganon?"

Nahagip ng paningin niya ang cellphone niyang nakapirmi rin sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya iyon.  Hinanap niya sa phonebook niya ang numero ng huling tumawag sa kanya, si Aya.

Pinindot ng nanginginig niyang hinlalaki ang dial sign sa malapad na screen. Lumunok muna siya bago niyang itinapat ang telepono sa kaliwa niyang tenga para hintayin ang pagkunekta ng tawag.

Unang ring... pangalawa... pangatlo... pang-apat.

Pikit-matang inalis ni Cindy ang telepono sa tenga niya.

"Hello? Shin?"

Agad niya ring binuksan ang mga mata niya nang may marinig siya mula sa kabilang linya.

"Shin?" muling tawag ni Aya. "You there? Hello?"

Bumuntong-hininga siya bago niyang ibalik ang hawak sa tapat ng kanyang tenga. "Hello... Aya?" Damang-dama niya ang pagkati ng paligid ng mga mata niya. Agad ring nanlabo ang kanyang paningin. Mabilis pa sa inasahan niya ang pag-akyat ng kanyang mga luha.

"Nice! You've called. So, have you seen the journal?"

Muli ay mahigpit na ipinikit ni Cindy ang kanyang mga mata, dahilan para malayang makapagpaunahan ang kanyang mga luha. 

Umiling siya bagaman alam niyang hindi siya kita ng kausap. "Hindi ko pa nahahanap yung journal mo eh, pasensya na. Pero... may iba kasi akong nakita." Saglit siyang tumahimik, tila ba hindi niya magawang magpatuloy. "Isang notebook... nakapangalan sa'kin."

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon