Chapter 32

808 10 0
                                    

[Zeke's POV]

Kala ko ba pag humiga ka, nakakawala ng pagod? Eh bakit ako, parang mas nangangalay pa ata. Kanina pa ko nakahiga e. Ikot sa kanan, ikot sa kaliwa, titig sa kisame. Bumaliktad na nga rin ako ng pwesto e, kaso di talaga ako makatulog. Badtrip!

I accept defeat at bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas. Effective daw yun na pampatulog. Masubukan nga.

"ui bakit gising ka pa Zeke?" tanung sakin ni Yannie na naabutan ko sa counter na naglalaptop.

"di ako makatulog" 

"obvious naman Zeke. I mean, bakit di ka makatulog?"

"ikaw bakit di ka pa natutulog?" pag-iiba ko ng usapan.

"eh kasi naman unang araw ko pa lang ng klase, andami na agad pinapagawa ng mga prof namin." inis na sagot niya.

"ok lang yan Yannie. Isang sem na lang naman kaylangan mo para makagraduate ka na"

"wag mo kong daanin sa mga segue mo Zeke, bakit di ka makatulog? May nangyari ba sa opisina?"

i know I can trust Yannie, so I spilled it.

"may secretary na ko"

"ow, that's great. E bakit ganyan itsura mo?"

"there's something about her" 

tinaasan nya ko ng kilay sa sinabi ko.

"I myself can't explain it." kung kaya ko lang sanang iexplain. E pano ko nga ieexplain kung hindi ko naman alam kung ano yung something na yun.

"anung pangalan?"

"Trixie Salcedo"

"really? Si Trixie? Pero--"

"kilala mo?" tanung ko ulit kasi halatang nagulat sya sakin.

"yeah."

"she's weird. di ko alam kung anung kaylangan niya. Imposible wala ng mas magandang opportunity sakanya. She's a CPA. Pero pumayag syang maging secretary ko. Di ko alam kung anung motibo nya"

"ah so yun pala yung gumugulo sayo? Don't worry. Trixie is a nice girl. Weird nga lang kung bakit naging secretary mo sya. As far as I know, she saw someone there yesterday kaya kahit anung job na lang makapasok lang sya sa company. Ooops, don't ask me who. Di ko alam kung sino."

"ah yun pala yun."

"parang di ka pa rin relieved sa sinabi ko ah? Sht! Don't tell me.. I'm warning you Zeke. Off limits si Trixie."

"panung off limits?"

"seth loves trixie. And I don't want his lovestory to be ruined"

"at sino namang nagsabi sayo na eeksena ako? I don't like her. I think I liked someone else before."

that girl. That girl in my blurred memories. I believe she's the girl in my past.

[Yannie's POV]

parang nabasag yung puso ko nung narinig ko yung last sentence ni Zeke.

"w-wala ka ngang naaalala diba? Panu nangyaring alam mo na may naiwan kang girl sa past mo?" tanung ko sa kanya. 

"tanda mo nung tinawag mo ko Babe? Pagkatapos nun, may mga dumadaan sa utak ko na babaing binabanggit yung babe. Kaso sobrang blurred, di ko makita yung mukha niya. But I believed she's my girl. Kasi kung hindi, bakit sa dinami dami ng taong nakilala ko, sya lang yung bumabalik sa utak ko, at bakit may babe na endearment?"

"ano ka ba dude, kahit walang relasyon, pwedeng magtawagan ng kung anu. Uso na yun ngayon." i tried to sound casual, pero ang totoo, nababalot na ko ng takot. Na baka isang araw, I'll wake up to find out na bumalik na lahat ng alaala ni Zeke At iniwan na din niya ko. 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now