Chapter 27

1K 12 0
                                    

[Ezekiel’s POV]

“ok Zeke that’s all for now.” sinara ni Sir Jeff yung mga folders na nasa harap ko ngayon. AAAAAAAAH!! Salamat naman . Ininat- inat ko yung braso ko. Grabe! Nakakaantok talaga. Parang may sleeping pills yung mga papel na yun.

“sige po Sir Jeff. Salamat po sa oras at effort nyo” sabi ko sa kanya.

“No. Don’t worry about my time. It’s my job to mentor you at sa effort, it’s nothing. Madali ka lang naman turuan e.” 

“Naku, wag niyo po akong purihin ng ganyan. hehe. ” hinawakan ko lang yung batok ko. “Baka po kasi lumaki yung ulo ko . hehheeh”

“Ikaw talaga Zeke. Sige mauuna na ko ha. Baka kasi magwala nanaman si kumander . “

“Sige po . ingat po sa daan. “

sumakay na sya ng kotse niya at umalis. Ako naman, naiwan dito. Aish! Gusto ng sumabog ng utak ko sa dami ng mga pinag-aralan ko.

Si Sir Jeff nga pala yung mentor na kinuha para sakin ni Sir Lucio. Ewan ko lang kung may bayad sya. Siguro naman mayron. Ang galing niya kasing magturo. Right choice kung baga. Malayo na nga daw yung progress ko na at any time, pwede na kong pumunta ng Manila at magtrabaho dun. Pero kay Yannie. Hanggang ngayon 0% pa rin. 

“Zeke. Pinapatawag ka ni Manang sa kusina” 

“ah sige Tom. Salamat”

pumunta ako sa kusina para tignan kung anu iuutos sakin ni Manang. Kahit na sinabi sakin ni Sir Lucio na wag na kong tumulong sa gawaing bahay, tumutulong pa rin ako pag may oras. Pero ang madalas lang niyang ipagawa sakin ay hatiran ng pagkain si Yannie.

“wow. Ang bango naman dito. Nakakagutom. Hmmm. naligaw ata dito yung long lost Sister ni Chef  Boy Logro. “

“bolero ka talaga Zeke”

“Manang , nakakagutom talaga promise. Alam mo yun, habang napupuno yung utak ko, nawawalan naman ng laman yung tyan ko. Ang daldal kasi ni Sir Jeff e.” ganito ko kausapin si Manang. Parang diary lang. Haha. Wala naman kasi akong mapagkwentuhan. Kung pinapakinggan lang sana ako ni Yannie edi mas masaya.

“ayos lang yan Zeke. At least diba kahit ganyan yung sitwasyon mo, may bright future ka pa rin”

“oo nga po e. Ang swerte ko nga po.”

“oh eto ayos na yung pagkain ni Yannie. Remember Zeke. Bawat oras na nagdadala ka ng pagkain kay Yannie, you’re moving one step closer to your goal. Oh sya! Hayo na. Baka di na nya yan kainin pag malamig na”

“ok po. “

pagpasok ko ng kwarto ni yannie, wala siya dun. Himala. Asan kaya yun . Nilapag ko yung tray ng pagkain sa table na katabi ng kama nya.

Pag lingon ko sa kama nya, one thing caught my attention

Isang picture frame. Kinuha ko yun tapos tinignan ng mabuti. Parang hindi si Yannie to. Ibang iba sya sa Yannie na mukhang zombie ngayon. Nakangiti sya tapos halatang masaya sya. Ang genuine nung ngiti niya habang hawak niya yung malaking teddy bear. 

Wait! tinignan ko yung actual teddy bear na nasa kama niya ngayon. 

One time, I caught her hugging that big teddy bear. Hindi nya nga yung inaalis sa kama niya e. 

Tapos may katabi syang lalaki sa picture. I looked at the face of the guy. Then suddenly, blurred pictures hit my head. Super blurred nung mga yun kaya di ko sila marecognize. Aaargh! Parang napupunit yung utak ko sa sakit. Sa sobrang sakit, naupo na lang ako at nabitawan yung picture frame.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon