Chapter 6

1.1K 17 0
                                    

Kanina pa ko gising. excited e? Haha. Gabi na kasi ako nakauwi kaya di ko pa napeprepare yung mga gamit na gagamitin ko sa 4days na stay namin sa Batangas. ako na. Ako na talaga irresponsable. -______-

Mga 6am natapos na kong mag-impake. Perfect props na to para sa isang babaeng maglalayas.

“Trixie!” 

Ang aga aga sumisigaw nanay ko. Kala mo naman wala na kaming kapitbahay na magigising sa mga sigaw niya.

Lumabas na ko ng kwarto dala yung mabigat kong bag. Nakita ko nakaupo sa sofa si Lance. 

“Aalis na tayo?” 

“oo” tapos tumayo na si Lance.

“Ma, aalis na kami ha.” 

“Tita aalis na kami” sabi ni Lance kay Mama

“Cge. Ingatan mo yan. May pagkatanga pa naman yan” 

-________-“

Tumawa lang sila ni Mama tapos lumabas na kami. Etong dalawang to pag nagkita talaga wala na kong ginawang tama. m(><)m

sa may labas napansin kong May nakapark na kotse sa bahay namin. Regalo yun ng papa ni Lance sa kanya. 

Sumakay na si Lance sa sasakyan pero ako? Nakatayo pa rin ako sa labas ng kotse niya. Bakit siya yung magdadrive? Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, pero basta. 

“Sasakay ka ba o hindi?”

Do I have a choice? Sumakay ako sa likod nung sasakyan. Pag sarado ko nung pinto, “dito ka sa tabi ko. Ayokong magmukang driver”

Lumipat ako ng upuan. Eto yung pinaka ayaw kong pangyayari sa buhay ko e. Yung panahong wala akong choice?.

 Ang boring naman nitong kasama. Di man lang ako kinakausap. Kala mo naman first time niyang maghawak ng manibela.

“Pag di mo pa tinanggal yung mga tingin mo baka matunaw ako.”  Bakit ba ganito tong lalaking to? Joke ba yun ? E ang seryoso ng mukha niya e.

“E kasi iniisip ko kung panu ko sasabihin sayo na nagugutom na ko. Pls. Kain muna tayo”  ang galing ko talagang maghanap ng excuse. sana may ganitong subject sa school. Sigurado uno ako dun .  ≧=ʘ‿ʘ=≦ 

“May chichiria dyan sa likod. Tska isang litrong C2. Pwede na yan. Wala kasing malapit na kainan dito”

Kinuha ko yung sinasabi niyang pagkain.Hindi naman talaga ako nagugutom kaya keme keme lang. sinimulan kong kainin yung Vcut.

“Hindi mo man lang ba ko aalukin?”

“ay sorry. oh. ” nilapit ko sa kanya yung Vcut.

“Busy akong magdrive. Baka mawala ako sa focus at mabangga tayo”

“Ang arte ah. Di wag kang kumain” 

“Kawawa naman ako” tapos nag project siya ng nalulungkot na mukha.

“ah, so anung sinasabi mo? Isubo ko sau? nilayo ko yung pagkain sa kanya.

“eto, minsan mo lang akong pagsilbihan e. Pano pag nagkaboyfriend ka na, kawawa naman siya. Kasi hindi sweet yung girlfriend niya” 

“E kasi hindi naman kita boyfriend kaya di ako sweet sayo, gusto mo ng sample kung pano ako magiging sweet sa kanya?” kumuha ako dun sa supot. Tapos nilapit ko yung kamay ko na hawak yung pagkain sa bibig niya.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon