Twenty

2.8K 95 19
                                    


Dark Side


Kagaya ng inaasahan, tinupad ni Axle ang pangako nyang isasama nya ako dito sa penthouse nila kinabukasan. Minsan na akong napadpad dito kaya medyo alam ko na rin ang bawat sulok nito.

Iwan lang kita saglit, nakalimutan ko lang bumili ng snacks natin sa Cafeteria. Okay lang ba?” pamamaalam ni Axle.

Pinigil kong mapangiti ng lihim, kahit alam kong hindi naman nya makikita. Mukha kasing pinapaboran ako ng pagkakataon.

Feel at home while staying here.” matamis pa itong ngumiti bago tuluyang lumabas ng pinto.

Nang makasigurado akong nakaalis na sya ng tuluyan, saka lamang ako tumayo at iginala ang paningin ko sa buong paligid.

Bukod sa mga mamahaling gamit, madami rin ditong malalaking shelves na may mga libro. Hindi pa man ako nagsisimula, sumasakit na ang ulo ko.

Saang lupalop ba yun mahahanap? Ni katiting na clue kung saan ko mismo mahahanap, wala akong kaalamalam.

Find the heart of HFA.”

Badtrip na puso yan. Ano ba kasing klaseng puso yun? Nakakagago minsan ang Head. Hindi daw namin mahahanap ang hinahanap namin hanggat hindi kami nakadikit sa isa sa mga Elites

Ni wala rin silang clue kung sino sa mga Elites. Ni hindi namin alam kung anong klaseng puso yun. Kwintas, unan o kung ano man lang sanang mapagkakakilanlan. Ang hirap.

Bakit kasi hindi na lang sila ang gumawa tutal masyado naman silang makapangyarihan. Bakit kailangang kami pa?

Anong ginagawa mo rito?” umalingawngaw sa buong paligid ang boses na yun dahilan para manigas ako sa kinakatayuan ko.

Dahan dahan ko syang nilingon.

Bakit hindi ko narinig ang pagpasok nya sa pinto?

Magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay at kunot na kunot ang noo. Ang sama na naman nya tumingin.

“Sinong nagpapasok sa’yo rito?” masungit na pagkakatanong nya.

Mukhang nakain ko na naman ang dila ko. Ganito talaga ang epekto nya kapag galit sya sa’yo. Matatakot ka talagang sumagot ng pabalang.

Ah.. Why am I asking this? Malamang, si Axle ang nagpapasok sa’yo.” sarkastiko pa nitong dagdag. Timang ba sya? Magtatanong tanong sya tapos sya rin pala ang sasagot.

Binalaan kita nung huli sa pagkakatanda ko.” dahan dahan syang naglakad papalapit sa’kin. “What cards do you have now? You are using Axle against me right?” umatras ka na Candid. Bakit hindi ka pa umatras? “Iniisip mo bang kapag naging kayo ni Axle, makakaligtas ka na sa parusa ko sa’yo?” may pagtaas pa ito ng kilay ng tuluyan na syang nasa harapan ko mismo.

Pigil ang hininga kong nilalabanan ang titig nya.

Matagal ko ng kinalimutan ang ginawa nya. Kaso sa twing makikita ko sya at ang napakapulang labi nya—ugh! Stop it Candid!

ELITESWhere stories live. Discover now