Chapter 17

1K 14 0
                                    

Akala ko wala ng mas sasakit pa sa biglaang pagbabago ng trato sakin Lance, pero mali nanaman ako.

Kung masakit yung noon. Hindi lang doble, triple o apat na beses na mas masakit kundi sampu. Sampu nga lang ba? Basta ganun. Peste! Bakit kasi kaylangan ko pang maramdaman to e.

Ngayon naiintindihan ko na yung pakiramdam buhay ka pa pero unti unti ka ng pinapatay.

Ang hirap ng ganito. Wala akong maramdaman sa paligid ko kundi yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Na parang sa sobrang sakit, kaya nitong iparalyze yung buong pagkatao ko.

Hawak ko na e. Yun na yun. Ang tagal kong hinintay yun. Seven years Trixie. Seven years mong pinangarap na sana pangarapin ka din nung lalaking pinapangarap mo.

Na sana, pagkatapos ng mahabang paghihintay, I will be with him and I will say it’s worth the wait.

Pero ngayon, wala na. Tapos na yung kwento namin na hindi man lang nabigyan ng happy ending. 

SAYANG! SAYANG! SAYANG!

Ang tanga tanga ko. I was blinded by my own suspicions. Bakit ba hindi ko naisip na hindi superhuman si Lance?

Oo hindi super human si Lance para iprepare yung mga yun ng ganun kadali. 

Nanghihinayang ako. Nagsisisi. Kung hindi ba ko tamang hinala, kung sinunod ko lang ba yung puso ko, mangyayari pa rin ba to? O masaya na kami ngayon? Dapat ako yun e. Dapat ako yung proud na magpakilala na girlfriend niya.

Lance bakit ang bilis? Bakit hindi mo man lang hinintay na malaman ko yung totoo. Bakit may kapalit na ko agad? 

Kinuha ko yung mga bulaklak na binigay ni Ate Ianne. Hindi na sila kasing fresh ng dati, pero maganda pa din sila dahil binabad daw sila ni Ate sa tubig.

Pero may isa pang regalo na hindi ko nakita nung araw na yun.

Nakabalot sya ng pink na wrapper. 

Lance knows that I love pink.

Binuksan ko yung regalong yun at nakita ko yung stuff toy na Mirmo.

Ang cute!! *>0<*

Nung nakita ko si Mirmo parang gumman ng konti yung pakiramdam ko.

“Mirmo, fairy ka di ba? Can you grant my wish? I want to have Lance back. Sana ako na lang. ako na lang ulit. hindi naman mahirap yun di ba? “ 

then I hugged the stuff toy.kahit alam kong di ako yayakapin nun pabalik, still, nandito pa rin siya.And Lance is the one who gave him to me.

Mali bang hanapin ko si Lance sa isang stuff toy if that;s the only way I can feel his presence? 

I’m sorry Lance. I’m sorry,

Naramdaman ko nanamang parang waterfalls yung mga mata ko. Nakakainis naman kasi e. 

I get my phone.

I’ll take every chance na magsorry kay Lance habang maaga pa. 

Maaga pa ba? 

baka super late na? 

May Bianca na siya di ba? 

“the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later” 

PSH!. NAgpalit pa ata ng number ang loko. o baka naman nalowbatt lang? AISH!! . 

“the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later” 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon