Chapter 28

1.1K 12 0
                                    

“Zeke, anung balita?” tanung agad sakin ni Yaya pagpasok ko ng kusina.

“Yan agad Manang? Walang bang good morning muna?” matamlay na sagot ko sa kanya kasi sobrang inaantok pa talaga ako. 

“ay sorry Zeke. Good morning. Sige na anak magbalita ka na please. “

“Mukha na ba kong broadcaster ngayon Manang?” pabiro kong sabi sa kanya.

“hindi ibig kong sabihin ba yung nangyari kagabi. Nakita ko kasing hinila mo kung saan si Yannie”

“ah yun po ba? Wala lang po —- “

“Good morning Yaya!” naputol yung sinasabi ko kasi biglang pumasok si Yannie sa kusina. Dumiretso sya kay Manang tapos niyakap niya.

Tumingin sakin si Manang na parang nagtataka pero tinaas ko lang yung dalawang balikat ko para sabihing di ko rin alam kung anung nangyayari.

“Good.. Morning Iha” sabi ni Manang na parang di pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Kumalas si Yannie at tinignan yung niluluto ni Manang.

“Wow Ya! Ang bango. Amoy pa lang ulam na. Hmmm”

tinignan ko si Yaya at ang epic ang itsura niya. Parang di pa nagsisink-in na bumalik na sa sarili yung alaga niya. Well, kahit naman siguro ako e. Ang bilis kasi ng mga pangyayari pero at least diba, all is well na.

“good morning Zeke. ” nagsmile sya sakin. A sweet smile at umupo sa tabi ko.

“may sakit ka ba?” nilagay ko yung palad ko sa noo nya.

“wala no. Hindi ako weak. Look.” tinaas nya yung braso nya at pinakita yung muscles niya. “mas malakas pa nga ata ako sayo e”

“says who?” sarcastic na tanung ko sa kanya.

“says me” proud na sagot niya.

“ikaw Yaya? May sakit po ba kayo? Parang wala po kasi kayo sa sarili niyo e.” nabaling yung attensyon ni Yannie kay Manang na nagyelo na sa kinatatayuan niya. 

“naku Iha wala. Masaya lang talaga ako” 

“may masaya bang ganyan itsura Ya?” lumapit sya ulit kay Manang at niyakap siya patalikod.

“oh baka namimiss mo lang ako? Aminin mo na Ya. Please?”

“oo anak. Namiss talaga kita sobra” maiyak iyak na sagot ni Yaya.

“ako din Ya. Namiss kita super” sabi ni Yannie gamit yung sweetest voice nya.

“Ano ba yan, ang aga aga, ang drama drama nyo” panira ko nung dramatic atmosphere. Now that Yannie is back we should be happy right? It’s a call for a celebration. There’s no room for tears today kahit pa sabihin nating tears of joy pa yun or whatever. 

Pinaghanda kami ni Manang ng breakfast sa kusina at sumabay na din sya.

“yaya, may gagawin ka ngayon?”

“Marami e. Maraming inutos yung Daddy mo bago sya umalis pabalik ng Manila”

” e ikaw Zeke? Wag mong sabihing busy ka din”

“may klase kasi ako mamaya e” everyday kasi yung klase ko kay Sir Jeff kaya sinabi ko kay Yannie na busy din ako.

“No it’s ok Zeke. Pwede nating ipostpone yung lesson natin ngayon kung may kaylangan sayo ang ating prinsesa” biglang sumulpot si Sir Jeff sa kusina.

“DADDY JEFF!!” tumakbo si Yannie kay Sir Jeff na parang batang sinasalubong yung daddy nya from work. At yumakap sya dito.

Anung sabi niya? Daddy daw? Si Sir Jeff? Am I missing something?

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now