Chapter 38.1

737 10 2
                                    

[Monica's POV]

pagtapos kong maglunch, nagpaalam muna ako sa Head namin na kukunin ko lang sa bahay nila Trixie yung pinapakuha niya. Badtrip kasi di naman makapaghintay. Uuwi naman na bukas yung tao.

"Good afternoon po."

"magandang hapon din iha! Ikaw ba yung kaibigan ni Trixie?"

"ako nga po. Monica po pala."

"ah sige. Pumasok ka na. Venn! Samahan mo nga tong kaibigan ni Ate mo sa kwarto niya."

pagpasok ko sa kwarto ni Trixie, simple lang din. Parang si Trixie at very organized.

Katabi ng kama niya yung side table kaya pumunta na ko dun. Habang si Venn, umupo sa kama ni Trixie. Binabantayan siguro kung salisi gang ako. Well, hindi ko naman sila masisisi. Mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon.

Pag bukas ko nung drawer nun, nakita ko agad yung folder na sinasabi niya. Pero hindi lang yun ang pumukaw ng atensyon ko.

*u*

ang ganda. May artistic side pala tong si Trixie.

"pwede ko ba tong tignan?" tinaas ko yung scrapbook.

"sige po"

personal and private property of: Lance Michael Gallano.

Hindi pala to kay Trixie. Eh bakit nasa kanya? Mas lalo tuloy akong nacurious.

tinanggal ko yung ribbon sa gilid at binuksan to.

At

at

at

di ako sigurado kung tama tong nakikita ko.

Bakit?

"ate may problema ba? Di ka rin makapaniwala na lalaki gumawa niyan no. Ang ganda diba?" 

"Venn, to bang lalaking kasama ng ate mo, eto ba si Lance?"

"opo. Sya po"

nababaliw na ba ko? Wag niyong sabihin saking..

"ako si Monica. At ikaw?"

"ezekiel. Pero hindi yan ang totoo kong pangalan. Pinangalan lang ng mga nakapulot sakin. Kasi wala akong maalala."

Si Lance at si Zeke, iisa?

Binuklat ko pa yung ibang page nung scrapbook. Ang kapal. At mas lalo akong naguluhan sa nakita ko..

High school graduation picture.

Si Zeke, Trixie at Seth.

Kilala ni Seth si Lance. 

May alam ba si Seth dito?

Pinuntahan ko sya sa pinagtatrabahuan niya ngayon. Di na ko makakapaghintay ng bukas.

"oh Monica, sorry busy kasi ako eh. Kaya di kita nadalhan ng lunch."

"hindi yun ang pinunta ko dito" nilapag ko sa table ni Seth yung picture na kinuha ko sa scrapbook ni Lance.

"that's our graduation picture" yun lang yung sinabi ni Seth.

"umamin ka nga sakin Seth, may hindi ba kayo sinasabi sakin ni Yannie?"

"anong alam mo Monica?"

"alam kong walang natatandaan si Zeke. Bago pa sya magpanggap na Ezekiel Reniedo, kaibigan ko na sya. I was there when he was in the hospital. At alam kong si Lance at Zeke, iisa"

"I'm just protecting Yannie."

"protecting Yannie? Alyanna is strong. Nakaya niya nga yung kay Mark e"

"yun na nga e. Monica, she can't afford to lose someone again. You don't know what she's capable of. Nung mamatay si Christian, she locked herself in her own room and didn't talk for almost 3months. And Zeke was the one kung bakit pinilit niyang mabuhay ng normal ulit. Napunan ni Zeke yung butas na iniwan ni Mark"

"pero panu si Trixie? Kaibigan  Mo din siya. Alam mo kung anong pinagdaanan ni Trixie nung mawala si Lance. Nung nagmovie marathon kami, sana nakita mo kung pano umiyak si Trixie nung naalala niya yung gabing nawala sakanya si Lance."

"anong gusto mong gawin ko?" umiiyak na si Seth. O.M. Ano bang ginawa ko. Bakit kasi ako nagpadala sa emosyon ko.

"eto ba yung sinasabi mo sakin na gusot sa buhay mo na kaylangan mong ayusin?"

"ang gulo ng buhay ko no. Please Monica, hayaan mong ako ang umayos nito"

"pero pag may ginawa si Yannie na hindi maganda kay Trixie, Seth let me do my part as her friend"

**

"pumasok ka ng 1pm mamaya ha. Kaylangan daw nating pumasok pareho" 

"sige. Onting tulog lang, bawi na tong pagod na to" sabi  nya bago bumaba ng sasakyan. As usual, di sa mismong bahay ko siya hinatid.

Pag-uwi ko ng bahay.

"ate nasan si Yannie?"

"naku Sir, maaga pong umalis."

"ah sige."

natulog lang ako ng dalawang oras atska nag-ayos ng sarili. Bakit naman kasi di sila pumayag na di muna kami pumasok, alam naman nilang pagod yung tao.

"good afternoon Zeke"

"oi Monica. Nakuha mo ba yung mga papel?" 

"ah oo. Kinuha ko kahapon sa bahay nila Trixie"

"good sige. Una na ko ha"

"Zeke!" nilingon ko sya at sya naman lumapit sakin. Tumingin muna sya sa paligid at nung masigurado niyang walang tao, saka niya ko binulungan.

"di mo ba hinahanap yung lost memories mo?"

ngumiti ako sa kanya. I finally made my decision last night.

"i don't care about my past anymore. I'm ready to make new memories"

medyo nag-iba aura ni Monica. Bakit kaya?

Pagpasok ko sa opisina ko..

"Yannie?"

"Good Afternoon Zeke. I'm your new secretary."

"what?"

"and you're fired" tumingin ako sa likod ko para tignan kung sino yung kausap niya. at nandun si Trixie.

"ano bang kalokohan to Yannie?" di ko mapigilang mainis sa mga sinabi niya.

"I said she's fired. Loud and clear enough para maintindihan niyong dalawa"

"Yannie, please I need this job" 

tinignan ko si Trixie. Ramdam kong at any second, iiyak na siya.

"Yannie. If this is a joke. Pwes, hindi nakakatawa"

"bakit sino bang nagsabi sa inyo na nagpapatawa ako? You may go now Trixie"

"yannie please. Inayos ko naman yung trabaho ko e. Wala akong makitang paraan para tanggalin mo ko"

"kala ko ba matalino ka Myrtle Trixie? Eh bakit di mo maintindihan yung sinabi ko. O baka naman gusto mong itranslate ko pa para sayo."

"no need." at tumakbo na sya palabas.

"if you'll fire her. I'm quitting this job too" i said using my warning tone. 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now