Chapter 9

1.1K 13 3
                                    

Pagkatapos kong kausapin si Kuya Jerome, bumalik na ko sa sasakyan.

“Sinong katext mo?” sabi ko kay Trixie pag pasok ko.

“Ah wala. Si Mama. Tinatanung kung nakapagpasa na ko”

“ah. Tara uwi na tayo” inistart ko yung sasakyan pero umandar lang kami ng konti tapos huminto.

Tinry ko ulit iistart pero ayaw talaga. Isang beses pa. Pero wala ring nangyari.

“Wala na sigurong gas” sabi ni Trixie sa tabi ko.

“Malayo pa sakayan dito .. Ok lang bang ..” nahinto ako sa sinasabi ko kasi bigla niyang dinugtungan ng “Game”.

Pagkasabi niya nun, bumaba na sya ng kotse. Kinuha ko muna yung cellphone at wallet ko sa bag.

Pero nakita ko yung box. Nagpapahiwatig na ba to na ibigay ko na? Balak ko kasi sa Batangas ko to ibibigay. Kaya nga nagmamadali akong umalis nung last practice namin e. Para di niya makita. Kaso inatake ng katorpehan e. Bahala na ulit. Nilagay ko lang yung box sa bulsa ko.

“Masyado bang malayo yung sakayan dito?” sabi nya sakin.

“oo e.” sagot ko sakanya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. 

“It’s been a long time bago ulit to naulit”

I looked at her sa sinabi niya. Honestly, di ko alam yung gusto niyang sabihin.

“What do you mean?”

“wala lang, namiss ko lang yung ganito. Yung kasama kitang naglalakad. After kasing dumating nung sasakyan mo, lagi na lang yun. Wala ng lakad”

“Ayaw kasi kitang mapagod” yun lang yung sinabi ko.

“hindi nga tayo napapagod, pero ang ikli naman ng oras natin.”

Nagulat ako sa sinabi nya. Dahil sa sinabi nya, parang sinabi nya na rin na gusto nya kong kasama.

“but you know what, hindi naman ako napapagod pag kasama kita e. Kasi parang di tayo nauubusan ng topic. Parang chismis lang, laging may bago” dugtong nya.

“Talaga? Di ka napapagod? Paunahan” tumakbo ako. Naramdaman kong tumakbo din sya. 

Nakakatuwang isipin na kahit college na kami ginagawa pa din namin to na para kaming mga bata. 

“Ambagal mo Trixie!”

“ang yabang mo Lance”

“ouch!” sumigaw si Trixie sa likod.

Paglingon ko sa kanya, nakaupo na sya sa sahig. 

“Anung nangyari?” tanung ko sakanya habang papalapit ako sa kanya.

Di niya sinagot yung tanung ko. Instead, umiyak lang sya ng umiyak.

“Baliw ka! Bakit kasi di ka nag-iingat?” nakaluhod na ko sa harapan nya ngayon.

“yung bato kasi. haharang harang, hindi ko tuloy siya napansin” 

Nilagay ko yung kamay niya sa balikat ko para tulungan syang tumayo. Una muntik pa syang matumba pero kaya naman pala. Ang problema lang nung nagsimula kaming maglakad ulit. Maliban sa sobrang bagal, ramdam na ramdam ko yung sakit na tinitiis nya sa bawat hakbang. 

"kaya mo pa bang maglakad?" tanung ko sa kanya.

"yup. keribells pa" 

Pero Di ko na talaga sya kayang tignan na ganun kaya umupo ako sa harapan niya.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon