Chapter 35.2

839 11 0
                                    

Sunday Morning

3:30am

[Trixie's POV]

"myrtle trixie, ang hilig mo talaga sa rush" sabi sakin ni Mama habang tinutulungan akong magempake. Sabi naman kasing matulog na lang siya at kaya ko naman e.

"eh kasi nga Ma, nung Friday lang yan sakin sinabi. Tapos kahapon, sinamahan ko si Rachel sa patahain nung isusuot niyang gown sa kasal niya." paliwanag ko.

"napaka iresponsable mo pa din. Osha! Ihahanda ko lang yung almusal. Masamang bumiyahe ng walang laman ang sikmura"

ayaw talagang patalo ng nanay ko. Sa dictionary ko, Malaki ang pinagkaiba ng iresponsable sa busy. 

Pagkatapos kong iempake lahat ng dadalhin ko, lumabas na ko ng kwarto para kumain. Pero wala na dun si Mama. Siguro bumalik na sa pagkakatulog.

Habang kumakain ako, nagvibrate yung cellphone ko which means may nagtext.

From: Zeke

masyado pang maaga para bumyahe kapa papunta sa opcna. Text mo sakin adress niyo.

*click reply

To: Zeke

wg na. Kaya ko sarili ko.

*click send

di yan pag-iinarte or pa keber lang. Ayoko lang talaga na makita sya ni Mama. Kinakabahan kasi ako sa pwede niyang maging reaksyon. tska baka malaman niya pang kamukha niya si lance. Mahirap na. 

Ibaba ko pa lang yung cellphone ko, nagreply na agad sya.

From: Zeke

drat! Ang dami pang arte. Alam mo yung mga maniac ngayon, maganda o hindi pinapatulan na. Isesend mo ba skin adres mu o ggsingin ko si Lydia pra sa record mu?

Hala! Manggigising pa tong mokong na to. Di niya ba alam na linggo ngayon at araw ng pahinga ng mga tao?

Sinend ko na lang sa kanya yung address namin at dinugtungan na sa hi-way na lang siya maghintay.

Pagkasend ko nung message, binasa ko ulit yung text niya. This person really reminds me of Lance.

Gaya ng usapan, dun lang siya sa may hi-way naghintay.

"bakit ang dami mong dala? We will just stay there for three days." bungad na tanung niya sakin. Wala man lang good morning. Tch!

"eh a three daus  yun. Matagal. Tska as if namang pwedeng maglaba dun." sagot ko sa kanya habang sya naman nilalagay yung mga maleta sa likod ng sasakyan.

"dun ka na umupo sa harap"

"ha? Bakit ako? Ikaw lalaki kaya ikaw magdrive."

"baliw. Dun sa passenger's seat. Driver's seat lang ba nasa harap? Tss. Di ko alam kung panu ka naging board topnotcher"

"aba ang yabang nito. Ikaw di ko alam kung bakit pinagkatiwala sayo to, e ang sungit sungit mo"

"ano namang connect nun?" nagsimula na syang patakbuhin yung sasakyan.

"alam mo bang nakakabobo ang pagiging masungit?" saad ko.

"your words Miss. Nakakalimutan mo atang ako ang Boss dito" sabi nya ng hindi ako tinitignan. 

"ikaw pa rin Boss? Nasa labas na tayo ng companya mo ah."

"pero we're going to a business trip. Kaya ako pa rin Boss. End of convo."

oo nga pala. Papunta kami ngayong Tagaytay para daw sa conference na yun. Napurnada tuloy yung overnight namin nila Monic. Sorry kung ang casual ko syang kausapin ha. Pero alam niyo ba yung pakiramdam na ang kumportable ko sa kanya? Parang kay Lance ako nakikipag-usap. Ewan ko, pero alam kong hindi to basta magkamukha sila e. May something kay Sir Zeke na hindi ko alam.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now