Chapter 41.5

871 14 1
                                    

Hello Readers, this is an apology message for everyone.

alam ko may mga nakabasa ng status ko last time na tatapusin ko tong story bago matapos ang sembreak. Actually bago pa man mag sembreak, confident akong matatapos ko to. But sadly I can't. di ko rin alam kung anong nangyari. But to state some reasons, may mga biglaang bagay na umagaw sa atensyon ko, nagpasama sa loob ko at gumulo sa utak ko.  We can't avoid that. so please sana maintindihan niyo ko. 

di ko po intensyon na paasahin kayo (kung meron man) di ko rin kayang paikliin tong story na to para lang tumupad sa pangako ko. kasi mawawalan na ng sense tong kwentong to. 

So ayun. Sorry po ng marami. and thankyou as in super thankyou. Compared to other stories, konti ang reads, votes and comments but still you gave this story a try. =)) so thankyou. I appreciate all those votes and comments. thankyou.

Chapter 41,5

 [Yannie's POV]

Sa bawat hakbang na ginagawa ko, mas lalong parang nadudurog yung puso ko. Mas lalong sumasakit. Mas lalong lumalalim ang mga sugat. But I can't do anything to stop this misery. Pumili na siya.

Wala ba talaga akong karapatang maging masaya? Una si Mommy, tapos si baby Zeke, si Mark. At ngayon si Zeke. lahat na lang ng taong minamahal ko, bakit lahat sila nawawala? 

I can't handle another loss. Isipin ko pa lang na pipiliin ni Zeke si Trixie, para na kong mawawala sa sarili ko. Of course he will, ano ba ang one year namin sa tagal ng pinagsamahan nila ni Trixie? 

Nang marating ko ang destinasyon ko, tinignan ko lang muna ang paligid ko habang patuloy ang mga luha ko sa pagpatak. 

I never thought things will turn out like this. I'm figthing for you Zeke but you fight for her. That sucks!

Habang dumadampi sa balat ko ang malamig na hangin, isa isang bumalik lahat ng masasakit na salitang narinig ko kay Zeke. Sana minura na lang nya ko o kaya nilait. Mas matatanggap ko pa yun.

[flashback]

i woke up and I realized where I am. Akala ko paggising ko, wala na ko sa mundong to. But here I am, lying on a hospital bed, wearing hospital gown at may nakatusok na dextrose. 

Kung may dahilan pa para mabuhay ako, sana magpakita na sya sakin ngayon. Kasi wala na talaga akong planong lumaban pa. This is life. Even once it didn't play fair.

Narinig kong bumukas yung pinto kaya agad kong sinarado ang mga mata ko. Hindi ko alam kung sino sya. Pero kung sino man sya, wala akong planong kausapin siya.

"Yannie"

my whole body froze. Si Zeke. Alam na kaya nya? Ilang oras na ba ko dito? Nasabi na kaya sa kanya ni Trixie?

"i'm very happy today. Please wake up. I want to share this happiness with you"

he's happy with what? I opened my eyes. Good thing dahil nakatalikod ako sa inuupuan niya.

"she finally said the magic words. I can't believe it. Ang saya ko sobra. Para akong nanalo sa lotto nung narinig ko yun galing sa kanya. She is more than a million price," 

*STAB. tumulo na lang bigla yung mga luha ko. Kahit di nya sabihin, alam kong si Trixie tinutukoy niya.

"sana magising ka na. Kasi ikaw lang makakaintindi ng nararamdaman ko. The way you love Mark, tingin ko, ganun ko rin kamahal si Trixie. I love her soo much.  I'm willing to give up the past and make a new memories with her."

di nga ako namatay. But i feel like I died a thousand deaths today. Right at this moment. Parang kutsilyo yung mga salitang binibitawan ni Zeke. Ang sakit. Ang sakit sakit.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon