Chapter 31.4

763 10 0
                                    

[Yannie's POV]

"ah kaya pala alam mo na. andaldal talaga nun ni Marie. hahahahaa. " I laughed to lighten up the mood. actually nalulungkot ako para kay Monica. alam ko kasi kung gano niya kagusto si Seth e. Puppy love kung puppy love pero I can feel her sincerity. at isa pa, hindi man lang niya nalaman na minahal din siya ni Seth. At wala ako sa lugar para sabihn sa kanya yun. Engot at kalahati din kasi yung si Seth e.

Di ko tuloy mapigilang isipin na kung di kaya pumasok si Trixie sa eksena, pwede pa kaya sila ni Monica?

Sana pwede pa. I'm a big fan of their lovestory.

[Trixie's POV]

Buong byahe walang nagsasalita samin ni Seth. Kung iniisip niyang di ko napansin, napansin ko yun. Di naman ako ganun ka manhid o ka-ignorante sa mundo para di ko malaman na may mali. What's with him and Monica? Bigla na lang kasing nag-iba yung mood sa paligid. Alam nyo yun, biglang binalot ng awkwardness yung paligid.

"ang tahimik mo." sa wakas binasag nya din yung katahimikan.

"how are you?"

"di ba dapat ako yung nagtatanung sayo nyan? Ikaw yung nag-apply. Hindi ako." di pa rin sya tumitingin sakin.

"I'm fine. Ok din naman yung interview buti na lang talaga nandun si Mon--" i voluntarily cut my sentence. Di ko kasi alam kung tama bang i-mention ko pa sya.

"she's my childhood friend. Don't feel uncomfortable about it."

shet! Nagyelo ako sa lamig ng pagkakasabi nya.

"simula bukas officemate ko na sya. If there's something going on between the two of you, I hope hindi nun maapektuhan yung relasyon ko sa inyong dalawa."

"yan ba yung nagbobother sayo kanina pa kaya ka tahimik?" ano ba to Seth? Kumain ka ba ng isang timbang yelo? Bakit ang lamig mong magsalita.

I cringed upon hearing that. Actually di naman talaga yun e. Si Lance. No! Scratch that. Yung kamuka ni Lance. May dalawang tao bang super magkamukha? Even identical twins have their differences.

"natahimik ka?"

"h-ha? Hindi ah. Wala sakin yun. Pake ko naman sa inyo ni Monica. It's just .." I hesitated na sabihin kay Seth yung nakita ko. Konti na lang kasi ipapadala na ko nito sa mental. Baka isipin nya guni-guni ko lang yun o baka nag-iilusyon lang ako, or worst, nababaliw lang ako.

Tinaasan nya ko ng kilay as a signal na ituloy ko yung sinasabi ko pero nanahimik na lang ako.

Lahat siguro ng tao iisipin na nababaliw ako. College graduate, CPA Licensure exam topnotcher, tapos secretary dahil lang may nakitang kamukha? I know it's too risky. Ni hindi ko nga alam kung makikita ko pa sya ulit dun tapos.. Tch! Ayoko na ngang mag-isip.

Nagulo lang ako sa pag-iisip ko nung huminto na yung sasakyan.

"salamat sa paghatid"

"sorry"

"para saan?"

"gusto ko sanang makasama ka buong araw para sana makabawi sa pagkabusy ko. Kaso"

"ok lang yun Seth. May ibang araw pa naman siguro di ba?"

he just smiled at bumaba na ko.

"oh nasan si Mama?" tanung ko kay Ven na nasa harap ng computer.

"di ko alam. Ui ate, pahiram naman ng drumsticks mo. Please? Kaylangan lang ng classmate ko para sa talent portion. Nabali kasi yung drumsticks niya habang nagpapapractice sya kanina e. Please?" anak ng! Alam talaga nitong batang to kahinaan ko e. Ginagamitan nanaman niya ko ng puppy-eyes technique niya.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon