Chapter 11

1.2K 14 1
                                    

“Lance, sigurado ka ba?” sabi ni Mama habang tinutulungan niya kong mag impake ng mga gamit ko.

“opo ma, di naman ako lalangoy e.” sabi ko sakanya.

“Kaya mo na ba? Baka kasi may mangyaring di nanaman maganda”

“Ma naman, wala pa nga, nega na agad? Kaya ko to. ” tinaas ko pa yung braso ko para ipakita yung muscle ko.

"Sige anak ka, mag-ingat ka"Hinalikan ko lang sya sa pisngi tapos umalis na ko.

Dumiretso na ko dun sa resort. Wala naman kaming usapan ni Trxie na susunduin ko siya or what kaya dumiretso na ko dun. Pagdating ko, Nandun na yung mga kaibigan ni Cecille. Puro sila naka basta alam nyo na yun. Nakakasuka lang tignan. Ang sama ko ba?  Di lang siguro ako sanay makakita ng ganito.

Una dahil conservative si Ate Ianne tska si Mama.

Pangalawa, di ako nanunuod ng porn. Swear! Kahit anime. I do respect girls. I believe na yung dapat lang na makakita ng bagay na di dapat makita ng iba ay yung magiging asawa nila.

And third, after nung nangyari kay Kuya Jer, ngayon na lang ulit ako nagpunta sa ganitong lugar.

Nagstay lang ako sa may cottage. Bakit kaya wala pa si Trixie? Pupunta ba talaga sya? Siya na nga lang pampalubag loob ko na pumunta dito e.

Mayamaya, nakita ko na sya kasama si Seth. wala pa din pala si Seth kanina ngayon ko lang napansin.

As expected, nakalugay yung buhok niya, tapos naka t-shirt sya na dark red, tapos shorts na hanggang tuhod then naka shades. Spell Miss Conservative. T-R-I-X-I-E

Yun pa pala, pang apat na rason, dahil yung babaing lagi kong kasama ay conservative din.

“Bakit nandito ka lang? Ayaw mong magswimming? Sayang entrance fee dude!.” sabi sakin ni Trixie sabay palo sa balikat ko.

“As if I care? ” sabi ko sakanya.

“Wow, ang aga aga, ang sungit ha”

“Aga lang, kasi pag dalawa na, madaling araw na yun. Tirik na yung araw oh” sabi ko sa kanya sabay bulong, “Palibhasa kasi late”

“Ano? di pa ko late no. Ang tagal kasi ni Seth e.”

Oh well, Seth again .

“Face your fears Lance. It will make you a stronger person.” sabi niya.

“Wag pilitin ang ayaw Trixie” biglang nagsalita si Seth.

“Nasang pool kayo Seth?” biglang nabaling yung atensyon niya kay Seth.

“sa 10ft. Sumunod ka na dun”

“sige susunod na ko.”

Tinignan ko lang si Trixie. Kahit mukha nya lang, pwede ng pang sight seeing. >o<

“bakit naman ganyan suot mo?” tanung ko sa kanya kahit alam ko naman yung sagot.

“bakit may mali ba? Dark red na t-shirt, para kahit mabasa to, di babakat o maaaninag yung hindi dapat makita. Short na hanggang tuhod, para di sexy tignan.” explanation niya. Natawa ako dun sa sinabi nyang para di sexy tignan. Kakaiba talaga siya sa lahat.

“super conservative ha? Alam mo ba kung bakit nagsusuot na maninipis ang mga babae pag swimming? Kasi sayang naman daw yung design nung panloob nila.”

“edi tanggalin na pala natin to” pabiro nya lang yun sinabi pero hinawakan ko yung kamay nya.

“Don’t!”

hahahahahahahahahahahahahaha. Tinawanan niya lang ako.

“Lance, kahit sabihin nilang old fashion ako, di pa rin ako magsusuot ng mga ganyan. Sige maiwan na kita. Sayang naman yung binayad nila sa entrance fee ko dito. Babu.” tapos umalis na sya. Pero huminto ulit at lumingon.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now